Chapter 15

1725 Words
''Freya! What took you so long?" Malakas kong sigaw sa kanya. Nagsimula na akong pahirapan siya nang makabalik kami sa isla para magkusa na siyang umalis. Walang araw na hindi ako sumigaw sa mga ginagawa niya. May mga pagkakataon na ayaw niyang makinig sa mga pinaguutos ko kaya lalong umiinit ang ulo ko sa kanya. "Sir Lucas, wait lang po sa dami n'yong inuutos hindi ko na alam ang uunahin. Ano po ba ang gusto n'yong unahin ko; ang magluto o paligoan ang kabayo n'yo? Pabalang na sagot nito. Sinamaan ko siya nang tingin. "Just f*****g do what I told you to do kong ayaw mo naman feel free to leave my island!" I uttered. Binaling ni Liz ang tingin sa ibang direction at may sinasabi eto na siya lang ang nakakarinig. "Stop mumbling at gawin mo na ang mga inuutos ko sa'yo. Bilisan mo kasi ang kilos mo. Bring my coffee in the library” Singhal ko sa kanya na ikinasimangot ni Liz. Tumalikod na si Liz at pinagpatuloy ang ginagawang paghahanda nang mga lulutoin niya. Humakbang na ako palabas nang kusina nang magsalita muli si Liz…… "Makautos si sir Lucas parang akala niya sampo ang kamay ko na pagsabay-sabayin ang mga utos niya. Hindi niya ba alam na tao lang ako at hindi robot. Lagi na lang nakasigaw akala mo hindi mabubuo ang araw niya pag hindi ako nasigawan" Mahinang turan ni Liz na narinig ko naman bago pa ako makalabas nang kusina. "Are you f*****g complaining?" Inilang hakbang ko ang pagitan namin at hinarap ko siya. Pagkainis na naman ang nararamdaman ko sa kanya. Hinaklit ko ang braso niya at piniga ko eto nang mariin para sindakin siya pero ako ang natigilan nang makita ko ang kislap sa gilid nang mata niya. Pinipigilan luha ang nakikita ko sa mata nita. Pabalya kong binitawan ang braso niya. "Aray" Malakas na sigaw ni Liz nang bitawan ko siya tumama ang likoran niya sa dulo nang kabinet sa kusina. Hawak-Hawak nito ang likoran at nakangiwi ang bibig. Natigilan ako. Gusto ko siyang lapitan at tingnan ang likoran niya pero masama ang tingin ni Liz sa akin sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam ako nang kaba. “That's what you get from talking back at me!” turan ko at pinaseryoso ko ang mukha ko. Hindi eto nagsalita at tinalikoran ako habang hawak ang likoran niya. “Ihahatid ko na lang po ang kape n’yo sa library sir Lucas” Seryoso nitong turan habang nakatalikod sa akin at muling naghiwa nang gagamitin sa pagluluto. Katatapos lang nito na maglinis nang sala at inutosan ko agad eto na magluto, magpaligo nang kabayo at gawan ako nang kape. Natigilan ako nang magpunas eto nang luha sa mata kahit nakalikod eto sa akin kitang-kita ko ang ginawa niya. “Don’t f*****g cry! Anong sinabi ko sa’yo dati? Nakalimotan mo ba Freya? I f*****g told you na huwag kang umiyak at magpakita nang kahinaan pag dito ka tumira. Just f*****g leave my island!” Maririnig sa buong kusina ang pagsigaw ko. Bigla etong humarap sa akin…… “Ikaw kaya mag-hiwa nang sibuyas tingnan ko lang kong hindi ka iiyak!” balik sigaw nito sa akin. Hawak-Hawak nito ang sibuyas at itinaas sa harapan ko. I cleared my throat sa pagkapahiya ko. “f*****g onion!” Mahina kong turan. “Ihahatid ko na lang po ang kape n’yo sa library. Umalis na kayo dito para matapos ko ang mga gawain ko baka sabihin n’yo na naman ang bagal kong kumilos” Agad etong tumalikod at pinagpatuloy ang ginagawang paghiwa nang sibuyas. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko sa pagkapahiya ko. Iniwan ko siya sa kusina at tinungo ko ang library. “I hope okay lang ang likoran niya” mahina kong turan. Ibinagsak ko ang katawan ko sa mahabang sofa na nasa gilid nang library. Ilang araw na puro pagpapahirap ang ginagawa ko kay Liz. Mukhang hindi eto madaling pasukoin. Sunod-Sunod na pagkatok sa pintoan ang nagpatigil sa pagiisip ko. “Come in” sigaw ko. Alam kong si Liz lang naman ang kumatok dahil kaming dalawa lang ang nasa Isla. “Sir Lucas eto na po ang kape n’yo” turan ni Liz. Tumayo ako mula sa sofa at naglakad ako patungo sa may lamesa ko at naupo sa swivel chair. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Mukhang pagod na pagod na eto. Matamlay at walang kangiti-ngiti ang labi nito. “Put it down here” turan ko at itinuro ko ang mesa na nasa harapan ko. “May ipag-uutos pa po ba kayo? Kong wala na babalik na ako sa kusina para taposin ang pagluluto nang pananghalian” “After you cook lunch paligoan mo si Fury” Ang kabayo ko na ayaw na ayaw magpahawak noon sa iba ay napaamo agad ni Liz sa unang araw pa lang na dumating siya dito sa isla. Kaya siya na ang inuutosan kong magpaligo kay Fury. Hinintay kong magsalita siya at magreklamo pero hindi niya ginawa. Kaya napatitig ako sa kanya. “Yon lang po ba? Sige po lalabas na po ako. Tatawagin ko na lang kayo pag-handa na ang pananghalian n’yo” turan nito at tumalikod na. Hindi eto nagreklamo na pinagtaka ko. “What’s she up to?” I muttered. Sinusundan ko nang tingin habang naglalakad siya papuntang pintoan. Binaling ko sa laptop ang paningin ko nang bigla etong humarap. Nagkuwari akong may ginagawa sa laptop. “Sir Lucas pwede ba akong magpunta sa dalampasigan pagkatapos nang mga gawain ko?” Nag-angat ako nang paningin sa kanya. Kaya pala hindi nagrereklamo kanina dahil magpapaalam na naman na pupunta nang dalampasigan. Hindi ko alam kong bakit gustong-gusto niya na nagpupunta doon. “No you can’t marami pa akong ipagagawa sa’yo. Huwag mo akong susuwayin kong ayaw mong magalit ako, Freya” “Sir Lucas bakit ba ayaw mo ako magpunta sa dalampasigan? Ang ganda kaya maligo at maupo sa buhangin” turan nito na nagpainit nang ulo ko. “Hindi ka pwedeng magliwaliw. Kailangan mong pagtrabahohan ang pag-stay mo sa Isla ko. Remember what you told me sa bayan? Sabi mo gagawin mo lahat nang utos ko? Did you f*****g forget that Freya?” “Sir Lucas bakit pag galit kayo Freya ang tawag n’yo sa akin? At hindi ko po nakakalimotan ang sinabi ko. Gagawin ko na po ang mga pinaguutos n’yo mahal na hari. Baka gusto n’yo paligoan ko na rin kayo!” “What the f**k!” sigaw ko. Mabilis na nawala si Liz sa harapan ko. Tiyak naman na pupunta pa rin siya sa dalampasigan mamaya. Ilang araw niya nang ginagawa kahit pinagbabawalan ko siyang magtungo sa dalampasigan. Hindi ko lang inaasahan na sasabihin niyang papaligoan niya ako. Iba ang hatid sa katawan ko nang tinuran niya. Inabot ko ang kape na nasa harapan ko……Naibuga ko ang ininom ko…Sumiklab ang galit ko. “f**k! Freya!!” Malakas kong pagsigaw ang pumuno sa buong library. Hindi eto kape kundi toyo ang laman nang tasa na nasa harapan ko. Malalaki ang hakbang ko na lumabas nang library. “Malalagot ka talaga sa akin, Freya!” turan ko. Malayo pa lang ako sa kusina naamoy ko na ang mabangong niluluto nito. Nasa bungad na ako nang kusina nang matigilan ako. Nawala na parang bula ang galit ko at napatitig ako sa kanya. Sumasayaw eto at kumakanta…Para etong nag-slow motion at naging kaakit-akit ang pagendayog nito…… “Sir Lucas” “What the f**k are you doing? Kaya ang tagal mong matapos magluto kong ano-ano pang ginagawa mo” sigaw ko para pagtakpan ang pagkahuli niya sa akin na pinapanood siyang nagsasayaw. “Kunwari pa kayo sir Lucas. Natulo nga laway n’yo habang pinapanood akong sumasayaw. Alam mo bang bukod sa Miss 2024 Sitio Bukang-Buka ako nanalo din akong Miss talent dahil magaling akong sumayaw” Pinigilan kong matawa sa pangalan nang lugar na pinanggalingan niya. Pinaseryoso ko ang mukha ko. “I don’t f*****g care, Freya! Why did you put soy sauce in my coffee mug when I asked you to bring me coffee?!” sigaw ko sa kanya nang magbalik sa isip ko kong bakit ako sumugod sa kusina. “Sorry sir Lucas akala ko kape ang nailagay ko” turan nito at ngumisi pa eto na lalong nagpakulo sa dugo ko. “Are you f*****g making fun of me, Freya? Do you f*****g know the consequences dahil sa ginawa mo?” Mariin ang bawat pag bitiw ko nang salita habang humahakbang ako palapit sa kanya, paurong nman siya nang paurong habang papalapit ako. Nang makita kong tatama na ang likoran niya sa lamesa, I swept my arm around her waist…… Kinabig ko siya nang husto papalapit sa katawan ko. Sa pagkakadikit nang katawan namin kahit hangin hindi makakadaan…… “Sir Lucas sobrang pagkainis ko lang sa’yo kaya toyo ang nilagay ko sa tasa mo. Toyo para sa amo kong tuyoin” “Freya!” “Aray naman huwag mo naman ako sigawan ang lapit nang bibig mo sa tainga ko” sigaw niya at pilit niyang kinakalas ang pagkakayakap ko sa baywang niya. “Next time you do that, Freya I will punish you. Kaya kong ako sa’yo huwag mong ubosin ang pasensya ko” bulong ko sa tainga niya. Natigilan ako nang humagikhik eto. “Sir Lucas naman ilayo mo nga yang bibig mo sa tainga ko nakikiliti ako” Napasinghap ako nang maramdaman ko ang dibdib niya sa katawan ko nang maglumikot eto dahil sa pagdikit ko nang labi ko sa tainga niya. A lusty feeling of warmth is all over me…… “f**k I want to know what secrets are hidden inside that soft, yielding flesh under his shirt and shorts” I muttered. “Ano sir Lucas?” Nakalimotan kong yakap ko pala siya. Bigla ko siyang binitawan at lumayo sa kanya. “Don’t f*****g get close to me again Freya!” sigaw ko sa kanya. “Sir Lucas hindi naman ako ang dumikit sa inyo. Kayo nga ang nangyayakap” katwiran nito at nginitian ako. “Stop arguing with me! And stop smiling! Keep your distance from now on Freya. Naiintindihan mo ba? Hinding-Hindi kita magugustohan tandaan mo yan” sigaw ko sa kanya at tinalikoran ko siya. Wala na akong pakialam kong masaktan siya. I hate her around me! I don’t like her!……And I hate her for messing up my emotions!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD