CHAPTER 1

2155 Words
ONE: "Yeah. I like it too." "MAHAL na mahal kita, Ava... " "Mahal na mahal din kita, Dave, kaya lang hindi talaga pwede. May asawa na ako." "Ipaglalaban kita." Napangiti ako nang kadarating ko lang sa set kung saan nagti-taping ng movie scene ang artista kong best friend kasama ng mga co-stars niya at ng direktor nila saka iilang personnel and staff. "Pero mali talaga ito, Dave." "Wala akong pakialam kung mali ito kasi alam ko, ramdam kong ang pagmamahal ko para sayo ay tama." Hindi ko maiwasang mapailing habang magiliw na nakangiti at pinanunuod ang kaibigan ko. Acting as if a straight, huh? Really, Dane? "Oh, Dave!" the girl actress hugged her leading man as her tears fell down. "We'll fight, baby. We'll fight against all odds. We'll fight even against the world." anang bidang lalaki at hinigpitan pa lalo ang yakap nila. "Okay, cut! Cut!" deklara na ng direktor kaya naghiwalay na ang dalawa mula sa yakap at nagpunas na ng luha ang lead girl gamit ng towel na ibinigay ng kanyang P.A, I guess. "Very good! That was very good, Aira and Daniel." natutuwang papuri pa ng direktor sa kanilang dalawa. "Salamat po, direk." isa-isa nagpasalamat ang dalawa. "Okay, keep up the good work huh? You may now take your break." They nodded and that's the time I gave my best friend a clap. Nagulat naman siya nang makita ako pero gumuhit kaagad ang malaking ngiti sa kanyang labi. "Scarlette?" "Hi, Daniel!" I waved at him sexily. "Oh god! It's really you, Scar!" tuwang-tuwa siya nang sinalubong ako ng yakap. I hugged him too. "God, Scar! I missed you!" aniya nang kumalas kami sa yakap at hinawakan niya ako sa balikat. Ngumisi ako. "I missed you more, Dane!" "Uhm, ha-hi!" bigla ay sumingit sa amin ang baklang-ladlad na direktor nila na feeling close. Ang ganda ng ngiti nito sa akin. I smiled back to him. "Hi." "Ah, by the way, Scar. This is our director. Direk Connor." pagpapakilala ng kaibigan ko ng direktor nila sa akin. "And, direk, this is Scarlette. My best friend." "Hello, Scarlette!" anang direktor saka walang pagdadalawang-isip na naglahad ng kamay sa akin. Inabot ko iyon at nakipag-shake hands. "Hello, direk." "Nice to meet you." patuloy niya. "Uh, yeah. Nice to meet you too." "Uhm, ang ganda-ganda mo talaga 'no? Anong size ng waistline mo? Anong height mo?" sunod-sunod niyang tanong matapos kaming mag-shake hands. Nabigla naman ako sa mga pinagsasabi nito. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita kong halos lahat ng mga tauhan nila at iba pang mga artista ay nakatingin na rin dito sa amin. Particularly, sa akin. They look as if they saw an angel while staring on me. They look so amused by my presence! Why? What's wrong? Ngayon lang nakakita ng maganda? Ngayon lang nakakita ng sexy? Ano ba! "Direk naman!" saway na ni Daniel sa direktor nila saka binalingan ako. "Pasensya ka na, Scar." "Ah, oo. Oo, pagpasensyahan mo na ako, Scar! You know, nagandahan lang talaga kasi ako sayo!" sunod pang paumanhin sa akin ng bakla. I just smiled and nodded. "Okay lang." "Salamat naman. By the way, may workshop nga pala kami for new talents next month. Baka lang interesado ka." patuloy pa rin nito sa pangungulit sa akin. "Direk, hindi interesadong mag-artista ang kaibigan ko." tumatawa na si Daniel sa kakulitan ng direktor nila. Hindi talaga! Magulo na buhay ko, papasukin ko pa ang showbiz? Aba, edi lalo lang gugulo! "Eto naman!" napahampas pa ang bading sa kaibigan ko saka muli akong kinulit. May dinukot pang kung ano mula sa kanyang bulsa at nang inabot ito sa akin ay napagtanto kong calling card pala niya iyon. "Here. Baka lang kasi bigla kang magkainteres na pasukin ang showbiz, just contact me and I'll entertain you with arms wide open." Awkward na ngumiti nalang ako saka tinanggap ang calling card niya. Kailan ba ako planong tantanan ng isang ito! "Ah, sige na. Masyado na akong nakakaistorbo sa inyong magkaibigan. Maiwan ko na muna kayo rito." sa wakas ay napagtanto rin niyang nakakaistorbo na nga siya! Daniel nodded and smiled at him. "Sige, direk." "Pero, Scar ha? If ever you'll change your mind, I'm just here. You know where to contact me." pangungulit pa rin nito sa akin kahit naglalakad na palayo sa amin. I just smiled. 'Wag ka na pong umasa dahil hindi talaga ako interesado. "Dane, help me convince your best friend. Okay?" "I'll try, direk!" huling halakhak ni Daniel sa makulit na nilalang na iyon saka muli na akong binalingan. "Pasensya na talaga, Scar. Makulit lang talaga yung si direk minsan." I just nod and flipped my hair. May magagawa pa ba ako? "Have a seat." inakay niya ako paupo sa isang mahabang sofa. Naupo naman s'ya sa katapat kong upuan. "So, kailan ka pa dumating galing ng San Francisco?" "Just awhile ago." "Oh?" halos hindi siya makapaniwala. "Hindi nga?" I just shrugged. "Believe it or not, kadarating ko lang talaga." "Pero totoo talaga? Kadarating mo palang at dumiretso ka kaagad dito sa set kung saan mo ako makikita?" natutuwa pa rin niyang patuloy. "Oo nga! Paulit-ulit?" "Hehe. Sorry naman! By the way, namiss mo talaga ako ha!" ngisi niya. Nginisihan ko rin siya. "Naman!" "Edi kikiligin na ako niyan?" "Edi paasahin mo na naman ako niyan? As if you're a straight! Well, in fact you are not!" sakay ko sa biro niya. "I can be straight for you." Humalakhak ako. "Ha! Asa pa ako?" Tumawa nalang din siya at umiling-iling. Daniel Finlay is my best friend since first year college in San Francisco. He's been into showbiz nang maka-graduate na kami ng four years na Political Science doon at nauna siyang umuwi rito sa Pilipinas. Pagkatapak dito sa bansang sinilangan ay pinasok kaagad niya ang pag-aartista, unlike me na nag-proceed talaga ako sa Law after we finished PolSci. Everybody thinks he is straight but I know him very well ever since we met. I know his heartbeating and I know that he's not exactly what others think of him as he is. I know how soft he is inside and not as rough as others see him outside. Yeah, he may be gay but he's not that 'ladlad' as the other gays around. Lalaki at ragged pa rin siya sa pananamit at kahit kailan, never naman siyang nagdamit pambabae o naglagay ng kolorete sa mukha. He's gay but he is still proper and respectable. And besides, may iniingatan din kasi siyang pangalan sa industriya. He is known to be a famous heartthrob that every girl fan could die for kaya siya rin mismo sa sarili niya ang ayaw magladlad. Hindi pa naman daw siya nagsasawa sa tili ng mga fans kaya kering-keri pa rin naman daw ang manly image sa public! "By the way, I like your dress today, friend!" puri bigla niya sa red tubetop bodicon dress ko na hanggang hita lang halos ang haba. "Yeah. I like it too." Naparaan ang co-star niyang si Aira na tinawag niyang Ava kanina sa shooting. Ang lead girl sa kasalukuyang pelikulang ginagawa nila. Dumaan ang nasabing babae at nakangiti namang kinawayan ito ng kaibigan ko. Nakangiti rin itong kumaway pabalik at tila nahihiya pa na parang pinamumulahan ng mukha. Nang bumaling sa akin ang mga mata nito ay biglang tila naging galit iyon na para bang may nagawa na akong masama kahit kakikita palang niya sa akin at kahit hindi pa niya ako kilala. Napalis ang kanyang ngiti at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I did the same, I gave the same way of look kaya nauna siyang umiwas at hindi na muling tumingin-tingin pa rito. Kung maldita ka, pwes mas maldita ako sayo! 'Wag mo akong subukan. 'Wag ang tulad ko. "Your co-star seems like she has a crush on you." baling ko na ulit kay Daniel. "Well, gwapo ang best friend mo eh!" sagot naman ng mokong. "And she seems jealous on me!" tawa ko pa. "Jealous on you with what? You being with me or you being that too sexy?" "Both!" Humalakhak nalang kami sa mga biruan namin. Ganito talaga kami kung magkulitan, and I admit I really missed Daniel so much! Aba't ilang taon din kaming hindi nagkita magmula nang bumalik s'ya rito sa Pinas at ako ay nanatili roon sa San Francisco! "Hello, Harley!" maganda ang ngiti na kumaway ako kay Harley Dizon na isa ring artista nang naparaan ito dito sa amin. Halata namang nagulat siya sa pagiging feeling close ko sa kanya at pinamulahan pa ng mukha dahil sa pagkaway ko. Really? He's blushing because of me? Haha! Nagagawa nga naman ng hotness ko! "Hi." ngiti niya pero hindi man lang ako matingnan pabalik. May ganyan pa palang lalaking natitira sa mundo? Tipong shy and torpe? God! I couldn't believe it! "Pare." simpleng tinapik naman niya sa balikat si Daniel nang dumaan siya sa tabi nito. Pasimpleng tumango ang echusera kong friend! "Pare!" "Your long time crush isn't bad at all." sabi ko kay Daniel nang tuluyang makalayo sa amin si Harley. Daniel smiled and nodded. "I know." Masuring tiningnan kong mabuti yung Harley na ngayon ay may masinsinang pinagdidiskusyunan na kay direktor Connor. Well, Harley Dizon looks like a good boy and kind. Parang prince charming na prince charming ang dating. Walang angas, tipong gwapo lang na mabait at tahimik. In short, boring. But I understand my friend Daniel. He has a crush on him since a long time. Kung naaalala ko pa, two years ago yata iyon magmula nang humanga siya sa lalaki no'ng first time nilang nagkasama sa isang television series tapos 'yon na, hanggang ngayon grabe pa rin talaga ang paghanga niya sa kanyang co-star! As I've said, Daniel Finlay is my best friend therefore I know a lot about him. Bawat halang niya sa bituka ay alam ko. "I think, Harley likes you." magiliw ang ngiti na sinabi bigla ng maganda kong friend! Natawa ako. "What?" "He was blushing when you said hello to him." Umiling ako. "No, he blushed when he tapped your shoulder." Humalakhak siya. "Bolera ka talaga, Scar!" "Kinikilig ka naman!" "Maiba nga ako, tell me the truth. Ano talaga ang rason ng pagpunta mo kaagad dito sa akin pagkatuntong mo palang ulit ng Pilipinas? And what's with that sizzling seductive red bodicon dress? I know very well na hindi ka nagsusuot ng ganyan ka-showy na damit kung wala ka namang malalim na dahilan!" masusing pang-uusisa na niya. Seryoso na siya sa pagkakataong ito. Well, of course, if I know him very well that every detail of him I know, in return he also knows me very... very well. Alam niya kung sino talaga at ano talaga ang pagkatao ko pati na ang nakaraan ko. Pati ang planong mayroon ako na buong buhay kong pinaghahandaan ay alam din niya. We're that close! Really close to the sense that we're always open with each other. "Don't tell me, balak mo kaagad isagawa ang matagal mo nang pinaplano at balak mo nang puntahan ngayon din si-" I cut him off with a nod. "You got it right." "God! Sinasabi ko na nga ba!" nasapo niya ang kanyang ulo. "Can't you just take a rest first? Matulog ka kaya muna! Kadarating mo lang, te oh tapos 'yan kaagad iniisip mo!" "No. I need to start right away, Dane." sigurado kong pahayag. Ngayon pa ako aatras? Ngayon pa na napaghandaan ko na ang lahat-lahat? Ngayon pa na handang-handa na ulit ako para harapin ang demonyong iyon? Ngayon pa ako susuko nalang? No way! "Pero hindi ka ba natatakot diyan sa gagawin mo, Scar? What if he caught you? Remember, he's the most effective lawyer of his generation. Wala pang kahit na sino mang nakatalo sa kanya sa korte." "I'm not afraid and I don't care if he's the most effective lawyer of the rest of 21st century or he's even undefeated! Because I'll be the one to do that, I'll be the first and the last person who will defeat him. I'll make sure of that." "Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" Umiling ako. "I planned this all my life kaya walang makakapigil sa akin, Dane." Hindi na nagsalita pa ang kaibigan ko bagkus ay naririnig ko na lamang ang mga buntong-hininga niyang sunod-sunod. I knew it, he's worrying about me, about my safety. I understand him. I really understand a best friend's heart. Sumilip ako sa wristwatch ko at nakitang ito na nga ang tamang oras kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "It's time. I need to go now." Nagpaalam na ako at nang palabas na ako ng set ay muli akong napalingon sa tawag ni Daniel mula sa likuran ko. "Take care." I gave him my simplest and bravest smile. "I will."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD