"Ac! Saan ka pupunta?" Sinenyasan niya agad ang isang bata na 'wag itong maingay dahil baka mahuli siya.
Lalabas kasi siya bahay ampunan para lang gumala kahit saglit. Gusto niya mag-ikot pero babalik din naman siya mayamaya.
"Diyaan lang ako, huwag ka maingay."
"Pero magdidilim na mayamaya..."
"Huwag ka mag-alala sa malapit lang ako. Basta 'wag kang maingay ha?"
Wala na itong nagawa at tanging tango na lang ang naitugon nito.
Hindi naman siya tatakas. Maayos naman ang buhay niya sa ampunan. Gusto lang talaga niya gumala saglit at ito ang magandang oras at araw dahil busy ang mga nagbabantay sa kanila.
Tuwang tuwa siya nang makalabas ng gate nang hindi nahuhuli. Sa likod na gate kasi siya dumaan.
Nagliwaliw siya at pinagmasdan ang mga sasakyan na magagara habang naglalakad.
Napunta siya sa may parke na di naman kalayuan. May mga bata roon na naglalaro kaya nakilaro siya.
Hindi niya na napansin kung ilang oras ba siya naroroon basta alam niya ay dumidilim na. Nasobrahan ata siya sa laro.
Paalis na sana siya sa parke nang may marinig na umiiyak. Paglingon niya nakita niya ang batang babae na mas bata pa sa kaniya.
Siguro mga nasa 8 years old ito, sa tingin niya ay dalawang taon ang bata nito sa kaniya.
"Bata... bakit ka umiiyak?" tanong niya nang makalapit siya rito.
Napasinghap siya nang makita ang hugis puso na paso nito sa kamay. Malaki iyon at alam niyang masakit.
Sira rin ang damit nito na parang hinatak.
"Tulong po... papatayin nila ako... hi-hindi ko sila kilala..." hagulhol nito sa kaniya.
"Sino sila-"
"Ayon ang bata!" Nanlaki ang mata niya nang biglang may sumigaw. Tatlong malalaking lalaki ang tumakbo patungo sa kanila.
Hindi sila nakatakas at agad hinablot ang batang babae pati na rin siya.
"Nagsama pa ng bago. Okay ito! Matutuwa si boss sa atin," halakhak ng isang lalaki.
"Bitawan niyo kami! Tulong– hmmp... hmmp..."
Pumipiglas siya ng todo kahit nasasaktan na siya sa pagkakahawak ng isang lalaki sa kaniya.
Takot na takot siya pero mas iniisip niya ang isang mas nakababata sa kaniya. Kawawa talaga ang itsura nito kaya mas dumagundong ang kaba niya dahil naiisip niya rin na magiging ganoon ang lagay niya pag hindi sila nakatakas ngayon.
Naisakay sila sa itim na sasakyan. Tuloy tuloy lang ang pagsigaw niya pero sa isang iglap bigla na lang nagblanko ang paningin niya nang may pinaamoy sa kaniya.
Nagising siya dahil naramdaman niya ang pag buhat sa kaniya. Hindi niya agad naidilat ang mata niya dahil nag-a-adjust pa siya. Pakurap-kurap siya nang makita ang kadiliman ng paligid. May ilaw pero sakop ang ibang parte ng pinasukan nila.
Napadaing siya nang ibaba siya ng lalaki sa isang kwarto. Pabagsak siya nitong nilapag kaya bumagsak ang pang-upo niya sa sahig. Umahon na naman ang sobrang katakutan niya nang makitang mas marami pa ang mga batang babae roon pero dumako ang tingin niya sa isang babaeng mas matanda sa kanila.
"Hindi pa rin nagigising 'yan?" tanong ng isang lalaki sa isa. Tinutukoy nito ang nakakatandang babae sa kanila na may piring ang mata at walang malay.
"Hindi pa rin. Hayaan mo lang at hintayin natin si boss. Paniguradong mas matutuwa siya diyaan. Eh kung sakaling ayaw naman niya sa atin na lang!" Humahalakhak ang tatlong lalaki na naroroon.
"May marka na rin naman 'yan. Iyong bagong bata pag nagustuhan ni boss markahan niyo na rin agad."
Hindi niya maintindihan ang mga ito basta ang alam niya lang ay masasama ang mga ugali ng mga ito.
Nanginginig ang buong katawan niya hanggang sa makaalis sa kwarto ang tatlo. Ang mga batang babae na kasama niya ay tahimik lang na nasa gilid at takot na takot.
"Kailangan natin tumakas dito." Inisa isa niyang tingin ang mga bata, ang iba ay sa tingin niya kasing edad niya. Pito sila roon at pang-walo ang babaeng nakakatanda sa kanila.
Hindi umimik ang mga ito at tila ba'y walang lakas.
"Hindi... hindi tayo makakatakas dito," ani ng isang batang babae. Pabulong lang ito magsalita at ramdam niya ang takot sa boses nito. Siya rin naman ay takot na takot sa nangyayari.
Binalingan niya ng tingin ang wala pa ring malay na babae. Kahit nanginginig pa rin ang buo niyang katawan ay pinilit niyang tumayo at lapitan ito. Tinanggal niya ang piring sa mata ng babae. Doon niya lang din nakitang may sugat ito sa noo.
