"Call me when your class ends, I will fetch you. Pupuntahan natin ang Tatay mo," bilin ni Damon nang ihinto niya ang kanyang sasakyan sa harap ng University kung saan ako nag-aaral.
Tumango ako sa kanya. "Thank you," bulong ko at saka ako naghandang lumabas, ngunit bago pa man ako makalabas, hinila niya ako palapit sa kanya at ginawaran ng masuyong halik sa mga labi.
"Take care. No boys allowed for you," he whispered playfully. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot.
Bago ko pa siya nakilala ay wala naman akong pakialam sa mga lalaki sa paligid ko. Hindi ko naman talaga kasi priority ang magkaroon ng nobyo. Ang nasa isip ko talaga ay makatapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap ko. Muli akong bumaling kay Damon at nagbilin, "Mag-iingat ka rin, Damon."
As I was walking along the corridor of our college's building, I couldn't help but to feel nervous. It's been a month.
The moment I stepped inside our classroom, my classmates turned their heads on me and flocked me.
"Kumusta ka na, Cassandra?" Si Mika.
"Narinig namin ang nangyari sa Tatay mo, okay na ba siya?" Tanong naman ni Rachelle.
Ngumiti ako sa kanila. "Ayos naman ako, kahit papaano ay lumalaban. Si Tatay naman ay nasa ospital pa rin, at hanggang ngayon ay hindi pa gumigising. Pero malaki ang tiwala namin ng gigising siya, lalo na at magaling ang doctor na tumitingin sa kanya."
"Isang buwan na rin... Hindi ka ba natatakot na baka hindi na siya magising? Paano ang mga bayarin ninyo sa ospital?" kuryosong tanong ni Mika. Marahil ay napapaisip din siya. Hindi naman kasi kaila sa mga kaklase ko mahirap lang kami.
Ngumiti ako sa kanila. "Sabihin na lang nating mabait ang Diyos. He sent someone to help us. Dahil sa kanya kaya, hanggang ngayon ay buhay pa si Tatay at patuloy na lumalaban. At dahil din sa kanya, nakakapag-aral pa ako ngayon. Mabuti na lang talaga at nakilala ko siya."
"Masaya kami para sa 'yo, Cassandra. Sayang din naman kung hihinto ka. Isang semester na lang, ga-graduate tayo," sambit ni Mika.
"Ako rin. Masaya rin ako dahil hindi ko na kailangan pang huminto kahit na nasa ospital si Tatay. Kung mayroon mang naidulot na maganda ang sitwasyong ito, lalo lang tumibay ang determinasyon ko na makapagtapos ng pag-aaral," seryoso kong sagot.
Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa mga pangyayari habang wala ako. Nagtanong din sila tungkol kay Damon, at nagkuwento rin ako. Maliban na lang sa kung bakit kami tinutulungan ni Damon. I'd like to think he's doing it because he's a good person. Kahit naman kasi may hiningi siyang kapalit sa akin, maganda rin naman ang pakitungo niya sa akin. Naniniwala ako na mabait si Damon, at likas din sa kanya ang tumulong sa kapwa na nangangailangan.
Tumigil lang kami sa pag-uusap nang pumasok na ang professor namin. Nang nagtama ang mga mata namin ay nginitian niya ako. "It's good to see you back, Ms. Mondreal."
Tumango ako sa professor ko. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang klase. Medyo nanibago ako dahil ngayon lang ulit ako nakadalo ng klase, at may mga pagkakataon na nakatulala lang ako. No'ng lunch time ay magkasama kami nina Rachelle at Mika sa cafeteria para kumain. Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog iyon. Napangiti ako nang mabasa ko ang mensahe ni Damon.
Damon:
Don't forget to eat your lunch.
I replied to his message and returned my phone inside my pocket. Hindi pa man nagtatagal ay muli iyong tumunog.
Damon:
I can't wait to see you. I miss you already.
I blushed. Kahit wala si Damon sa harapan ko ay kaya niya pa ring guluhin ang damdamin ko. It's these sweet little gestures and messages that somehow makes me hope. Alam kong hindi dapat ako umaasa na magbabago ang estado ng relasyon namin, pero hindi ko maiwasan. Lalo na sa tuwing nagiging sweet at maalaga siya. Inaamin ko, wala akong karanasan sa ganito. Si Damon pa lang ang unang lalaki na nagmulat sa akin sa kamunduhan, at hindi ko man aminin, pero nagugustuhan ko ito.
Bago pa man kami nagkaroon ng ganitong set-up ay nararamdaman ko nang nagugustuhan ko siya dahil sa kabaitan niya. Simula nang tinulungan niya kami nang walang pagdadalawang-isip, tumatak na agad sa akin na mabuti siyang tao. Kasi, sino ba naman ang tutulong sa taong hindi niya kilala, di ba?
"Uy, sino ba 'yang ka-text mo at wagas ka kung makangiti, Cassie?" mapanuksong tanong ni Mika.
"Wala. Kumain na lang tayo," sagot ko.
Kung ano man itong sa amin ni Damon, sasarilihin ko na lang muna. Kahit papaano, ayaw ko namang isipin niya na gustong-gusto ko siya, kahit pa nga alam kong malaki na ang paghanga ko sa kanya.
The day went by, and before I knew it, tapos na ang klase ko. I excitedly went out of our classroom. Damon promised me we'd visit Tatay today. Paglabas ko ng gate ay nakaabang na siya sa kotse niya. He was leaning against the hood of his car, wearing an aviator tear drop sun glasses with his hands on each sides of his pockets. Ang kanyang puting polo ay nakatupi ang manggas hanggang siko, habang ang unang tatlong butones nito ay nakabukas, pinapakita ang kanyang maskuladong dibdib.
