CHAPTER 64 “Ano?” isa lang ang pumasok sa isip ko nang pagkakataong iyon. Nang sinabi niya na may masasaktan, si Gjiam agad ang pumasok sa isip ko dahil siya lang naman ang masasaktan na maari niyang tinutumbok at wala nang iba pa. Huminga siya nang malalim. “Kilala mo si Gjiam? Siya ba ang sinasabi mong masasaktan?” “Kilala ko si Gjiam ngunit hindi siya ang binabanggit ko. Faith may iba ako sa labas. May kinakasama ako at mali ito. Masasaktan ko siya.” Napamaang ako. Nakaramdam ng kirot sa aking puso. Umatras ako. Tinakpan ko ang aking dibdib. Namula ang aking mga mata at nagbabadya ng pagluha. “Bakit hindi mo sa akin sinabi?” “Dahil alam kong hindi naman na kailangan. Isa pa, hindi ba may Gjiam ka? Hindi ba kayo rin ng lalaking nagsampa sa’yo? Kaya akala ko, hanggang magkaibi