I woke up late the next morning. Kaya naman nagmamadali ang kilos ko, at kahit pa nga halos sumasakit ang iba't ibang bahagi ng katawan ko, pinilit ko pa ring bumangon at maligo dahil may klase ako. I groaned. Siguro ay dapat kong kausapin si Damon tungkol dito. Naabutan ko si Damon na naghahain na ng pagkain. Kumuha lang ako ng isang toast na tinapay, chocolate spread at nagtimpla ng kape.
"Careful, it's still hot," saway ni Damon.
"Late na ako, Damon. Tinanghali ako ng gising," napakamot ako sa ulo ko.
Ikalawang araw ko pa lang sa klase ngayon, late agad ako. "I'm sorry, Cass. It's my fault. Pinagod kita. Don't worry, I'll let you rest tonight," aniya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Memories of last night flashed vividly on mind. Hindi lang isang beses naming ginawa iyon. We did it thrice, but Damon seemed to have want more.
"It's okay, Damon. Hindi ako dapat magreklamo dahil obligasyon ko iyon. It's what I agreed to do with you," nakangiti ako nang sabihin ko iyon, pero mabilis na napalitan ng kaba ang nararamdaman ko dahil dumilim ang mukha ni Damon. Para bang, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Stop. I don't want you think that you're only doing it with me because you're obliged to do so. It's more than the obligation, Cassandra." I shivered. His voice was serious, and angry.
"I'm sorry," paghingi ko ng paumanhin.
Habang nasa biyahe papuntang eskuwelahan ay hindi na kami nagkausap ni Damon. It suddenly felt awkward. I had to look away because I can't stand the way he looks at me. Naroon pa rin ang pagkakunot ng kanyang noo, at umiigting pa ang kanyang panga. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya gayong totoo naman ang sinabi ko. Hindi na nga lang ako nagsalita dahil ayaw kong lumala ang iringan namin.
Makalipas ang halos labin-limang minuto ay huminto na ang sasakyan niya sa harapan ng eskuwelahan. "We're here," sambit ni Damon. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako humarap sa kanya. "I'm sorry if I offended you earlier, Damon. Hindi ko sinasadya."
"I know. And I'm sorry too." Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap, bago niya pinatakan ng halik ang noo, at labi ko. "Go inside, baby. Just call me when your class is done."
I waved him goodbye. Katulad ng sinabi niya, pumasok na ako. Halos takbuhin ko ang distansya mula sa gate papunta sa building namin dahil sigurado ako'ng nag-uumpisa na ang klase namin sa mga oras na ito.
"Good morning, Sir. I'm sorry, I'm late," bungad ko no'ng pumasok ako sa loob ng classroom namin. Agad akong dumiretso sa upuan sa gitna nina Mika at Rachelle. The teacher only smiled, kaya naman hindi na rin ako umimik.
The days went by so fast, and before I knew it, weekend is fast approaching. It's like I'm living my life as a routine. Estudyante sa umaga, at tuwing hapon naman ay caregiver ni Tatay. Hindi pa rin siya gumigising, pero hindi ako pinanghihinaan ng loob dahil alam kong gigising siya. Palagi ko pa rin siyang kinakausap kahit na wala naman akong nakukuhang sagot. Para sa akin, sapat na iyong naririnig niyang naghihintay ako sa paggising niya. My father is a fighter, and I know he will wake up.
Madalas din kaming naghabapunan ni Damon sa labas dahil parehas din kaming pagod. Siya sa trabaho, at ako naman sa eskuwela at sa ospital. Syempre, hindi rin nawawala ang mga maalab at mainit na gabing pinagsasaluhan naming dalawa. Unti-unti ay nasasanay na rin ako sa set-up naming dalawa, at aaminin ko na kung minsan ay hinahanap-hanap ko na rin ang init na binibigay niya.
Byernes na, at may usapan kami ni Damon na maghahapunan ulit sa labas kasama ang isang kaibigan niya dahil may pag-uusapan daw silang importante. Hindi ko naman alam na sa bar pala kami pupunta. Nakasuot pa ako ng school uniform ko, habang si Damon naman ay nakasuot din ng damit pang-opisina niya.
The bar isn't crowded, unlike those I've seen on pictures. There's a slow-rock band playing on the stage. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Makapal na usok, mga babaeng nakasuot ng maikli at malaswang damit na may kasamang lalaki, at sa harapan ng bar counter ay ang iilang tao na nakaharap sa kani-kanilang inumin. It seems like everyone inside the place is busy with their own s**t.
Damon guided me into a room inside the bar. Ang mga dingding nito ay gawa sa salamin, at bagaman hindi na masyadong naririnig ang ingay ng bar, kitang-kita naman ang nangyayari sa loob ng kwartong iyon. I realized it was a VIP Room. Mayroong mahabang couch sa gitna, at may glass center table kung saan nakapatong ang pagkain at inumin.
Umupo ako sa tabi ni Damon, at agad na umakbay ang kanyang kamay sa balikat ko. "D-Damon... Okay lang ba itong suot ko? Naka school uniform pa ako..." sambit ko. Hinalikan niya ang sentido ko. "Don't worry, we won't be long. I just need to talk to my friend." Tumango ako.
Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pintuan ng VIP Room at pumasok ang isang gwapong lalaki. He's wearing a gray T-Shirt, and a denim pants na tinernuhan niya ng puting sneakers. Ngumiti siya nang makita kami at agad na sumilip ang biloy sa kanyang kanang pisngi.
"Bro!" bati niya kay Damon. Bumaling siya sa akin at nagsalita, "You must be Cassandra. It's nice to finally meet you." Nilahad niya ang kanyang kamay, ngunit mabilis iyong tinapik ni Damon. Isang mapaglarong ngisi naman ang sumilay sa mukha ng kaibigan niya.
"Baby, this is Zach Lopez, my best friend. Zach, this is my Cassandra." Damon introduced us. Hindi nakatakas sa akin ang sinabi niya, na naging sanhi kung bakit lalong lumaki ang ngisi sa mukha ni Zach. "If you say so," anito.
Naguguluhan man ay hindi na ako nagsalita. Habang kumakain ako ay nagsimula naman silang mag-usap sa negosyo. Napag-alaman kong si Zach pala ang may-ari ng bar na ito, at nagpa-plano siyang mag-expand kaya kinakausap niya si Damon. Ang business naman ng pamilya nila Damon ay casino at chain of hotels. I just learned that they also have several resorts on different places in the country, and is into cargo and shipping. Nalulula ako habang nakikinig, dahil ngayon ko lang napagtanto kung gaano ka yaman sina Damon.
Zach was presenting a proposal to Damon. He's looking for an investor sa next branch ng bar niya na itatayo niya sa kabilang siyudad. Seryoso ang pag-uusap nila, at kitang-kita ang interes sa mga mata ni Damon. Marami siyang tinanong na nasagot naman ni Zach.
"Alright. I believe it's profitable. I like your proposal, bro. Just email me the contract, and we'll talk about the terms some other time," nakangiting saad ni Damon matapos ang kanilang pag-uusap.
"Nice, thank you for trusting, bro. By the way, it looks like your plan is working— Aw!" nawala ang ngisi sa mukha ni Zach, at narinig ko ang pagkalabog sa ilalim ng mesa. Nang lingunin ko si Damon ay masama ang tingin niya kay Zach, na para bang may nasabi itong mali. "Sorry, my bad." He apologized.
Nagtatanong ang mga mata na lumingon ako kay Damon, ngunit kinibit niya lang ang balikat niya. "Don't ask, baby," bulong niya sa tainga ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya niya iyong kagatin sa harapan mismo ni Zach!
Imbes na ma-offend, isang mahinang tawa ang kumawala kay Zach. Bumulong-bulong ito, ngunit hindi ko gaanong nasundan, "You're whipped."
It felt like they were talking in alien language. Kahit naririnig ko ay hindi ko rin maintindihan ang pinag-uusapan nilang dalawa. I guess, there are some things that only friends would understand. Iyong tininginan pa lang nila, nagkakaintindihan na agad sila. Inabala ko ang sarili ko sa panood ng mga babaeng nagsasayaw na sa dance floor. Unti-unti na ring lumakas ang tugtugan, at dumarami na rin ang mga tao. I then noticed that it's getting late, but I didn't have to worry because the next day is saturday. Wala naman akong pasok, at nagbabalak akong maglinis ng bahay bago bumisita kay Tatay sa ospital.
Patuloy si Damon at Zach sa pagkukwentuhan at pag-inom. I felt tired and a little bit sleepy, kaya sinandal ko muna ang ulo ko sa couch. The last thing I remembered was Damon planting a soft kiss on the top of my head.
Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito kahit na ang huling alaala ko ay nasa bar kami ni Damon. Nakasuot na rin ako ng isang oversized T-shirt. Sa tabi ko ay naroon si Damon, walang suot na pang-itaas at mahigpit na nakayakap sa akin. He's sleeping soundly.
Napangiti ako nang marinig ang mahihina niyang hilik. Hinaplos ko ang kanyang mukha.
Hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko, pero pakiramdam ko hindi lang kita gusto. I'm afraid I like you more than I'm allowed to. Alam kong klaro ang naging usapan natin, ngunit aaminin ko, hindi klaro ang nararamdaman ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nandito ka sa harap ko.
Matagal kong tinitigan ang mukha niya. It's dark, but my eyes have already adjusted to it. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha, ngunit hindi siya gumalaw. Siguro ay naparami ang inom niya kaya tulog na tulog siya.
The idea that he was sound asleep pushed me to do something naughty. Nagtalo ang isip at kalooban ko, ngunit sa huli, sinunod ko pa rin ang munting boses ng kapilyuhan na nag-uudyok sa aking gawin ang bagay na iyon. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ako nang malalim.
I moved my face closer to his, and before I knew it, I kissed his lips.