His appearance is a sin to a woman's eyes. I saw how women eyed him, and for a moment, I wanted to cover him. I don't want anyone gawking at him. Ako lang dapat ang pwedeng makakita sa kanyang katawan. Just seeing his toned body was enough to make feel hot in between my legs. Pinilig ko ang ulo dahil sinasakop na ito ng makamundong pagnanasa.
Lumapit si Damon sa akin at sinalubong niya ako ng malutong na halik sa pisngi bago niya binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya sa driver's seat ay agad niya akong hinila at kinintalan ng halik sa labi. "I missed you," bulong niya.
"D-Damon... Kaninang umaga lang tayo huling nagkita." I stuttered.
"I don't care. A few hours of not seeing you feels like eternity, Cassandra." The way he spoke my name brought me chills. His voice was deep, and soothing. It was like something hypnotic that made my gaze drawn to him.
As he promised, Damon drove me to the hospital. Sabik kong binuksan ang pintuan sa kwarto ni Tatay. Ang ngiting gumuhit sa labi ko kani-kanina lang ay mabilis na napalitan ng lungkot nang makita ko si Tatay. Inikot ko ang paningin ko sa mga makinang nakakabit sa kanyang katawan. Kung pwede lang, ako na lang sana ang nariyan.
Lumapit ako sa kanya at hinawkan ang kanyang kamay. "Tay... Nandito po ulit ako. Araw-araw po kitang dadalawin, hanggang sa dumating ang araw na tuluyan ka na pong gigising. Tay, sobrang miss na miss na po kita. Alam kong nakikinig ka sa akin. Huwag ka pong mag-aalala, Tay, dahil hindi ko po pinapabayaan ang pag-aaral ko. Salamat sa isang tao na pinadala ng Diyos para tulungan tayo. Excited na po ako na makilala ninyo siya." Lumingon ako kay Damon.
Nginitian ko siya nang nagtama ang aming mga mata. "Tay... Naghihintay po ako sa pagbalik ninyo. Hindi po ako magsasawa na manalangin sa Diyos, na sana po ay gumising ka na. Ibang-iba po talaga kapag hindi kita kasama. Parang may malaking puwang sa buhay ko, na tanging ikaw lang ang magpupuno. Pasensya ka na po pala, Tay, kung ngayon lang ako pumunta. Bumalik na po kasi ako sa eskuwelahan kaya tuwing hapon na lang kita dadalawin. Pero hindi ibig sabihin no'n, hindi na kita mahal kaya 'wag kang magtampo, Tay, ha?" Tumulo ang luha ko. Hindi pa rin ako nasasanay kahit na medyo matagal-tagal na rin siyang nakaratay at natutulog.
"Alam kong gigising ka rin, Tay. At gusto ko, na kapag nangyari 'yon ay nandito ako. Gusto kong makita ka na ulit na nakangiti, gusto ko ulit na marinig ang boses mo, at higit sa lahat, gusto kong madama ulit ang init ng yakap mo, Tay. Kaya please... Kung naririnig mo man ako ngayon, gumising ka na po, Tay..." Pinikit ko ang mga mata ko at nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga. Ayaw kong maging malungkot, pero sa tuwing dadalaw ako at nakikita ko ang walang malay na katawan ni Tatay, parang tinutusok ng libu-libong karayom ang dibdib ko.
Pumasok si Dr. Garcia at nag-update tungkol sa kalagayan ni Tatay. Nagpapasalamat pa rin ako dahil patuloy siyang lumalaban. Maganda ang response ng katawan niya sa mga gamot, at hinihintay na lang namin ang paggising niya. At kahit gaano pa man iyon ka tagal, hindi ako magsasawang maghintay.
"Maraming salamat, Doc," sambit ko. Ngumiti lang si Dr. Garcia sa akin. "Walang ano man, Ms. Mondreal. It would be my pleasure if my patient would recover soon. It's what makes this job fulfilling. Kaya kaisa mo ako sa paghiling na gigising din ang ama mo." Ngumiti siya sa akin.
Nagtagal pa kami roon ni Damon ng ilang minuto. Nakaupo lang siya sa couch at tahimik akong pinagmamasdan. Hindi siya nagrereklamo, o nagamamadali man lang na umalis. And I really appreciate it. I appreciate how he gives me the time and space I need with Tatay. It was already seven in the evening when we decided to leave.
Damon was tapping the steering wheel and humming a song while driving. Nalibang ako sa katitingin ng makukulay na ilaw sa mga poste, kaya huli nang natanto kong hindi ito ang daan papunta sa bahay niya. "Saan tayo pupunta, Damon?" Hindi ko napigilang itanong.
He smiled at me. "We're just going to eat dinner. You deserve it. After this long, and tiring day, you deserve a little treat." I felt my heart skip a beat.
He then parked the car in front of a fine dining restaurant. Nauna siyang bumaba para alalayan ako. Hinawakan niya ang siko ko at giniya ako papasok sa loob ng restaurant.
The restaurant was full of elegant and classy people. The way they dressed spoke of how rich they were. Nakaramdam ako ng panliliit. It felt like I didn't belong in this place, like I was a speck of dust that ruined the beauty of these shiny things.
Bago pa man ako makapagsalita, agad akong hinila ni Damon patungo sa isang pribadong silid. He stared at me, like he knew what I was thinking exactly. "Stop thinking that you don't belong in this place. Walang batas na nagsasabing hindi pwedeng kumain ang mahirap na tao sa mamahaling restaurant na katulad nito."
And just then, he smiled at me again. It was his smile that finally took me away from my reality, his smile that made me enjoy this magical moment with him. And somewhere, at the depth of my mind, I wished I were in a fairy tale.