CHAPTER-9

1751 Words
Kunot noo niyang sinagot ang tawag ni Emmet dahil kanina pa siya nito tinatawagan pero hindi niya lang nasagot agad dahil nasa kalagitnaan siya ng importanteng meeting. "What?" iritable niyang bungad dito. "Why didn't you answer my calls? Busy?" "Obviously, I am working. What do you need?" tanong niya agad dito. Pumasok siya sa kaniyang opisina at umupo sa swivel chair. Ni-loudspeaker niya ang cellphone niya at nilapag iyon sa desk. Pinagpatuloy niya ang mga ginagawa kanina pa. "Your wife is so beautiful. Kaya pala hindi mo matiis at nagpagawa ka pa ng uniform ng school ko 'no?" tumawa ito ng malakas. "Shut up. Can't you see I am helping your school to have a uniform like other university." Mas nag-isang linya ang labi niya nang tumawa pa ito lalo dahil sa sinabi niya. "Dude! Most of students in my school doesn't like to wear uniform because they can ramp their own fashion! Sabihin mo na lang na binayaran mo ako ng malaki at nag-invest ka pa sa school ko para matupad ang request ng asawa mo!" "Do you want me to spread the news that Emmat Luz, the principal of Elite University is well known for being the top assassin?" he mocked. Napatigil ito sa pagtawa kaya napangisi siya. "Hindi ka talaga nagpapatalo sa lahat ng bagay," pinatunog nito ang dila. Naiimagine niya na ang pag-iling nito sa kaniya. "Mas matanda ako ng tatlong taon sa'yo pero ako yung napapasunod mo?" dagdag pa nito. "Because I am your boss," he simply said. "Bakit hindi mo na lang pala sabihin sa lahat na hindi mo siya asawa? I mean, sa underground lang naman nakakalat na may asawa ka na. 'Di ba mas mapapahamak siya kung nasa tabi ka niya?" Napatigil siya sa pagpipirma ng mga documents. "No. Mas mapapahamak siya kung bigla kong sasabihin na naghiwalay na kami at hindi ko na siya asawa. Sigurado akong mas pupuntiryahin pa siya ng mga kalaban." "Bakit mo kasi nasabing asawa mo siya?" Napapikit siya at napabuntong hininga. Noong oras na 'yon, hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil bigla nalang ito sumulpot sa hospital room. Kung hindi niya ito pinakilalang asawa ay baka mas mapahamak pa ito dahil iisipin ng iba na may alam na ito kung sino sila. He mean it but somehow, he is asking himself why did he blurt out the wife word. Marahil ay hindi na siya nakapag-isip kung ano ang dapat sabihin lalo na't naroroon ang lalaking inaabangan nila kumilos at magpakita. "You are asking way too much. I'm busy, goodbye." "Hey! Hey!" Hindi niya na ito pinansin pa at tuluyan nang pinatay ang tawag. Napatingin naman siya sa sinend na message nito at halos magsalubong ang kilay niya nang makita niya ang larawan ni AC, nakangiti ito habang kausap ang isang lalaki. Mas lalong lumukot ang mukha niya dahil sa mensahe pa ni Emmat. 'They look good together. Mukhang magka-edad lang sila hindi katulad mo matanda na!' Napailing na lang siya dahil sa kakulitan ni Emmat. Alam niyang gusto siya nitong asarin dahil si Conrad at Emmat lang naman ang laging nang bu-buwisit sa loob ng grupo niya. "The f**k are you saying?!" inis na bungad niya rito nang sagutin nito ang tawag niya. Tinawagan niya ito dahil naiinis siya sa kakulitan nito. "Don't bother to send me a pictures of her with men. She's not my real wife, it doesn't affect me," he added. "Oh damnit. Did you just call to say that to my face? Interesting... really inter—" Pinatay niya ang tawag at tinuon niya na lang ang sarili sa ginagawa. Tatlong minuto pa lang ang nakalipas ay agad niya ng binitawan ang ballpen at napatayo. Agad niyang pinatay ang pc niya sa opisina at kinuha ang coat at bag niya para umalis na. For some reason he wants to go home now. Mabilis siyang nagmaneho para makauwi agad. He felt like he needs to talk to AC. Until now he's being strict with her because he is pissed. Alam niyang wala naman itong kasalanan pero hindi niya mapigilan na magsungit dito dahil inalis niya nga ito sa impyernong buhay pero ito naman ang bumalik. Hindi niya makalimutan ang itsura at ang mata nito na puno ng takot noong gabing nakarating siya sa black-market auction. Hindi niya rin malaman sa sarili kung bakit naiinis siya sa kilos nito, lalo na pag ngumingiti ito o kaya tumitingin sa kaniya gamit ang inosenteng mukha. Alam niyang sarili niya na ang problema dahil sinusungitan niya ang babaeng wala namang ginagawa sa kaniya. Nakarating siya sa bahay at sinalubong naman siya ng mga tauhan niya. Naabutan niyang kumakain sa kusina si AC kasabay ang mga tagaluto at iilang kasambahay sa bahay niya. Pinasadahan niya pa ng tingin ang suot nito at uminit ang ulo niya nang makita itong naka sando na hapit ang shorts na maiksi. "Magandang gabi po sir, kakain po ba kayo?" tanong sa kaniya ni Gabo. Tumayo pa ang mga ito at parang nataranta kaya mabilis siya sumenyas na umupo ito. "Just continue your dinner." Tumingin siya kay AC na nakatingin pa rin sa kaniya, "Afte you eat bring my dinner to my room." Hindi niya na ito hinintay sumagot at dumeretso na papunta sa taas at pumasok sa kwarto niya. Binaba niya ang bag niya at niluwagan ang necktie na suot. He brushed his hair using his fingers and licked his lower lip. Sumasakit na naman ang ulo niya at naiirita na naman siya. Hinubad niya ang longsleeve na suot at pupunta na sana sa walk in closet niya nang mag-ring ang cellphone niya. Nang makita niya na si Gunner iyon ay sinagot niya na agad. "Hello? What's the news? Is there any update on that governor?" salubong niya agad dito. "I already get some evidence on his illegal doings but it's not enough to put him on jail. May kapit pa rin ito sa ibang mga lieutenant kaya mahihirapan tayong mahuli siya. But I have idea to caught him in the act. There's a masquerade party in underground at the same time illegal buying of drugs through women." "Then let's go, when is the party?" "On Saturday 10 in the evening." "Okay let's prepare for that—" "We can enter in the venue but we can't enter to his private room. Paniguradong maraming bantay roon at hindi tayo p-pwedeng gumawa ng eksena dahil kailangan natin makuhaan ng video ang ginagawa niya dahil 'yon ang pinakamalakas na ebidensiya para mahuli ang matandang 'yon." It's easy to kidnap him and beat him to pulp but they can't do it because they need to surrender that bastard governor to NBI. Gusto niyang makita ito na kinasusuklaman ng mga taong niloko nito. "So what will going to do?" tanong niya rito. "We need AC to accomplish this. AC will act as one of the women who brought drugs and we will put a camera on his necklace to record Governor Mercado—" "No way. Not her, Gunner. Find a woman that will act—" "AC has a keen eyes and you know it will be a big help. She might notice something that we might not notice." Umiling siya na parang nakikita siya nito. Pag may nangyaring hindi maganda ay baka mapahamak lang ito dahil hindi naman ito katulad nila na magaling makipaglaban at sanay sa mga demonyong tao. "She can't do it and I know she will not agree—" "She already agree. I talked to her awhile ago." "Gunner—" "You know too that she can help, Draze." Napahawak siya sa sintido niya at nagpakawala ng isang buntong hininga. Hangga't maaari ay nilalayo niya ito sa pahamak dahil ayaw niya nga ito madamay lalo. Nagpaalam na siya kay Gunner dahil kailangan niya munang mag-isip. Totoo naman na malaking tulong ang abilidad ni AC sa ginagawa nila dahil mabilis itong makapansin ng mga bagay-bagay. Pero kung magiging isa ito sa kanila ay parang hindi na talaga ito makakawala sa delikadong ginagawa nila. "Draze, o-okay ka lang ba? Kanina pa ako kumakatok at hindi ka sumasagot." Napatingin siya sa pintuan at nakita niya si AC na may hawak na tray na may lamang pagkain. Hindi niya namalayan na ilang minuto na siyang nakaupo sa may dulo ng kama. "Baka magkasakit ka, malakas pa naman ang aircon ng kwarto mo at nakahubad ka riyan," puna nito sa kaniya. Tuluyan na itong pumasok sa kwarto niya at nilapag ang tray sa may glass table niya na nasa harapan ng sofa niya sa loob ng kwarto. "Did you and Gunner talked?" Bumaling ito ng tingin sa kaniya nang mailapag ang tray. "Tutulong ako sa inyo... gusto kong makabawi sa ginawa mong tulong sa akin." Tinitigan niya ito at kita niya na desidido ito. "You can't even fight, what will you do if something happened?" tanong niya rito. Tumayo siya at nilapitan ito at nang halos isang dangkal na lang ang lapit niya rito nakita niya itong napatingin sa katawan niya. "Eyes up." "Ano... hindi niyo naman ako papabayaan 'di ba?" maliit ang boses nito at tumingin muli sa kaniya. "Do you think I will save you all the time?" he asked. He got curious on what's on her mind. Most of the people are scared to him but this woman in front her is not. "I kill people especially those who are not helping me. So tell me, why do you think I'll save you?" Binigyan niya ito ng malalim na tingin para matakot ito sa kaniya pero hindi man lang ito natinag. Halos manigas siya sa kinatatayuan niya nang bigla nitong ilapat ang palad nito sa tapat ng puso niya. Dahil wala siyang suot na pang-itaas ramdam niya ang balat nito sa balat niya. Agad niyang hinawakan ang palapulsuhan nito para ialis iyon pero bigla itong nagsalita. "Mayroon kang mabuting puso at itinatago mo lang 'yon, kaya nga marami na kayong naililigtas na mga inosenteng tao at kabilang na ako roon. Alam kong inalis mo ako sa impyernong buhay pero ako rin nagbalik sa sarili ko kaya ngayon ay ipagkakatiwala ko na sa'yo ang buhay ko, Draze. Natatakot man ako pero pakiramdam ko pagkasama kita ay kahit anong delikado ng buhay ko ay magiging ligtas ako sa'yo." Naibaba niya agad ang kamay nito nang biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi siya makapagsalita at sa oras na 'yon ay wala siyang masabi sa dalaga. At the moment, he was confused as to why his heart was behaving in such a way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD