Para siyang nabunutan ng tinik nang mapanood sa balita na nahanap na ang mga batang nawawala at nahuli na ng pulis ang mga may
kagagawan no'n. Sobrang naaawa siya sa mga bata dahil naranasan na nila ang gano'ng bagay.
Iniisip niya pa lang ang mga trauma na matatamo ng mga ito ay sumasakit na ang puso niya. Nakaraan niya pa kasi nakikita ang mga balita ng pagkakasunod na mga kidnapan sa bansa.
Naranasan niya ang mamuhay sa kamay ng masasama kaya labis na naaawa siya sa mga bata. Naranasan niya na ring ma-kidnap noong 10 years old siya, alam na alam niya ang pakiramdam ng mga ito.
Pinatay niya ang tv nang makitang bumaba na si Draze. Ngayong araw kasi ay lalabas silang dalawa at pupunta sa mall para mamili ng gamit niya para sa pasukan sa Monday. Halo-halo ang emosyon niya, kinakabahan na excited dahil makakatungtong na siya sa
paaralan.
"Let's go," ani sa kaniya ni Draze at nilagpasan siya kaagad para makalabas. Sinundan niya naman ito hanggang sa makasakay siya sa kotse. Tahimik siyang nakaupo at nakatingin lang sa harapan nang bigla itong nagsalita.
"Seatbelt." Umawang ang labi niya at agad tumango. Hinatak niya ang seatbelt at kinabit iyon pero medyo nahirapan pa siya dahil masikip ata sa kaniya. Naiipit sa dibdib niya ang seatbelt at hindi niya alam kung paano maadjust iyon para lumuwag.
"Damnit." Nakagat niya ang labi dahil mukhang ginalit niya pa si Draze sa sobrang tagal niya. Napapitlag naman siya nang bigla itong lumapit at inayos ang seatbelt niya at ito na mismo ang nagsuot sa kaniya no'n.
Napatingin siya sa mukha nito at mukhang ginalit niya nga dahil hindi maipinta ang mukha nito. Hindi na ito nagsalita pa at pinaandar na ang kotse. Pinagbuksan naman sila ng mga bantay hanggang sa makalabas sila.
Tanging makina ng kotse at ingay lang sa labas ang naririnig niya habang nasa byahe sila. Hindi siya sanay na silang dalawa lang ang magkasama ni Draze.
Nakarating sila ng mall at nang makapag-park ay nilibot niya ang mata niya. Kunot noo siyang lumingon-lingon dahil wala man lang siyang makitang ibang sasakyan sa parking lot ng mall. Hindi siya sigurado kung sa floor lang na ito ang walang ibang naka-park o wala talaga, pero imposible naman 'yon.
Pumasok sila sa loob at doon na talaga siya nagtaka dahil walang ibang tao pwera sa mga sales lady at staff ng mall.
"Bakit walang ibang tao?" tanong niya kay Draze. Takang-taka talaga siya dahil sabado ngayong araw at walang tao sa mall.
"I reserved the mall so we can buy without worrying." Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng binata.
"B-buong araw? Ngayong araw?"
"Yes." Napatakip siya sa bibig niya at tiningnan ito. Nakalimutan niya saglit na sobrang yaman pala nito kaya paniguradong barya lang ang ginawang pag-reserve nito sa buong mall.
"You'll buy clothes, shoes, and school supplies. The university doesn't have a school uniform so you're free to choose what you want to wear." Napatungo naman siya dahil nakaramdam siya ng lungkot.
"Hindi talaga sila nag-u-uniform?" pagtatanong niya pa ulit. "Sayang gusto ko pa naman maranasan ang mag-uniform!" ani niya pa at tumawa ng mahina para itago ang kalungkutan niya. Gusto niyang mag-try magsuot ng uniform at pumasok sa paaralan pero kung wala talagang uniform ang university ay wala na siyang magagawa roon, sadiyang nalungkot lang talaga siya.
Ngumiti lang siya kay Draze dahil nahuli niya itong nakatingin pa rin sa kaniya. Hindi naman ito nagsalita at naglakad na lang deretso sa shop na puno ng school supplies. Namili siya ng mga kakailanganin niya lang. Kaunti lang ang binili niya pero kumuha ng sandamakmak na school supplies si Draze at nilagay iyon sa basket. Napakamot siya sa ulo nang mapuno ang tatlong basket.
Pakiramdam niya ay lahat ng klase ng school supplies na hindi niya sigurado kung magagamit niya ay nakuha na.
Nang matapos sila roon nagulat pa siya nang may lalaking lumapit sa kanila at kinuha ang mga paperbag na may laman na pinamili nila. Alam niyang isa sa tauhan iyon ni Draze dahil may I.D ito. Lahat kasi ng tauhan ni Draze ay napansin niyang may I.D na, siguro para masigurado nilang tauhan iyon ng binata at hindi kung sino.
Naalala niya tuloy ang lalaking nagpanggap na isa sa tauhan ng binata. Ayon kay Gunner ay nahuli na pala iyon kaya nakahinga siya ng maluwag sa mabuting balita.
Lumipat sila sa shop na puro damit pangbabae at halos mahilo siya sa nakitang presyo kada-isang damit.
"M-masiyado ata itong mahal... Kung sa palengke ay siguro 50 pcs na ang mabibili sa isang pirasong damit na 'to," bulong niya kay Draze.
"Just pick, don't mind the price." Tinalikuran siya nito at kinausap ang isang staff ng shop bago tuluyang tumungo sa may entrance at nakita niyang may kausap na ito sa telepono.
"Ma'am, may gusto ka bang mga kulay o mga tipo ng damit?" tanong sa kaniya ng staff na kinausap ni Draze. Umiling naman siya rito at napakamot sa noo dahil sa kahihiyan. Hindi siya magaling mamili ng damit. Ito ngang suot niya ngayon ay simpleng tshirt at jeans lang.
"Sige po ma'am, maupo po muna kayo at kami na po ang mamimili ng damit niyo." Wala na siyang nagawa nang igaya siya ng isang babae para umupo sa sofa. May naghatid pa sa kaniya ng lemon tea para may mainom.
Kalahating oras ang lumipas at napatayo siya bigla nang makita ang dami ng damit na dala-dala ng tatlong staff roon.
"Will all the clothes would be fit at her?" tanong ni Draze sa babae habang nilalabas ang card.
"Yes sir. Sakto lang po, pero kung gusto niyo po makasigurado ay pwede pong isukat ni ma'am —"
"No need. I'll just buy it all," ani ng binata at inabot ang card sa babae. Nilapitan niya kaagad si Draze para pigilan ito pero nilingon lang siya nito at tiningnan ng seryoso na parang sinasabing 'wag siyang kokontra sa ginawa niya.
Naitikom niya na lang ang bibig at hinayaan na ito. Pagkatapos nila sa shop na 'yon ay may lumapit na namang lalaki at kinuha ang mga pinamili nila at umalis. Ilang beses na ata siyang napakamot sa ulo niya dahil hindi pa rin siya sanay sa nakikita.
"Where's your phone?" tanong sa kaniya ni Draze. Nilabas niya naman ang cellphone niya na nasa sling bag niya.
"Ito, o itong binigay mo?" tanong niya at pinakita ang dalawang cellphone na hawak. 'Yong cellphone na nabili niya ay simple lang pero ang binigay sa kaniya nito ay ios, at hindi pa rin siya sanay gamitin iyon.
"Use what I gave to you," his forehead furrowed. Napanguso na lang siya at tiningnan ang ginagawa nito sa cellphone niya. "And add a passcode to your phone. What if someone snatch this and check your informations?" he added.
"Opo itay," mahinang sambit niya sa sarili. Para kasi itong tatay dahil parang lagi na lang siyang nasasaway at napapagalitan. Kahit hindi niya naranasan magkaroon ng pagmamahal ng isang magulang ay ito ang nakikita niya sa mga napapanood niya nitong mga nakaraang araw.
"What?" his forehead creased and looked at her.
"W-wala! Sabi ko opo," ani niya at iniwas ang tingin dito.
Napatigil siya sa paglalakad nang makakita ng stall ng ice cream. Napalunok siya at nanlaway sa nakikita niyang mga flavor.
"Here's your phone. Press number 1 if something happened when you're in the school. I'm not saying you're in danger everytime, don't worry because you have a bodyguards around you always. It's just that if something emergency happens, press the number 1
and it will call my number, okay?"
Hindi siya nakasagot kaagad dahil busy siya sa pagtingin sa ice cream. Hindi niya na nga namalayan na nakalapit na siya ng husto sa stall.
"Kuya pabili po ng dalawang scoop ng chocolate ice cream," ani niya sa nagtitinda. Binalingan niya si Draze para alukin. May pera pa siya kaya makakabili siya ng ice cream kahit may kamahalan sa mall na 'to. Bigla lang siyang natakam nang makita ang chocolate.
May pera pa siya galing sa tira ng sweldo niya sa trabaho kaya iyon ang pinanggastos niya. Sa totoo lang ay nasa kaniya pa rin ang bag na punong-puno ng pera, kaunti lang ang nabawas niya roon dahil sobrang dami talaga. Sinasauli niya 'yon kay Draze pero hindi tinatanggap ng binata kaya tinabi niya na lang sa cabinet ng kwarto niya sa bahay nito.
"Gusto mo? Pili ka ng flavor," pag-aalok niya sa binata.
"I don't like sweets." Dumapo ang tingin niya nang ilabas na naman nito ang wallet kaya agad niyang nahawakan ang kamay nito para ibaba iyon.
"May pera naman ako sa wallet ko, ako na ang magbabayad. Masiyado ng marami ang gastos mo sa akin," pagsasabi niya ng totoo rito. Nahihiya na talaga siya at parang kada-araw na lang iniisip niya kung paano ito babayaran kung wala naman siyang trabaho.
Alam niyang imposible mabayaran lahat ng ginastos nito sa kaniya pero kahit paunti-unti man lang ay makapagbigay siya rito. Pero dahil wala siyang trabaho ay hindi niya magagawa iyon.
Napangiti siya nang hinayaan na siya nitong magbayad. Hindi na naalis ang ngiti sa labi niya dahil sa masarap na ice cream.
Dumeretso sila sa bilihan ng sapatos at binilhan din siya nito ng iba't ibang klase.
Binilhan siya nito ng rubbershoes, sandals, slippers, heels at black shoes. Nagtaka pa siya sa black shoes dahil naalala niyang wala naman silang uniform sa school pero dahil ayaw niyang magalit na naman ito sa kaniya ay hindi niya na ito tinanong pa.
Napagod siya buong maghapon dahil sa paglalakad nila sa buong mall. Doon na rin sila nag-dinner at pati ang mga restaurant ay wala talagang ibang kumakain. Nag-uwi sila ng iba't ibang pagkain galing sa iba't ibang restaurant sa mall dahil bayad na ni Draze ang lahat.
Ipapamigay ang ibang pagkain sa informal settlers gaya ng utos ni Draze sa mga tauhan kaya kita niya ang lagpas benteng tauhan nito na naghahakot ng mga lutong pagkain at 'yong iba naman ay nakatoka sa supermarket na nasa loob ng mall.
Dahil doon ay humanga na naman siya sa binata. Lagi kasi nito iniisip ang mga nangangailangan. Habang nasa byahe pauwi ay hindi niya mapigilang tumitig dito. At sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman niya na naman ang pagwawala ng puso niya.