Chapter 11 SOL Napamulat ako nang may maramdaman akong presensya sa loob ng aking kuwarto. Akala ko si Lean ang nakaupo sa gilid ng kama ko pero sigurado akong si Renzo ang nasa tabi ko. Kunot na noo at salubong na kilay palang alam ko nang siya ang nasa harapan ko ngaun. "Bakit mo ginawa yun?" "Ha?" Pinilit kong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Ang alin ser?" Usisa ko sa kanya. Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. "Bakit sinugal mo ang buhay mo para iligtas ang kapatid ko? Feeling mo ba ikaw si Darna?" Seryosong tanong niya na ikina-bungisngis ko. "I'm not kidding." Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang matawa. Malay ko bang hindi siya nagbibiro. Sa dami ng super heroes si darna pa talaga? "Kailangan ba super hero ka para puwede kang magligtas ng buhay