Nakatulala ako sa malawak na karagatan habang tumutulo ang mga luha ko at hanggang ngayon hindi ko parin matatanggap ang nangyari sa buhay ko. Parang kahapon lang ang lahat na ng nangyari na hanggang ngayon sariwa parin sa puso ko ang mga pangyayaring iyon.
Bata palang ako tumatak na sa utak ko ang mga malalagim na nangyari sa buhay ko. Nabuhay ako sa masayang pamilya at sa isang iglap bigla itong binawi sa akin ng sunod-sunod. Ng mamatay si Lola kasama si Papa ilang araw ang nagdaan at pumanaw din si Mama dahil sa sobrang lungkot at sakit na nararamdaman nito nagpakamatay si Mama.
Namatay si Papa at Lola sa isang aksidente at naiwan akung mag-isa sa buhay na hindi alam kung anong gagawin ko. Dinala ako ng mga kapatid ni Mama at pinag-aral pero nandito parin sa puso ko ang sakit ng pagkawala nila. Hindi ko nga alam kung paano ko nakaya ang lahat ng sakit na iyon na halos hindi na ako makabangon at palagi nalang akung umiiyak pero natuto akung lumaban kahit alam kung mahirap.
Nabuhay ako sa mga kwento na masaya ang huli at happy ending ito pero ang totoo pala ang buhay ay punong-puno ng pasakit at ikaw mismo ang gumagawa ng magiging buhay mo. Nakasalalay sayo ang kapakanan mo at magiging buhay mo. Nabuhay ako sa fairytale at mga kwento ni Lola kaya hanggang ngayon dala-dala ko parin ang ugali na iyon.
Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ko na narating ko ang kinatatayuan ko ngayon matapos ng lahat ng pasakit na naranasan ko. Kahit ganon na ang nangyari sa akin naniniwala parin ako sa salitang happy ending at naniniwala ako na ang bawat tao ay may roong magandang ending.
I am Kleyton Zantella at isa akung tour guide. Hindi ko na alam kung ilang bansa ang nilibot ko dahil sa trabaho na meron ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako naging tour guide pero dito na ako dinala ng tadhana ko. Sa ngayon may sarili na akung apartment at doon ako nakatira habang tumutulong pa naman ako sa mga pamilya ni Mama na nagpalaki sa akin pero ng marunong na akung mabuhay sa sariling paa ko bumukod na ako sa kanila. Ako nalang mismo ang nagpatapos ng sarili ko sa college.
Sa ngayon sa edad na labing pito wala pa akung plano na magkaroon ng sariling pamilya. Hindi ko alam pero may kung ano sa puso ko na pumipigil sa akin na hanggang ngayon parang may kulang sa akin na kahit kanino hindi ko makikita at parang may hinihintay ang puso ko na matagal ko ng gustong makita at makasama na hindi ko alam kung ano o sino. Parang isang bagay na nagbibigay buhay sa akin, kahit sabihin pa nating buhay ako ngayon pero pakiramdam ko may kulang sa buhay ko at hindi ko pa alam kung ano ito.
"Ayos ka lang?" bigla akung napatingin kay Ivan isa sa mga kaibigan ko ng lumapit ito sa akin. Mapait akung napangiti at pinahid ang luhang kumawala sa mga mata ko habang malayang nakatingin sa malawak na karagatan. "Iniisip mo na naman ang buhay na pinang-galingan mo," si Ivan ay matalik kung kaibigan at naging sandalan ko sa kahit anong oras, hindi niya ako iniwan at nanatiling nasa tabi ko kahit na ano man mangyari. Hindi niya ako iniwan sa oras ng kagipitan o kasakit. Galing si Ivan sa mayaman na pamilya at hindi ko alam kung bakit sinunod nito ang kurso ko na may kompanya naman ang Daddy nito. close nga ako sa pamilya niya at parang anak narin ang turing nila sa akin.
"Nakatatak nasa puso ko ang buhay na pinang-galingan ko Ivan, kahit ano pa ang gawin ko nakaukit na ito sa buong pagkatao ko at hindi ko alam kung mawawala paba ito, tanggap ko naman na dala-dala ko ito hanggang sa huli at kahit masakit ayaw ko itong kalimutan dahil nandoon ang masasayang alaala namin ng pamilya ko," sagot ko sa kanya at kaagad na ngumiti ng matamis. Nasasaktan ako sa tuwing inisip ko na maaga akung iniwan ng pamilya ko pero kailangan kung tanggapin dahil alam kung pagsubok lang ito sa buhay ko. Alam ko naman na kahit wala na ang pamilya ko nandito lang sila para bantayan ako sa ano mang desisyon ang gawin ko.
"Nandito naman ako para tulungan ka at alagaan ka kaya huwag ka ng malungkot," malambing na saad sa akin ni Ivan at inakbayan ako at sabay kaming nanuod ng magandang karagatan. "Ito na ang huling araw natin dito sa Italy kaya ngumiti kana dahil bukas babalik na tayo sa Pilipinas," nandito pala kami sa Italy dahil sa project namin dito at bukas uuwi na kami sa Pilipinas, ito na ang pang-anim na buwan namin dito at ang next project namin ay nasa Pilipinas na.
"Nakangiti naman ako," sita ko kay Ivan at kinuha ang kamay niya na nakaakbay sa akin. Kahit sino ang makakakita sa amin aakalain nila na magkasintahan kami ni Ivan dahil sa sobrang close kami sa isat-isa. Simula bata kami magkasama na kami ni Ivan kaya talagang close kaming dalawa. "Kahit masakit ang alaala na iniwan sa akin ng pamilya ko hinding-hindi ko ito kakalimutan dahil kahit masakit iyon nandoon parin ang alaala ng pagmamahal nila sa akin, kung maaga man silang nawala sa akin tanggap ko iyon at alam kung babantayan nila ako, magiging proud pa sila sa akin dahil naging matatag ako kahit wala na sila," Nakangiting saad ko kay Ivan at sumenyas sa kanya na aalis na kami. Kaagad ako nitong inakbayan at sabay kaming bumalik sa kotse ng makaalis na kami, baka ma late pa kaming dalawa sa flight namin.
Anong buhay kaya ang madadatnan ko sa Pilipinas kapag umuwi ako? Handa na akung harapin ulit ang sakit na nararamdaman ko pero malaki na ang ipinagbago ko, tanggap ko na ito ngayon at masaya na ako sa buhay ko. Kung nasaan man si Lola at Mama ngayon alam kung masaya na sila.
Bago ako pumasok sa kotse ni Ivan muli akung tumingin sa katagatan at matamis na ngumiti, sana sa pagbalik ko dito hindi lang ako masaya kundi masayang-masaya.