Nagmamadali ako sa pag alis, kasi nga'y nakatanggap ako ng tawag mula
sa taong hindi ko lubos inaakala na mag
paparandam pa muli dahil narin sa haba na ng panahon ng kanyang pananahimik.
Alam kong malaki ang magiging epekto nito sa kasalukuyan.
Ang taong tumawag ay isa sa dahilan ng gulo mula pa noon.
Malaking takot ang namamayani sa akin alam kong sa pag kikitang ito,
mawawala na ang katahimikan ng lahat. Lahat ng nakatago at pilit pinagtatakpan ay mauungat.
Samu't saring emosyon ngayon ang nabubuhay, sa puso ko, galit, takot, kaba,
at agam agam, dahil papasukin ko na
naman ang mundong pilit kong tinakasan mula sa aking kamusmusan.
Maaring mag bago lahat ng nakaplano na.
Ang pagkamit ng hustisya na inaasam ko.
Ano nga ba talaga ang nilalaban ko, at hinahabol ko sa buhay na ito??.
Nang matagpuan ako ng mag asawa na kumupkop sa akin doon sa pampang
ng araw na yon, totoong wala akong maalala kung sino ako at saan nag mula.
Naging maalaga ang mga kumupkop sa akin, sala't, payak pero
masaya ang pamilya na binigay nila sa akin, akala ko mananatiling ganoon.
Ngunit sa pagdaan ng araw, linggo at buwan, unti unti kong naalala lahat ng
kaganapan kung bakit ako sa isla
napadpad maging ang aking tunay na pagkakakilanlan.
Tanda ko sakay kami ng isang pampasaherong barko mula sa mindoro,
dadalhin sana ako sa maynila. Sa musmos kong gulang na analisa ko na
lahat, gamit, laruan at tautauhan ako ng taong may akay sa akin.
Gagamitin nila ko upang makamit ang naisin nila o ambisyon sa buhay.
Apat na buwan ang eksaktong bilang ng maalala ko kung sino ako. Hindi ako si misha rivera.
Gawa gawa ko lang ang pangalan iyon ng sa ganon maiiwas ko sa totoong pagkatao ko.
Ang aking edad ko ay binwasa ko rin. Alam kong ipahahanap nila ko. Ako ang susi para makamit ang laya at layaw nila.
Sa mindoro simple ang buhay ko, malaya ako maayos ang tinitirahan.
May tagapag alaga ako na laging sinsabi na mahal niya ako at naawa s'ya sa magiging ganap ng buhay ko.
Nabuhay ako ng ilang taon sa piling ng mag asawa sa isla. Doon ko narasan maging masaya.
Nang araw na may batang lumapit o nakatanaw sakin, lahat ng pagtangis at hinaing ko lahat iyon ay di totoo.
Pinili kong magpanggap na di ko s'ya kilala, na kaawa awa ako pero ang totoo kilala ko s'ya isang Severillo.
Tama kayo bata palang ako hindi na kanais nais ang mga pinaggagawa ko.
Bakit kilala ko si Rex?. Simple lang! sa pamilya niya dapat ako papasok dalawang taon ng nakaraan.
Mula rin noon sa malayo nakita ko na siya.
Kung ano man ang dahilan bakit narito noon sila sa isla, hindi ko alam.
Hanggang maganap ang kalunos
lunos na pangyayari ng mamatay ang mag asawa pakiramdam ko, kailangan
kong ipahaghiganti sila, panibgong
katauhan na naman ang ilalabas ko pero sabi ko manantiling su misha ako.
Ang pagpunta sa Cavite planado ko
din, ang pagtanggap ni nana alam ko din
na mangyayari, bata palang ako I'm hell
an actress, maging ang pagkakakilala namin nina Sha at Cris sinadya ko.
Iniisip niyo na rin bang malala ang
sira ko sa utak, baka nga natatakot din ako sa mga kaya kong gawin.
Marami pa kong lihim kahit maging
pagsali sa WEA lahat yun planado ginawa kong pulido.
And I'm not twenty-one. Twenty - three na ko, asar na asar ba kayo, itotodo ko na.
Yung pag kikita sa University, yung
kunwari di ko siya kilala well, hindi rin
totoo, pero yung pag lalapit na ginawa ni Ms. Takas bonus, yun.
Mga details na di ko kunwari makuha
alam ko lahat, alam na alam ko kung
sino si Rex, walang alam ang mga kaibigan ko.
Pero ang totoo sa lahat ay yung
takot ako na baka sa lahat ng ito yung
nag iisang lalaking nagmahal at tumanggap sa akin iwan ako.
May mga plano pa hindi pa tama
ang panahon for us Rex, pinipili kong
patayin ang damdamin ko sayo kasi
hindi ko din naman kayang pangako na
hindi ako ang magiging dahilan ng
pagkabasag at kawala mo sa siklo ng tunay na mundo.
Pero gagawin kong lahat para
maitama ang lahat, pagod na din ako sa kakatago kung sino ako,.
Sino nga ba talaga ako? Saan ako nanggaling?
May lugar ba ang kagaya ko? ,tanong na wala pang sagot hanggang ngayon.
Muli kong binalikan ang mga ganap noong bata palang ako sa piling ng ina ko raw.
Malupit ito pag hindi ko magagawa ang mga utos nya.
May mga lalaking napunta roon sa bahay, kinakausap ako halos may pagkakahawig sila.
Ang sabi Isa raw doon ang aking ama pero di naman binagay kung sino.
Magaling akong manloko, mang uto at umarte turo ni mama Benida.
Bata pa ako halos agawin ko na ang trono ng pinakamasamang tao.
Gusto ko lang noon maging normal na bata may Ama't ina..
"Anak pag nagawa mo ng tama ang
lahat, magiging happy si mama, at pag
happy si mama, hindi masasaktan ang baby girl.
Did you understand me anak?." mahinahong sabi ng mama ko daw.
"Talaga mama! pag nag obey ako
lagi hindi kana magagalit, di kana aalis,
di muna ko sasaktan?", tanong ng batang ako na balot ng takot..
"Oo naman! anak kita kaya gusto ko
maging maayos ang buhay natin…" sabi nito.
Nagbalik ako sa kasalukuyan natigilan pala ako dito sa may pintuan
palang palabas na ko ng makita ko sa gilid ng aking mata ang isang kulay itim na sasakyan.
Agad kong sinipat ang plate no. at tama ang hinala ko si rex nga.
Alam ko naman na he's also doing investigation, kung s'ya lng wala s'yang mahihita.
Pero gaya nga ng pag uusap namin nakaraan ng mga kaibigan ko may
hacker and I know sa kampo ito ni Rex galing.
Nag patuloy lang ako, natatakot man pero tama na rin tama na ang taguan.
Kung maging magkalaban man kami mas pipiliin kong ako ang saktan niya kesa s'ya ang saktan ko.
Nahagip muli ng mata ko ang itim na
sasakyan, alam kong susundan n'ya ako,
my hawak na s'yang info about me and mama Benida at kung sino ang ama ko.
Patawad Rex, gagawin ko ito para
malaman na natin dahil kahit ako hindi
ko alam sino ba talaga ang tunay kong ama't ina.
May alam na din ako kung bakit nawala ang iyong ina.
Sa isang simbahan kami nag tagpo
ni Mama benida, it's suck me to hell,
everytime na iisipin ko na ina ko ang
babaeng, ito na akala mo santa pero nuknukan ng demonya.
Suot ang usual na damit, itim na bestida, ditakong na sapatos at belong itim.
Bagay na bagay sa kanya. Nilapitan ko ito ng buong giliw..
Pagpapanggap, pagarte, pagkagalak lahat yan ay ibibigay ko ngayon.
Kung tuso ang babaeng ito, well trained naman n'ya ko.
Alam kong nanonood si Rex, sa
bawat tagpo, kaya mas huhusayan ko pa
para mailabas ang galit n'ya para
mailayo ko din ang isip ng bruha na to na s'ya ang kahinaan ako..
Sa gulat ko nakita ko ang isang lalaki napalapit sa amin.
Pinatandang version ito ni Rex, dahil ito ang ama ng huli.
"Anak, I'de like you to meet your dad.." si benida.
"What the fvck!" bulong ko sa isip ko, pero bigla din nag bago.
Agad akong yumakap dito, at umiyak pa.
Alam ko ang larong ito, next na ang meet and greet sa pamilya Severillo.
I'm sorry Rex pero hindi pa talaga ito ang panahon..
Babalik ako pag tama na ang lahat pero for now bear with me….