"What do you want?" tanong nito sa kanya nang makaupo na sila sa table nila. May hawak itong menu na kasalukuyang tinitingnan. "Kumain na po ako, just order anything you want, Sir." Pormal na saad niya. Tinitigan siya ng boss niya saka tumango, napayuko naman siya, ayaw niyang salubungin ang tingin nito. "How about dessert?" "Sure," sagot niya. Pinaglalaruan niya ang mga daliri sa kamay na nakapatong sa kandungan niya. Kinakabahan talaga siya. "What do you like?" muling tanong ng boss niya. Napalunok na siya dahil baka bulyawan na siya nito, hindi pa naman ito pasensyoso na tao. May temper ang boss niya kaya kinakabahan siya ngayon na baka ma-singhalan siya nito. "Ice cream cake, any flavors will do." Mabilis na sagot niya. Amused namang napatingin ang boss niya sa kanya. "You