(Ysah's POV) NANG nasa eksaktong location na kami kung saan naroon si Ate Raiyah, hinanap ko kaagad ito. Ewan ko ba, pero aaminin kong bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Tinawagan ko ito, pero hindi man lamang nito sinasagot ang naturang tawag. Where the hell she is? Damn! Nang masalubong ko ang security ng naturang lugar, nagtanong agad ako rito. Lihim akong nabahala nang hindi raw nito napansin si Ate Raiyah. Ipinakita ko pa rito ang larawan ni Ate. "With the size of this place, it was impossible for the security to notice her immediately. I will try to call her," turan ni Lorenzo. "Sinubukan ko siyang kontakin pero hindi niya sinasagot ang tawag ko." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Lorenzo. Umigting ang panga nito. At tinawagan nito ang pinsan kong si Raiy