(Ysah's POV) KASALUKUYANG nasa sementeryo kami ni Phillip. Narito kami ngayon kung nasaan ang pwesto ni Lavinia. Kitang-kita ko ang sakit sa anyo nito. Hinayaan ko na lamang ito na ilabas ang lahat ng sakit na bumabalot dito. Masakit sa parte ko na nakikitang nasasaktan ito. Agad akong lumapit dito nang tumayo ito. "Sa bar tayo, please..," sumamo nito sa akin. Ayoko man sana itong dalhin doon pero kailangan ko itong pagbigyan. "Honestly, ayokong dalhin kita ro'n. Since, gusto mo. So be it," ani ko rito. Naglakad na kami patungo sa kotse nito. Ako na ang nag-presintang mag-drive dahil wala sa huwisyo ang kasama ko. "Hindi susi ang alak para sa problema, Phillip." "Just let me, please. Kahit ngayon lang," pakiusap nito sa akin. Nagpakawala na lamang ako ng isang marahas na buntong-