Napatigil si Santa sa paglalakad nang may humintong sasakyan sa gilid niya, malalim ang iniisip niya kanina dahil sa ginawa ng boyfriend. Hindi siya makapaniwala na magagawa siya nitong pilitin at insultuhin. Ang bigat na nang pakiramdam niya pero pinilit niya pa rin na magpakatatag. "Get in." Ang malamig na boses ng boss niya, napatingin siya sa mukha nito, nakatiim-bagang ito at blanko ang expression ng mukha, pagkatapos ay kaagad na itinaas ang window shield ng pinto. Matagal bago siya nakapag-decide, nagdadalawang isip siyang sumakay sa sasakyan nito pero nanlalambot na ang tuhod niya, pakiramdam niya ay any moment bibigay na iyon. Para pa siyang baliw na yakap-yakap ang sarili. At the end, she took his bastard boss's offer. Bihira niya lang ito makitaang nag-magandang loob kaya