CHAPTER 57 Nakita kong buong lakas na itatarak na ni Sanches ang hawak niyang panaksak sa akin. Kasabay dalawa pang may hawak na icepick. Dahil alam kong sa aking dibdib itatarak ang icepick ay mabilis akong yumuko at umilag saka ko buong lakas na pinaikot ang paa ko para sana ang apat ay matumba sa pagkakasipa ko sa kanilang mga paa. Hindi natumba si Sanches at ang katapat niya ngunit sa bilis ng ginawa kong iyon, hindi na nakontrol pa ni Sanches ang kamay sa lakas na pagsaksak niya sana sa akin sa dibdib. Tinamaan niya ang mismong kasamahan niya at kitang-kita ko ang pagkatarak ng hawak niyang panaksak sa tapat ng puso ng kakampi niya. Sumirit ang dugo roon at may bumulwak ding dugo sa bibig ng kasabwat niya. “Tang-ina! Anong ginawa mo, Boss! Nasaksak mo ako!” sabi nito saka bumulagt