Chapter 18

1737 Words
Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nasa ibaba ni sir Lucas. Sa ikalawang pagkakataon nakita ko na naman eto. Para etong buhay at handa akong tuklawin. Para etong malaking ahas na makamandag. Pinikit ko ang mata ko at ginalaw-galaw ang ulo ko. Sa pagpikit nang mata ko pumasok sa imahinasyon ko ang pagkalaláke ni sir Lucas. Muling nag-init ang mukha ko at ang katawan ko. Hindi ko makalimotan ang laki, ang haba nito at ang itsura nito kanina. “Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang init” mahina kong turan. Tinanggal ko ang t-shirt ko at shorts ko. Humiga ako sa kama nang nakadapa na tanging suot ko ang lace panty na kulay pula at bra ko na kulay pula din. Nilubog ko ang mukha ko sa unan. Nagpaikot-ikot ako sa kama. Hindi ko maitindihan kong anong nararamdam ko…… “Humahanga ba ako kay sir Lucas? Ang katawan ni sir Lucas na parang ang sarap haplosin, parang modelo na nakita ko sa magazine sa bahay nila Claire, at ang sarap niyang humalik. Ang bango-bango nang bibig niya. Tuwing hahalikan niya ako gustong-gusto ko eto” turan ko. Muli akong nagpaikot-ikot sa kama. Natigilan ako. Hindi ako pwedeng humanga sa kanya. Galit siya sa akin. Baka palayasin niya ako kong malalaman niyang humahanga ako sa kanya. Baka tuloyan na siyang maging si Lucifer sa sama nang ugali niya. “Tama! hindi ang katulad ni sir Lucas ang dapat kong hangaan. Masungit, palasigaw at lalaking pinaglihi sa sama nang loob” Pagkausap ko sa sarili ko. Nababaliw na naman ako kinakausap ko na naman ang sarili ko. Ayaw kasi akong kausapin ni sir Lucas…… Sunod-Sunod na pagkatok sa pintoan ang narinig ko. Alam kong si sir Lucas lang naman kaya hindi na ako bumangon pa. Pagod na pagod na ako sa maghapong utos niya. Babangon na lang ako sa oras nang pagluluto nang haponan. Tinamad na rin ako magpunta nang dalampasigan. Ilang sandali pa tumigil ang pagkatok sa pintoan ko. Mukhang nag “Ang LPS na ‘yon lagi akong pinahihirapan at proud na proud pang ipakita ang hubad niyang katawan. Parang ang sarap haplosin nang katawan ni sir Lucas” turan ko. Napahagikhik ako. Kinikilig ako. Para akong kinikiliti tuwing maaalala ko ang katawan ni sir Lucas. Kahit kailan hindi pa ako humanga sa isang lalaki. Mukhang humahanga na talaga ako sa isang lalaki. “Lucifer na pinaglihi sa sama nang loob” sigaw ko at muli akong napahagikhik. “Stop calling me a different name Freya! Gusto mo bang ipakita ko sa’yo ang pagka-Lucifer ko?!” Agad akong bumangon at umupo sa kama. Hindi ako nakapagsalita. Napatitig ako sa katawan ni sir Lucas. Wala siyang pang-itaas at tanging shorts lang ang suot niya. Mapapatulala kahit sinong makakakita sa kanya. Katawan pa lang ulam na. Mapapa-unli rice ka pa. Ang six-packs abs niya na nakakatulo laway……Parang ang sarap makulong sa mga bisig niya. “Freya, huwag ka masyado magpahalata nang paghanga mo baka mapalayas ka nang wala sa oras” sigaw nang isip ko. Nang bumaba ang tingin ko sa gitna nang mga hita niya napasinghap ko. Nakabukol eto. Bigla na naman pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina. Naramdaman ko na naman ang pagiinit nang katawan ko……Nag-angat ako nang tingin sa mukha ni sir Lucas. Hindi ko mapangalan ang nakikita ko sa mata niya. Kakaiba ang tingin niya sa akin. “S-Sir Lucas natulo na naman ang laway mo” pang-aasar ko sa kanya. Sinusubokan kong mawala kong ano mang paghanga na nararamdaman ko sa kanya… “Don’t wear that ugly underwear and bra. Hindi bagay sa’yo. Ang pangit nang katawan mo” Mariin nitong turan. Sunod-Sunod ang ginawa nitong paglunok. “Ganon ba sir Lucas? Hindi ba bagay? Pangit ba?” Patuya kong turan. Mabilis akong nakababa nang kama. Mabilis kong tinanggal ang bra at panty ko na sinabi niyang pangit. At hinagis ko sa kanya. Natulala si sir Lucas. Hindi eto nakapagsalita. Hindi ko na mabilang kong ilang beses etong napalunok habang hinahagod nang tingin ang kabuoan ko……Inirapan ko siya. Bumalik ako sa kama at nagtalukbong nang kumot. “Lagi mo na lang akong tinatawag na pangit. Lahat na lang nilalait mo sir Lucas. Kong wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang. Nakakasakit ka na. Lucifer na LPS. Ang sama-sama mo!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko nakikita si sir Lucas. Baka masama na naman ang tingin niya sa akin. Hinihintay kong sigawan niya ako pero hindi nangyari. “Nakakainis ka talaga. Pagod na pagod na nga ako sa kakautos mo nilalait mo pa ako. Alam kong sasabihin mo na naman na nakikitira lang ako sa isla mo. Wala akong karapatan mag-reklamo” Sobrang pagkainis talaga ang nararamdaman ko. Hindi pa rin nagsalita si sir Lucas. Tumagilid ako nang higa patalikod sa kinatatayoan niya…… Mabigat na bumuntong hininga si sir Lucas. Hindi pa rin eto nagsasalita. Hindi na rin ako nagsalita pa. Narinig ko ang papalayo niyang yabag at pagsara nang pintoan. Inalis ko ang pagkakatakim nang kumot sa mukha ko. Tumihaya ako nang higa…… “LPS na Lucifer talaga makapanglait tagos hanggang buto. Pag wala akong bra nagagalit pag nag bra naman ako sasabihin pangit huwag na kaya ako mag-damit. Lahat na lang napapansin!” Hindi mawala-wala ang inis ko kay sir Lucas. Mabilis ang kilos kong bumangon at bumaba nang kama. Nagbihis ako nang mahabang t-shirt. Hindi ako nag bra at tanging panty ang suot kong pangloob. Lumabas ako nang silid ko. Ang silid ko nasa unang palapag nang mansyon at ang silid ni Lucifer ay nasa ikalawang palapag. Sa dami nang silid na mansyon na ‘to pwede kang maligaw at magtago hindi ka kaagad mahahanap. Tumanaw pa ako sa itaas bago ako tuloy-tuloy na lumabas nang mansyon. “Nakakainis talaga si sir Lucas” Tinungo ko ang dalampasigan. Papalubog na ang araw kaya maganda na umupo sa buhanginan na gustong-gusto kong ginagawa. Mula dito natatanaw ko ang kabilang isla nila ma’am Alysa. Naupo ako sa buhanginan. Niyakap ko ang tuhod ko. Pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko. Dinampot ang ang patpat na nasa buhanginan at sinulat ko ang pangalan ni sir Lucas sa buhangin. “Lucas Lucifer LPS” “Bakit ba ang sungit-sungit mo at inaapi mo ang katulad ko? Masaya ka ba na nakakasakit ka nang damdamin?!” turan ko at paulit-ulit kong hinampas ang hawak kong patpat sa pangalan ni sir Lucas. “Kong umalis na lang kaya ako dito? Balik na lang ako sa isla nila ma’am Alysa at hihinge ako nang tulong na makapunta nang Maynila” Sa isip ko. Bigla akong nakaramdam nang lungkot sa mga naisip ko. Hindi ko din alam kong bakit nalulungkot ako na iiwan ko si sir Lucas kahit napaka-sungit nito sa akin. Maisip ko pa lang na iiwanan ko siya nalulungkot na ako. Kahit naiinis ako sa kanya gusto ko pa rin manatili dito kasama siya. “Sir Lucas kailan ka kaya babait sa akin?” Muling turan ko. Umihip ang malamig na hangin kaya nakaramdam ako nang lamig. T-shirt lang ang tanging suot ko sa pagkainis ko kay sir Lucas hindi ako nakapagsuot nang jacket nang papunta ako dito kanina…… Natigilan ako nang may naglagay na kong ano sa likoran ko. Nawala ang panglalamig ko. Lumingon ako sa likoran ko. Nakatayo si sir Lucas at mariin akong tinitigan. Nilagay niya ang jacket niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Inalis ko ang tingin sa kanya. “Akala mo kakausapin kita dahil pinahiram mo ang jacket mo sa akin? Hotdog mong malaki! Manigas ka d’yan LPS!” mahina kong turan. Alam kong hindi niya maririnig ang sinabi ko dahil ayaw kong iparinig sa kanya. “Freya get up! Malamig na. Nakapagluto na ako nang hapunan kumain na tayo” Sigaw ni sir Lucas. “Himala nagluto ang mahal na hari. Marunong pala magluto ang isang LPS na katulad niya. Kumain ka mag-isa mo! Imbes na mag sorry sisigawan niya pa ako na kumain na” Dahil ayaw ko siyang kausapin lahat nang mga sinasabi ko ako lang ang nakakarinig. Hindi pa rin mawala-wala ang pagkainis ko sa kanya. Tinanggal ko ang jacket na nilagay niya sa likoran ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa buhangin. Binigay ko ang jacket sa kanya at iniwanan ko siya. “Freya!” Malakas na sigaw ni sir Lucas. Hindi ko siya nilingon. Tumakbo ako para makalayo kay sir Lucas. Pumasok ako sa mansion. Hindi ako tumuloy sa silid ko. Pumasok ako sa pinakadulong silid sa unang palapag nang bahay para pagtagoan si sir Lucas. Hindi ko binuksan ang ilaw. Tinungo ko ang gilid nang kama na alam kong hindi ako makikita ni sir Lucas. Umupo ako sa sahig…… Bigla akong nakaramdam nang lungkot. Bigla akong nakaramdam nang pagkaawa sa sarili ko. Simula pagkabata hindi ko naranasan na may taong nagpahalaga sa akin. Si tita Maorine at ang dalawa kong pinsan hindi pamilya ang turing sa akin kundi isang katulong. Noon naiinggit ako sa dalawa kong pinsan dahil mahal na mahal sila ni tita Maorine, inaalagaan at binibigay lahat nang gusto nang mga pinsan ko samantalang ako kailangan kong paghirapan at pagtrabahohan ang mga bagay na kailangan ko. Lagi din akong sinisigawan ni tita pag hindi ko sinunod ang gusto niya may kasama pang kurot, hampas at binabato ako nang kong ano-ano pag-nagagalit si tita Maorine…… Biglang tumulo ang luha ko. Humiga ako sa sahig. Sa sobrang pagod ko sa dami kong ginawa nakaramdam na ako nang antok. Unti-Unting bumibigat ang talukap ko. Hanggang sa makatulog ako…… Hindi ko alam kong gaano na ako katagal na nakatulog. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere. Hindi ko magawang imulat ang mata ko. Antok na antok pa ako at pagod na pagod gusto ko pang matulog. Naramdaman ko ang malambot na kama at ang pagtakip nang kumot sa katawan ko…… “Hmm, Hindi na malamig” Hinila ko ang kumot hanggang sa may ibaba nang baba ko. Tiyak na maganda ang magiging tulog ko dahil nasa malambot na akong kama. Gumaan ang pakiramdam ko. Gumalaw ang kama. Hindi ko magawang imulat ang mata ko. Pagod na pagod ako gusto kong matulog lang. May humahaplos sa buhok ko na lalong nagpapagaan sa pakiramdam ko…… “Mama” mahina kong turan. Pakiramdam ko nanaginip ko. Inabot ko ang kamay na humahaplos sa buhok ko. Niyakap ko eto. Napakabango. Hindi ko na kinaya ang antok ko. Tuloyan na akong nakatulog…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD