Magmula ng napansin ko at maramdaman ko na may kakaiba akong damdamin kay Rex pinili kong iwasan o ilayo ang sarili ko sa kanya. Sabagay una palang iba na ang kutob ko sa kanya pakiramdam ko matagal at noon pa kami nagkakilala.
"Ilang araw ko na ba s'yang di nakikita? Naiisip kaya n'ya ko? Saan kaya siya naglalagi o dika ano kaya ang ginagawa niya?." sunod sunod na tanong ko sa sarili ko.
Ipinilig ko ang ang aking ulo upang alisin ang isipin pero itong aking konsensya ay gusto pa talagang ipaalala,
'" Ikaw ang may gusto n'yan Misha kaya namnamin m"' bulong ng isang bahagi ng utak ko.
Nako tama na nga masisiraan ako pag ganto. Kailangan kong mag focus alam kong mag uumpisa palang ako. Alam kong handa naman na ko pero marami pa ring alalahanin. Kakayanin ko ang laban pero paano kung magulat ako sa tunay na katotohanan.
Tumayo ako sa pag kakaupo sa kama ko ng my kumatok si nana pala may bisita daw. Napaisip pa ko kung sino ang posibleng bisita ko.
Dali dali din naman akong lumabas laking gulat ko ng makita ko si tesseris at pente mga kaibigan ko sa ahensya.
Gulat at kakaibang kaba ang bumalot sakin buong katauhan." Bakit sila naririto?" tanong ko sa isip ko ng makahuma agad ko silang nilapitan.
Ngumiti sila ng alanganin alam ko na agad na may mali. Kung sabagay pag punta palang nila dito may mali na agad. Ako ang pinaka bata sa aming pito, pero ako ang naatasang humawak sa grupo.
Tama kayo ng pag intindi pito kami ako si Enas and dalawa nga ay si tesseris at pente.
Paglapit ko agad ko silang sinenyasan na umakto ng normal. Alam ko na nakamasid si nana. Maaring 'di siya ang nag luwal sa akin pero alam niya pag may kakaiba.
Agad din namang naunawaan nila inaya ko sila sa mya labasa upang makapag usap ng maayos at ng hindi rin marinig ni Nana.
Pag kaupo namin sa maliit na hardin dito sa bakuran agad akong bumaling sa kanila upang tanungin ang sadya. Sa una'y ayaw pang magsalita ngunit nag umpisa na rin. Ganoon na lang ang gulat ko sa mga sinabi nila.
"Nagbibiro ba kayo?." Paano nangyari yun? ", Tanong ko sa dalawa.
" Hindi pa rin alam ng ahensya, pero nakakapagtaka talaga info file lang nating pito ang kinuha… " si Pente.
" Yun nga e, ay may inawan note ang hacker, telling that one of us ay pag aari nya…" si tesseris.
Kapansin pansin ang kaba sa mata ni pente may mali sa kanya aalamin ko yan.
Madami pa kaming napag usapan. Maging ang tungkol sa dalawang kaibigan ko napag usapan din namin.
Sana lang kayanin ni Sharina ang kalokohang inumpisahan n'ya.
Nag paalam na din ang dalawa pumasok na rin ako.
Laking gulat ko ng makita ko si Nana na nakaupo sa sala at mataman akong tinitigan.
Binaliwala ko lang naman at nag lambing dito.
Ilang saglit lang nagpaalam na itong mag papahinga doon lang ako nakahinga ng ayos alam ko na may pagdududa na siya sa akin pero di nila yun dapat malaman ayukong mapahak sila dahil sakin.
Rex Pov..
Kanina pa ko nakatambay sa lugar na ito, sa harapan ng bahay nina Misha naguguluhan ako kung lalapit ba ko o aantayin lumabas s'ya.
Ngunit eksaktong mag isang oras may dalawang babae na dumating sa tingin ko'y mas matanda ng konti kay misha.
Malabo ang sinag ng ilaw kaya di ko agad maaninag.Bumukas ang pinto inuluwa nito ang Nana ni Misha.
Base sa reaksyon nito hindi din kilala ang mga naturang babae.
Pinaupo naman ng Ginang ang dalawa sa upuan sa teresa ilang saglit pa ang lumipas. Lumabas ang babaeng matagal kong hindi nakita pero rumehistro din agad ang kaba, gulat at pagtataka.
Isa sa hinahangaan ko kay Misha ang bilis bawiin ang emosyon na ibinigay.
Napansin ko na inaya n'ya ang mga ito sa mas madilim pang bahagi sa may hardin.
Hindi ko sinubukang lumapit alam kong hindi sila normal na babae lang.
naghintay lang ako tumagal ang usapan nila ng makita ko na nagpaalam na sila sa isa't isa dali dali akong kumubli.
Habang nasa loob ng sasakyan, late ko naisip na highly tinted nga pala ito.
Pero mas ikana bigla ko pa ng masinagan ng ilaw ng buwan ang mukha ng isang babae. Naguguluhan man ako ngunit isang tao lang ang pumasok sa isip ko to confront.
Alam na alam ko na may sagot s'ya dito. Hinala ko ang cellphone ko at madaling tumipa ng mensahe upang personal kaming mag kita maliliwanagan na siguro ako sa lahat.
Sa isang liblib na warehouse ang usapan.
kung bakit dito ay di ko din alam, pero may tiwala ako sa kanya.
Maya maya isang hugong ng sasakyan ang aking na dining. Bumaba ang taong hinihintay ko.
Pumasok kami sa loob laking gulat ko na maganda ang loob pero sa labas ay sobrang luma at nakakatakot.
May pinasukan kaming silid o mas tamang opisina, ilang saglit na magkatitigan at saka lang nag usap..
"Kung ano man ang iniisip mo Bro tama yan…" turan ng lalaki.
"So alam mo pala matagal na?" tanong ko, Matagal bago s'ya sumagot.
"Yes!, matagal na. She's the reason kung bakit ako ganito.."sagot n'ya.
" Hindi pa ito ang tamang panahon Rex pero kasama mo ko hanggang huli Bro… " huli sabi nito.
" Hindi kita pipilitin mag sabi sakin kung ano, I trust you well,. " pagsuko ko ilang saglit lang ang lumipas ng may nag inform na tauhan nito, hindi ko alam kung ano but seems so urgent kaya nag paalam na rin ako, pero isang paalala ang iniwan ko sa kanya..
" You'll always there for us, nandirito lang din kami Bro!, Laban ng Isa laban ng lahat.. " sabi ko sabay tapik at akmang lalabas na sana ng magsalita ito.
" I know, 'diba nga sakit ng kalingkingan dama'y buong katawan.. " tipid na ngiti nito sabay tango nito at sabi." Ingat lagi Bro… "
Hindi na ko sumagot at lumabas na, nagmaneho pauwi sa tinitirhan ko.
Dala ng pagod nag desisyon ako na mag shower lang saglit pero kahit anong gawin ko hindi, na mawaglit sa isip lahat ng nakita. Sa unti unting natutuklasan sa tunay na pagkatao ni misha.
Alam kong mas magiging mabigat ang lahat sa mga susunod na araw na darating. Hinihiling ko na sana konti pang oras para pag nag kaalam may kaya kong ipakita na proweba.
Misha sana ganun lang kadali ang lahat para tapos agad…