Chapter 49

1087 Words

Parang dinurog nang paulit-ulit ang puso ni Santa sa sagot ng ina. Parang hindi niya matanggap na hindi siya parte ng pamilyang kinagisnan niya. At ang masaklap pa, sa mismong amain niya pa galing ang katotohanang isa lamang siyang ampon. Naalala niya ang babaeng bumisita sa nanay niya. Kaya pala may kakaiba siyang nararamdaman rito. Kaya pala gusto siya nitong makita. Kaya pala no'ng pumunta ito halos ayaw itong ipakausap ng nanay niya sa kanya. "N-nasaan ang best friend ninyo?" nanghihinang tanong niya sa kinikilala niyang ina. "Nasa States na siya anak, bumalik na siya sa States. Huwag mo na siyang isipin anak dahil wala naman siyang pakialam sa'yo. Sa katunayan nga pumunta lang siya rito para makita ka hindi para kunin ka. Hindi ka mahalaga sa kanya anak, may pamilya na rin siya."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD