Nagmamaktol siya na pumasok sa loob ng bahay. Sabado bukas kaya wala siyang pasok, magkakaroon pa siya ng oras na makapag-isip tungkol sa date nila bukas ng boss niya. Bumuntonghininga siya. Napahinto siya nang maabutan ang ina sa sala na may hawak na mga bills. "O, Santa, tamang-tama ang dating mo, kaka-check ko lang sa mga bills ngayon," saad ng nanay niya. Tiningnan niya ang suot na relo, 11:26 PM na. Napakunot ang noo niya, hindi pa tulog ang nanay niya. "Kadarating niyo lang ba?" sita niya sa ina, pilit itong ngumiti kanya. "Napasarap kasi ang kuwentuhan namin ng mga amiga ko anak kaya ginabi ako nang uwi." Pagdadahilan nito sa kanya pero ang totoo ay inabot ito nang gabi sa sugalan. Kilala na niya ang ina niya kapag inabot ng mga ganitong oras. Napapagod na rin siyang pagsabi