SOL Pagpasok namin sa loob ng bahay ay pina-upo niya ako sa sofa. Nasa mga paa kong may suot na malaking sapatos ang mga tingin niya. “Ano ba talagang nangyari? Where’s your shoes? Umalis lang ako sandali pagbalik ko wala ka na. Alam mo bang pwede kang mapahamak sa ginawa mong pag-alis dito ng nag-iisa?” Nag-alalang tanong niya sa akin. Nakaupo na siya sa harapan ko at nangangalong baba. “Sorry Ser, nainip kasi ako kaya sumilip ako sa labas.” Nakayukong sagot ko sa kanya. Pero ang utak ko kung saan-saan na naglalakbay. Nag-alala ako na baka maghinala na si Renzo sa katauhan ko. Lalo na kung nakita niya yung ginawa ko. Hindi ko naman akalain na mahahanap niya agad ako sa lawak ng lugar na yun. “Marikit, sinama kita dito para paga-anin ang loob ko. Hindi para pag-alalahanin ako ng gan