CHAPTER 15 Ayaw ko siyang tignan. Alam kong maaawa lang ako sa kanya at bababa ako, aamuin. Hanggang hindi ko na namamalayang pinalaya ko na pala ang tinitikis kong pagmamahal sa kanya. Habang kaya ko pang labanan. Lalaban ko. Ipinatong ko ang braso ko sa manibela saka ko ipinikit ko ang aking mga mata at sandali akong nakayuko roon hangga’t alam kong tuluyan na siyang umalis. Ilang sandali pa at dahan-dahan akong tumingin sa side mirror. Wala na siya roon. Kahit sa harapan ng kotse hindi ko na siya nakita. Kung saan siya pumunta hindi ko alam. Inisip ko na lang nauna na siyang umuwi. Inabenta ko ang aking sasakyan. Sana nga nakalabas na siya ng gate. Gusto kong isipin iyon, sana ganoon ang mangyari pero hindi ko mapagtalikuran ang guilt na nararamdaman ko. Ang hirap huminga. Nagpatulon