"Kumusta na po doktora ang pasyente?" tanong ni Astrid sa doktora. "He's fine, ma'am. You don't need to worry," nakangiting sagot ng doktora. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Astrid. "Thanks, God. Thank you, doktora." Nakangiting tumango lang sa kanya ang doktora saka ito nagpaalam saglit sa kanya para harapin ang ilang pasyente. Naupo si Astrid sa isang bench na naroon. Napukaw ang atensyon niya sa mag-ama na parang nagtatalo sa kanyang harapan. "Please hijo, gusto ko ng umuwi sa atin, ayokong magtagal dito sa ospital dahil feeling ko para akong masasakal," reklamo ni Delmar sa anak. "Kailangan muna nating sundin ang nais ng doktor mo, dad. This time, ako muna ang masusunod, please.., makinig ka muna, para na rin ito sa kalusugan mo," sumamo ni Orland sa ama. Naawa si Astrid s