Chapter 1

1194 Words
One year ago Liz Freya Sandoval “Liz!” sigaw nang Tita kung bruha. Nahulog ako sa kama sa pagkagulat sa pagsigaw ni Tita Maorine. Ang Tita kong hindi pamilya ang turing sa akin kundi isang katulong. Para akong si Cinderella na walang prince charming na magliligtas sa kamay nang Tita ko at ang dalawa kung pinsan. “Tita naman sa kakasigaw mo mawawalan ka nang boses. Nauuna ka pa sa alarm ko. Bakit po?” “Aba Liz huwag mo akong pagsasabihan o sagot-sagotin sa sarili kung pamamahay. Magsaing ka na tanghali na nakahilata ka pa. Gutom na kami. Palamonin ka na ang tamad-tamad mo pa” Ganito ang umaga ko lagi sa bahay nang Tita ko na daig pa ang nakalunok nang microphone sa lakas nang bunganga at laging high blood sa akin. Palibhasa maganda ako at sila mga bruha. “Tita naman hinaan mo ang volume masakit na ang tainga ko” “Aba talagang ginagalit mo akong babae ka!” Umigkas ang kamay ni Tita handa na naman akong hampasin kaya tumakbo na ako patungo sa banyo. “Hay naku naman ang aga-aga nagsimula na naman si Tita na magbunganga. Inay sana sa iba mo na lang ako ipinamigay kaysa dito kina Tita na katulong ang turing sa akin” mahina kung turan. Sabi ni tita iniwan ako nang nanay ko sa kanya noong limang taong gulang pa lang ako dahil hindi ako kayang buhayin. At nang may makilalang lalake ang aking ina sumama eto doon at wala nang naging balita si Tita Maorine sa aking ina. Ginawa ko ang morning routine ko. Pagkalabas ko nang banyo agad akong nagpalit nang damit. Tiyak na marami na naman ipaguutos ang tita ko at ang dalawa kung pinsan na feeling mga señorita na walang ginawa kundi maupo at mag-aral. Samantalang ako lahat nang gawaing bahay ginagawa ko bago ako pumasok sa eskwela. Nagaaral ako habang nagtatrabaho. Dahil sa matataas kong marka nakakuha ako nang scholarship kaya wala akong binabayaran sa unibersidad na pinapasokan ko. Habang nagluluto ako nang almusal ginagawa ko ang paghuhugas nang mga pinagkainan nila tita at nang dalawa niyang anak kagabi. “Liz hindi pa ba yan luto? Baka ma late na kami” turan nang pinsan kong si Magda na feeling maganda kahit puro tigidig ang mukha. Sa sobrang pagkainis ko sa kanila kong ano-ano ang panglalait sa isip ko ang ginagawa ko. “Malapit na po eto madam maluto” “Gusto ko yan pagtinatawag mo akong madam. Feeling ko ang ganda-ganda ko at ang yaman ko. Pag ako nakapangasawa nang mayaman gusto ko ganyan itatawag sa akin” turan nito at may papikit pikit pa nang mata na animo’y nangangarap nang gising. “Kahit ‘ata ang kargador sa palengke hindi magkakagusto sa’yo dahil sa kaartehan mo” bulong ko at ngumisi ako. “May sinasabi ka ba, Liz Freya? Anong nginingisi mo d’yan?” “Sabi ko po madam sana matupad yang pangarap mo” Hindi ko na pinansin si Magda at pinagpatuloy na ang paghuhugas ko. Nang matapos sa paghuhugas ang pagluluto naman ang pinagpatuloy ko. Walang kataposan kong gawain sa bahay ni Tita Maorine. “Liz pahinge nang kape” utos nang isa pang bruha na si Maya. “Pwede bang ikaw na muna kumuha nang kape mo baka masunog tong niluluto ko” “Ayaw ko nga baka masira ang koko ko” Napairap ako sa tinuran ni Maya. Ang mga anak ni tita Maorine na saksakan nang aarte kahit hindi naman kagandahan. Bago ako makapasok sa unibersidad pagod na pagod na ako sa mga utos nila. Pumayag lang si tita na magaral ako kong gagawin ko pa rin ang mga gawain ko sa bahay. “Liz hindi pa ba yan tapos. Malalate na kami” “Tapos na maghahain na ako” Habang naghahain ako siya naman pagpasok ni tita Maorine sa kusina. Naupo na ang magiina sa lamesa habang hinihintay ang paghahain ko nang agahan nila. “Freya ipag timpla mo ako nang kape” utos ni tita. Pagkatapos kong maghain. Nag timpla naman ako nang kape ni Tita at ni Maya. Habang kumakain sila saka ako naghahanda sa pagpasok. Nang makapagbihis na nang uniform muli akong bumalik sa kusina para magligpit nang pinagkainan nang magiina. Saka lang ako makakapag almusal. Ayaw nilang sumasabay ako sa kanila sa hapag kainan. “Liz may pera ka ba d’yan?” “Tita wala pa po akong sahod” “Wala ka talagang silbi” “Tita naman huwag kang nagagalit lalo kayong pumapangit” Sa kabila nang hirap ko naging masayahin pa rin ako at hindi natatakot sa kanila. “Aba talagang ginagalit mo ako Freya” Nang akmang ihahampas ni tita Maorine ang hawak niyang walis sa akin mabilis akong tumakbo sa sala at dinampot ko ang bag ko. Hingal na hingal ako nang makalabas nang bahay. Nang makalayo na ako sa bahay saka ko lang binagalan ang lakad ko. “Good morning Liz. Lalong gumaganda ang umaga ko kasi nakita ko na naman ang pinakamagandang babae sa Sitio bukang-buka” “Ako naman sirang-sira na ang umaga ko kasi nakita kita Porcopio” pangaasar ko sa kapitbahay namin na ubod nang yabang at feeling gwapo. May itsura naman eto kahit papano pero sobrang yabang lang. “My loves naman Corpi na lang huwag mo nang banggitin ang buong pangalan ko” Tumatawa akong iniwanan si Porcopio Malanta. Pangalan pa lang nakakatawa na. Mabilis ang lakad ko para maabotan ko ang jeep na sasakyan ko patungong unibersidad. May oras ang pagdaan nang mga jeep sa Sitio Bukang-Buka medyo may kalayoan kami sa lungsod. Sa tuwing nahuhuli ako kailangan kong lakarin nang fifteen minutes sa susunod na paradahan nang jeep. Pagkatapos nang klase ko namamasokan akong tagapagluto sa isang maliit na restuarant malapit sa unibersidad na pinapasokan ko. HRM ang kurso ko sa kolehiyo at nasa ikalawang semester pa lang ako. Nagtatrabaho ako para sa pang allowance ko at pangbili nang mga kinakailangan ko sa eskwela. “Bff kanina pa kita tinatawag. Tinakbohan mo na naman ang Tita mo ano?” “Oo buti naman at sumabay ka sa akin ngayon libre mo ako pamasahe” “Dapat pala hindi na kita tinawag” Malakas akong tumawa at hinila ko nang marahan ang mahabang buhok nang matalik kong kaibigan na si Claire. Simula pagkabata si Claire ang nagiisang kaibigan ko. Ilang kabahayan lang ang pagitan nang bahay nila sa bahay ni Tita Maorine. “Isang buwan na lang mag 18 ka na Liz. May pupuntahan akong Isla isasama ako nang Tita ko mag catering sa mayamang may ari nang Isla sa mismong kaarawan mo. Gusto mong sumama? Pagkakataon mo na rin ‘yon para makatakas sa tita mo. Diba sabi mo pag 18 ka na aalis ka na sa inyo? Ang yaman yaman nang mayari nang Isla. Justin Johnson ang pangalan BFF” “Sige Bff sasama ako” Malaki ang naging ngiti ko sa sinabi ni Claire. Lagi ko noon sinasabi na pag 18 na ako aalis na ako sa bahay ni Tita Moarine. Bahala na kong saan ako mapadpad basta magpapakalayo-layo ako kila Tita at sa dalawa kong bruhang pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD