Since, tulog na si Yana. Inilagay na lang muna ni David ang in-order niyang pagkain sa ref, initin na lamang niya iyon bukas. Tinungo niya ang banyo, he need to refreshen himself. Hindi siya makatulog 'pag hindi siya naka-ligo. Pagkatapos na maligo ni David, bumaba siya sa living room. Hindi pa kasi siya dinalaw ng antok. Naupo siya sa couch na naroon at in-on ang TV. Nagpalipat-lipat lang siya ng channel hanggang sa patayin niya iyon. Nahagip ng tingin niya ang ilang photo album ng dalaga. Napangiti si David at pinaki-alaman niya iyon. Bawat larawan ay makikita ang cute na si Yana. Hindi napigilan ni David na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Mga ilang minuto rin ang ginugol niya. Hanggang sa dalawin na nga siya ng antok. Saka siya nagpasyang matulog na. Pumanhik siya ulit sa taas