Napangiwi si Yana sa hapdi ng kanyang mga sugat. Napasulyap siya sa malapad na likod ni David. Lumabas ng naturang clinic ang binata, lihim siyang nakaramdam ng panghihinayang. Iiwanan ba siya nito? Ngumuso siya, hindi iyon nakaligtas sa paningin ng doktora. "May gusto ka ba kay sir, David?" puno ng kuryusidad na tanong ng doktora sa nakangusong pasyente. "Doc naman, sino ba naman ang hindi magkaka-gusto sa ubod na gwapong CEO ng Montenegro Cars Inc. Abnormal po ang tawag sa babaeng hindi mahuhumaling sa taglay na ka-gwapuhan at ka-hotness ng lalaking 'yon, kahit pa nga may mga asawa na nagkakagusto pa rin sa lalaking 'yon," mahinang palatak ni Yana sabay ubo, tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang kamay. Mahinang tumawa ang doktora. "Sabagay, crush din nga siya ng ilang mga pamangk