"A-ate... ate... ate... g-gising po..." Niyugyog niya ang balikat nito at marahan na tinapik-tapik.
Natatakot na talaga siya sa lugar kung nasaan sila.
Pinagpatuloy niya ang paggigising dito. Tumigil siya nang magising ito at unti-unting gumalaw. Nagkasalubong ang paningin nilang dalawa. Agad itong bumangon ng paupo at napahawak pa sa noo nitong may sugat.
"Ah... shit..."
"A-ate... tulungan niyo po ako... kailangan po natin makatakas dito," naiiyak na ani niya. Tiningnan siya nito bago ilibot ang mata sa paligid.
Narinig niya pa ang pagdaing nito sa tagiliran. Doon niya lang napansin na may dugo pala ito roon.
Sinundan niya ito ng tingin nang tumayo at lumakad ito patungo sa may bintana na naka-lock.
"Okay lang ba kayo? Makakatakas kayo rito, 'wag kayo mag-alala."
Sumunod siya rito para kausapin dahil walang imik ang ibang mga bata.
"Ate... naka-lock po ang binta at pinto, paano po tayo makakaalis dito?" Hinarap siya nito at hinawakan sa balikat para tapikin.
"Makakaalis tayo rito... pinapangako ko sainyo. Kailangan niyo lang sundin ang sasabihin ko, okay? Hindi ko kayo papabayaan," ani nito sa matatag na boses. Pinigilan niyang mas umiyak pa dahil sa pag-asang naramdaman niya.
Hinaplos ng babae ang kaniyang buhok at niyakap siya.
"Mga bata, pag sumigaw ako ng takbo, tatakbo kayo ha? Hindi kayo lilingon, wala kayong iisipin na iba basta tumakbo kayo palayo sa lugar na ito, naiintindihan niyo ba ako?" sambit pa ng babae sa kanila.
Nagsitanguan naman ang mga bata.
"Sa ngayon, wala munang magpapainit ng ulo nila. Wala munang iiyak, kailangan niyo magpakatatag. Ilalabas nila tayo rito dahil alam kong ililipat nila tayo ng lugar. Magpahinga kayo ng maigi para pagpinatakbo ko kayo ay may lakas kayong makatakas."
Hindi niya alam ang plano ng babae pero nagtiwala siya sa sinabi nito.
Nagpahinga sila at nang pakainin sila ng mga lalaking kumuha sa kanila ay kumain sila. Tahimik lang ang lahat. Siya ay pasulyap sulyap sa babae dahil may mga sugat ito.
Namumutla na rin ang mukha nito dahil sa panghihina.
Inikot niya ang paningin niya sa loob ng kwarto. Kakaiba kasi ang kwarto kung nasaan sila. May bintana sa pinakamataas na pwesto, alam niyang nasa pinakababa sila ng parte ng bahay. Tumayo siya nang may mapansin sa kaliwang bahagi ng kwarto.
Nilapitan niya iyon at malinaw sa paningin niya na may kakaiba roon. Hinawakan niya iyon at kinapa-kapa.
Napalingon siya sa likod niya nang maramdaman ang presensiya ng babae.
"Hidden door..." Sinenyasan siya nito na gumilid at agad niya namang sinunod.
May kinapa-kapa ito sa pader at laking gulat niya nang biglang bumukas ang kanina niya pa tinitingnan.
Dahan dahan na pumasok roon ang babae at sinenyasan sila na maghintay roon. Pati ang ibang mga bata ay lumapit na sa kanila.
Ilang minuto lang din ay bumalik ang babae. May ngiting nakapaskil sa namumutlang labi nito.
"Makakatakas tayo rito. Lagusan ito papuntang pinto sa likod ng bahay, mukhang hindi rin alam ng mga lalaki," masayang ani nito sa kanila.
Kinakabahan man siya pero nagkaroon na ng pag-asa sa puso niya na makakatakas sila.
Pumasok sila sa lagusan na iyon at umakyat sa hagdan. Doon niya nakita ang lumang pinto na parang hindi na nagamit ng ilang taon.
Bubuksan pa lang sana ng babae ang pinto nang makarinig sila ng sigaw.
"Wala ang mga bata!"
"Nasaan? Paanong nakatakas ang mga 'yon?"
Hindi niya na pinakinggan ang susunod pang mga pagtatalo ng tatlong lalaki dahil dali dali na silang tumakbo palabas.
"Takbo!" Utos sa kanila ng babae. Nagsitakbuhan sila lahat. Siya naman ay tinulungan ang babaeng nanghihina na dahil sa sugat.
Mas pumutla na ito lalo.
"Nandoon sila!" Nanlaki ang mata niya nang makita sila ng dalawang lalaki.
Tumatakbo man sila habang alalay ang babae pero hindi sila makatakbo ng mabilis dahil nanghihina na ito.
"Tumakbo k-ka na..." bulong nito sa kaniya. Tiningnan niya ito habang patuloy na lumuluha ang mata niya dahil sa takot at kaba.
Binigyan siya nito ng malumanay na ngiti. Hindi na siya naka react pa ng tulakin siya nito palayo sa kaniya at hinarang ang dalawang lalaki.
Dahil sa takot ay wala siyang nagawa kundi sundin ito at tumakbo ng tumakbo paalis sa lugar na 'yon.