Chapter 13

2148 Words
Masakit ang katawan ko nang magising ako. Tumayo ako nang medyo nakapikit pa ang mata ko. Tinaas ko dalawang kamay ko sa ere na magkadikit para tuloyang magising ang diwa ko. Ginalaw ko ang baywang ko pakanan at pakaliwa. Nang tuloyang magising ang diwa ko nagmulat ako nang mata. “AY HOTDOG MONG MALAKI” Naibulalas ko sa pagkagulat nang mabungaran ko si sir Lucas na nakaupo sa gilid nang kama. Naka krus ang mga binte at mariin na nakatitig sa akin. Umayos ako nang tayo at sinuklay-suklay ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko. “Magandang umaga sir Lucas” Pagbati ko sa kanya kahit seryoso ang mukha nito. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Mukhang hindi eto nakatulog nang maayos. Namumungay ang maganda nitong mata. Nangunot ang noo nito at sumama ang tingin sa akin kaya napayuko ako at kinagat ko ang pangibabang labi ko. “Stop biting your lips! Change now so we can leave” sigaw ni sir Lucas. “Ang aga-aga may topak na kaagad” bulong ko. “What did you say?” “Sabi ko po sir Lucas mas gwapo kayo sa umaga lalo na kong ngingiti kayo” turan ko at tinalikoran ko na siya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita tiyak naman na hindi na naman magagandang salita ang lalabas sa bibig niya. Kinuha ko ang plastic bag na naglalaman nang mga damit na nabili namin sa mall kahapon. Pumili ako nang maisusuot ko. Kinuha ko ang maong short at ang sleeveless na pangitaas na kulay pink. At inilagay ko muna eto sa upoan saka ko kinuha ang panty na nabili ko. Itinaas ko eto at sinuri. Gandang-Ganda ako sa lace panty na kulay pula. Hindi ko naman eto maisusuot dahil hindi pa nalalabhan. Itinaas ko rin ang partner nitong pulang bra. Masaya ako na magkaroon nang mga bagong gamit. “What the f**k Liz Freya! Put that away” sigaw ni sir Lucas. Naihagis ko ang bra at panty sa pagkagulat ko sa pagsigaw niya. “Fúck!” Hindi ko napigilan ang mapahalakhak nang lingonin ko si sir Lucas. Bumagsak sa ulo niya ang panty at bra ko. Nasa mukha niya ang kalahating parte nang bra ko at panty. Agad etong inalis ni sir Lucas at hinagis kong saan. “Stop laughing!” sigaw ni sir Lucas. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtawa. Natigil ako sa pagtawa nang ikulong ni sir Lucas ang mukha ko sa mainit niyang palad at siniil nang halik ang labi ko. Halik na mapagparusa. Kinagat niya ang pangibabang labi ko at agad kong naibuga ang bibig ko…… “Bakit ganito ang halik niya napakasarap? Ganito ba talaga ang halik nang isang lalaki? Ganito din ang ginawa niya nang una naming pagkikita sa dalampasigan” sa isip ko. Naglulumikot ang dila ni sir Lucas sa loob nang bibig ko. Gusto kong gayahin ang ginagawa niya. Mas inilapit niya ang bibig ko sa bibig niya. Parang hinihigop niya ang kalukuwa ko sa halik ni sir Lucas. Binitawan niya ang labi ko at leeg ko naman ang hinahalikan niya. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko nang sipsipin niya nang mariin ang leeg ko. Napaigtad ako nang mariin niyang pinipiga ang isa kong dibdib…… “Sir Lucas, masakit” Naibulalas ko nang masaktan ako sa ginagawa niya sa dibdib ko. “f**k!” Malutong na mura ni sir Lucas at tinulak niya ako palayo sa kanya. Pumikit ako sa pagaakala kong sa sahig ang bagsak ko sa lakas nang pagkakatulak niya. Hindi ako bumagsak sa sahig naramdaman ko ang pagpulupot nang matigas na braso sa baywang ko. Dahan-Dahan akong nagmulat nang mata. Pagkainis ang naramdaman ko sa ginawa ni sir Lucas sa akin…… “Sir Lucas, bitawan mo nga ako. Masungit ka na nga mapanakit ka pa” turan ko at tinalikoran ko siya mabilis akong pumasok sa banyo. “Ngayon lang ako nakakilala nang lalaking katulad niya. Hindi ko alam kong bakit lagi siyang galit sa akin?!” Mahina kong turan habang nagpapalit ako nang damit. Nang mapatingin ako sa salamin nakita ko sa leeg ko na may pula eto. Pinadaanan ko nang daliri ko eto. “Eto siguro ang dulot nang ginawa kanina ni sir Lucas sa leeg ko. Sinipsip niya nang mariin” mahina kong turan. Para akong kinikiliti sa tiyan nang pumasok sa imahinasyon ko ang ginawang paghalik sa akin ni sir Lucas. Lumabas ako sa banyo nang nakasimangot. Ipinasok ko sa plastic bag ang mga damit kong labahan. Pinagsama-sama ko na lang sa isang plastic bag dahil lalabhan ko naman eto. Dinampot ko sa sahig ang bra at panty na hinagis ni sir Lucas kanina. Tumikhim si sir Lucas. Tiningnan ko lang siya at muling ipinagpatuloy ang pagliligpit nang mga gamit ko. “Panira din nang umaga si sir Lucas” bulong ko. Matapos akong magligpit saka ako tumingin sa kanya nang hindi nagsasalita. “Your clothes don't suit you” turan nito. “Anong pinagsasabi niyang hindi bagay sa akin ang damit ko? Ang ganda kaya. Ilang beses ko pa nga tiningnan sa salamin sa banyo kitang-kita nga ang hubog nang katawan ko. Ngayon lang ako nagsuot nang ganito at nagustohan ko naman” sa isip ko at sinimangotan ko si sir Lucas. “Sir Lucas bulag ka yata. Anong hindi bagay sa akin ang sinasabi mo?!” turan ko. Hindi ko na napigilang sabihin ang nasa isip ko kanina. Umikot pa ako sa mahabang salamin na malapit sa pintoan. “Let’s go!” sigaw nito. Hinawi pa ako sa daraanan nito at lumabas na nang pintoan. “Ang sama talaga nang ugali nang boss ko. Hay tatanda ako nang wala sa oras sa kasungitan niya” mahina kong turan. “Freya! Tatayo ka na lang ba d’yan. Hurry up!” sigaw nito. Nagmadali akong lumabas sa pagsigaw nito. Sa haba nang biyas ni sir Lucas isang hakbang ko dalawa o tatlo ang sa kanya kaya lakad takbo na ang ginagawa ko para makahabol sa kanya. Pag dating sa tapat nang elevator liningon ako nito at sinamaan nang tingin. Muntik na akong madapa sa pagmamadali ko dahil nakita kong bumukas na ang elevator…… “Stupid!” turan ni sir Lucas nang makalapit ako sa kanya. Narinig nang mga taong nasa loob nang elevator ang sinabi niya kaya tiningnan nila ako. Bigla akong nakaramdam nang pagkapahiya…… “Kong stupid ako ikaw lalaking pinaglihi sa sama nang loob” malakas kong turan. Nagtawanan ang mga tao sa loob nang elevator. Sinamaan sila nang tingin ni sir Lucas kaya natigil ang mga eto. Naitikom ko ang bibig ko nang pinukol niya ako nakamamatay na tingin. Pumasok kami loob nang elevator nang walang imikan. Ilang beses ko siyang sinulyapan na diretso lang ang tingin at nagsasalubong ang kilay. “Bakit kaya laging seryoso ang mukha ni sir Lucas?” sa isip ko. Nang huminto ang elevator sa isa pang palapag marami ang sumakay kaya nasiksik ako sa likoran ni sir Lucas. Dumikit na ang mukha ko sa likoran niya. Pumikit ako at nilanghap ko ang mabangong likoran ni sir Lucas. Ang natural niyang amoy. “Ang bango naman ni sir Lucas. Ang lalaking malinis sa katawan. Naamoy ko ang pinaghalong shampoo at shower gel na ginamit ko din sa hotel kagabi. Napayakap ako kay sir Lucas nang medyo umalog ang elevator. Bigla akong kinabahan. “What the f**k are you doing Freya?” mariin at mahina nitong turan sapat lang para marinig ko. “Nakayakap sa inyo sir. Tatanggalin ko na po ang kamay ko” sagot ko sa kanya para asarin siya. Marunong din pala mahiya hindi ako sinigawan sa loob nang elevator na maraming tao. Umurong ako nang kaunti. Umalis ako sa likoran niya. Nasa tabi niya na ako. Nilingon niya ako kaya nginitian ko siya nang matamis. Matagal etong napatitig sa akin. “Sir Lucas punasan mo ang laway mo natulo na. Sabi n’yo pangit ako pero ganyan kayo makatingin sa akin” pagbibiro ko sa kanya at hindi ko napigilan ang mapangiti. “Hindi ang isang katulad mo ang gugustohin ko! Ang babaeng katulad mo na walang alam at kong saan lang nanggaling! You don’t even know me! If I were you, I would learn to distance yourself from me! You are not my type!” Nawala ang ngiti ko. Mariin ang bawat pagbitiw nang salita ni sir Lucas. Tama naman siya bakit ko nga ba iisipin na hahanga ang isang katulad niya sa akin na nagmamay-ari nang isla at ako naglayas at walang mapuntahan kaya nakikitira sa isla niya. “Hay naku! Liz magpakatatag ka. Huwag kang magpapatalo sa kasungitan niya” pagkausap ko sa sarili ko. Hindi na ako nagsalita. Baka kong ano pang masasakit na salita ang bitawan ni sir Lucas. Mabilis na lumabas nang elevator si sir Lucas nang huminto na ang elevator sa lobby nang hotel. Ayaw ko siyang sabayan maglakad nanatili lang akong nakasunod sa likoran niya. Nag check-out na eto. Nanatili lang akong nakatayo sa likoran niya at nang matapos muli etong naglakad palabas na nang hotel. Sumusunod lang ako sa kanya…… “Hi miss. Kanina pa kita tinitingnan. May kasama ka ba? Pwede ba kitang imbitahan na magkape?” turan nang isang lalaki na gwapo din eto at matangkad, maputi at ang ganda nang ngiti. Ngumiti ako sa kanya. “S-Sorry sir may—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may humablot sa palapulsohan ko at hila-hila na ako nito. “Sir Lucas” Ang tanging nasabi ko. Malalaki ang hakbang nito. “Nagmamadali ba si sir Lucas?” sa isip ko. Hinayaan ko na lang na hilain niya ako. Pumasok eto sa isang restuarant na katabi lang nang hotel. Labas pa lang mukhang sosyalin din. Pinagbukas pa kami nang pintoan nang guard na nakatayo sa pintoan. “Good morning sir, ma’am welcome sa Emerald Kitchen” Pagbati ni kuya guard. Hindi man lang tumugon si sir Lucas kaya ako na lang ang bumati pabalik. “Good morning din kuya. Salamat sa pagbukas nang pinto para sa amin” turan ko at ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din si kuya guard. Nang tingnan ko si sir Lucas nagsasalubong na naman ang kilay nito at masama ang tingin sa akin. “What do you think your doing Freya? Ganyan ka ba talaga lahat nang lalaki ngingitian mo at kakausapin mo?” turan ni sir Lucas at binitawan ang kamay ko. “Sir Lucas masama bang makipagusap ako?” Ngumiti ako sa kanya nang matamis dahil ayaw ko nang makipagtalo sa kanya. “Ang sungit talaga ni sir Lucas lagi na lang galit sa akin. Hindi ko alam kong ano na naman nagawa ko? Masama bang ngumiti at magpasalamat?” sa isip ko. Muli ko siyang nginitian. “f*****g shut up and stop smiling!” singhal nito. Hinablot uli nito ang palapulsohan ko. May lumapit sa amin na babaeng ang ayos nang kasuotan at mukhang nagtatrabaho siya sa restuarant. “Good morning sir, ma’am this way” turan nito at iginiya kami sa mesa. Saka lang ako binitawan ni sir Lucas nang makarating kami sa mesa. Umupo agad ako. “Salamat miss” turan ko sa babae at nginitian ko siya ngumiti din eto sa akin. Nang tingnan ko si sir Lucas titig na titig na naman eto sa akin. “Magagalit ka na naman ba sir Lucas dahil nagpasalamat ako at ngumiti sa babae na kakaalis lang?” turan ko at tumingin ako sa menu na nasa harapan ko nanglaki ang mata ko sa mahal nang mga pagkain na nakasulat. “Sir Lucas ayaw kong kumain. Dalawang buwan ko nang baon sa eskwela noon ang presyo nang pagkain dito. Saka hindi ako nagugutom” Biglang tumunog ang tiyan ko at nang tingnan ko si sir Lucas tumaas ang kilay niya. “Order whatever you want I’ll pay for it” turan ni sir Lucas. Itinaas nito ang menu. Hindi ko na nakikita ang mukha niya. Muli akong tumingin sa menu at hinanap ko ang pinakamura. Hindi ko alam kong magugustohan ko eto. Kong ako lang masusunod hindi ako magsasayang nang pera sa ganitong pagkain mas gusto ko pang sa karinderya kumain. Nangalumbaba ako sa mesa habang pinagagala ko ang mata ko sa loob nang restuarant. Sadyang maganda ang loob nito at mukhang pangmayaman. Nang mapatingin ako kay sir Lucas mariin na naman etong nakatitig sa akin. Umayos ako nang upo. Hinihintay na namin ang pagkain na inorder namin. “Salamat sir Lucas. Sa pagkain at sa mga damit na pinamili ko kahapon. Susundin ko lahat nang utos n’yo para makabayad ako sa inyo” “Lahat? Are you sure susundin mo lahat, Freya?” Sunod-Sunod ang pagtango ko. Naging kakaiba ang tingin ni sir Lucas sa akin. Hindi ko mapangalanan ang uri nang tingin na pinupukol niya sa akin. “Dapat pala hindi ko na sinabi na susundin ko lahat nang utos niya” sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD