CHAPTER 30 “Ipakukulong kita, patatanggalan kita ng lisensiya at sisiguraduhin kong hindi ka na makababalik at ang pamilya mo sa pamumuno sa bayan na ito. Anong klaseng babae ka ha? Binaboy mo ang anak ko! Binabaoy mo ang anak kong hayop ka!” isang malakas sampal ang pinakawalan ng Mommy ni Gjiam. Nakita ko sa mukha niya yung galit. “Naniniwala ka Misis na magagawa ko ito? Na magagawa ng isang babae ang ganitong klaseng pang-aabuso? Babae ka rin at alam mo kung capable tayong babae na gumawa neto!” “Why not? Naka-droga ka. Lahat ay kayang gawin ng nakadroga ang kahit ano! Kaya huwag na huwag mo sa aking idahilan ang pagiging babae mo, huwag mo akong ikumpara sa’yo dahil magkaiba tayo. Hindi ko kailanman gagawin sa inosente at menor de edad na estudiyante ito. Hayop ka! Hayopppp!” Kung