"Thanks, pero hindi mo naman kailangan na gawin 'yon," pagdaka'y tugon ni Yana sa binata. "I just want to help you," sagot ni David. "Ikaw ang bahala. Salamat ng marami sir, David. Kung alam mo lang kung gaano ako ka saya ngayon, una, na kasama ulit kita, pangalawa, tutulungan mo pa akong makita ang totoo kong mga magulang," nakangiting tugon ni Yana, ngunit nasa pagkain nakatuon ang kanyang mga mata, nahihiya siya kay David. Muli, tumunog ang cellphone ni David. Sinagot niya agad ang tawag. Tulad kanina, ang humihikbi niyang tita Micah ang kanyang narinig. "Hey, tita.. something wrong?" David's jaw clenched. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Yana. "You need to be here, David. Please...," nanginginig ang boses na sagot ng kabilang linya. "I'll be there, where?" "Your grandm