Kinakabahan si Santa na lumapit sa Mercedes Benz na nakaparada sa labas ng gate nila. Tinted ang lahat ng bintana kaya hindi niya makita ang nasa loob. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng front seat. Kaagad siyang sumakay dahil baka makita pa siya ng pamilya niya. "Dominic..." usal niya nang pagpasok niya ay nakatingin na ito sa kanya. Tipid siyang ngumiti. "Kumusta ang meetings?" "I miss you..." saad nito, hindi man lang kumukurap ang mga mata nito. Bigla tuloy siyang nailang dito. Yumuko siya, hindi niya naman alam kung ano ang isasagot dito. Nabigla siya sa pag-amin nito na na miss siya nito. Pakiramdam niya tuloy ay namula ang buong mukha niya. "No answer?" Napatingin siya rito. Malagkit pa rin itong nakatitig sa kanya. Pilit siyang ngumiti. Ano ba ang gusto nitong