THE ARREST

1147 Words

CHAPTER 32 “Kung ito ay personal na galit sa aking ama, bakit hindi mo siya idemanda? Bakit sa ganitong paraan mo siya gagantihan. Mayor ka. Alam mong may batas tayong sinusunod. Ang kasalanan ni Pedro ay kasalanan ni Pedro at hindi kailanman kasalanan ni Maria para gantihan o balikan. Mapapatunayan lamang na may kasalanan ang Daddy ko kapag nahusgahan na siya ng korte. Sino ka para husgahan at sabihing may atraso o kasalanan siya sa’yo nang di dinidinig ang kanyang kaso? Diyos ka ba? Diyos ka e sa lahat ng ginagawa mo ngayon sa akin, pintutunayan mong satanas ka! Demonyo ka!” singhal ko. “Matapang ka, tang ina ka!”Muli, sinuntok niya ako sa sikmura. Namilipit ako sa sakit. Napaluhod. Inagaw niya ang baril ng pulis saka niya itinutok sa aking sintido. “Ano ha? Madali lang akong kausap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD