Nasa elevator pa lang sila ay halos hindi na siya makahinga. Kapag nagtatama ang mga mata nila ay umiiwas na siya. Naramdaman niya ang banayad na paglapat ng palad nito sa sa likod niya. Napatingin siya rito pero nakatuon lang ang tingin nito sa harapan lalo na nang bumukas ang elevator. Iginiya siya nito palabas hanggang sa makarating sila sa VIP suit. Pagpasok pa lang nila ay tumambad na sa harapan niya ang malaking glass window, nakahawi ang malaking kurtina kaya kitang-kita niya ang view labas. Wala sa loob na humakbang siya papunta roon pero napahinto rin siya sa gitna nang may makita siyang box na nakapatong sa malaking vanity mirror. Na-curious siya kaya lumapit siya at tiningnan ang box. Kulay black ito at may nakasulat na malaking word na Magnum, malalaki ang mga letra na kul