"Sige na po, Manang.. Kahit taga-hugas lang po ng plato," pagmamakaawa ni Alyana sa isang may-ari ng isang karenderya. Kailangang-kailangan kasi niya ng trabaho at desperado na talaga siyang makakuha.
"Kahit po ano. Basta po marangal na trabaho," pagpapatuloy niyang pagmamakaawa dahil kailangan niya ng pera dahil malapit na muli ang pasukan. Nasa college na siya at kumukuha ng isang kursong naaangkop sa kanya, hilig niya at ito ay ang pagluluto.
"Pasensya kana, hija. Pero wala kasing bakanteng trabaho dito, eh. Maghanap kana lang sa iba.." Napatungo na lang siya sa sagot ng ale. Dahan-dahan na siyang umalis at naglakad ng wala sa sarili.
Halos isang linggo na siyang naghahanap ng trabaho but unfortunately hindi siya makahanap. Bukod sa puno na lagi at walang available ay illegal pa ang minsang iniaalok sa kanya katulad ng pagbebenta ng katawan. Dahil sa pinagkalooban siya ng magandang katawan at magandang pagmumukha pero hindi niya lang inilalabas ang kanyang real beauty dahil sa ayaw niya ng atensyon lalo na sa mga lalaki.
Naglalagay na lang siya ng makapal na salamin sa mata at nagsusuot na lang din siya ng mga baduy na damit. Isa na rin 'yong dahilan kung bakit hindi siya matanggap-tanggap sa trabaho.
Wala rin naman siyang maasahan sa mga magulang dahil nasa probinsya ang mga ito at siya rin ang nagpapadala ng pera sa mga ito. Pero hindi naman siya pinipilit ng mga itong magpadala at kaya pa daw naman nila ang sarili at napapag-aral pa ng mga ito ang kanyang bunsong kapatid na lalaki.
Dalawa lang silang magkapatid at siya ang panganay. Dahil sa sobrang hirap ng buhay sa probinsya kaya nang makapagtapos ng high school ay pinili niyang makipag-sapalaran sa ibang lugar kaya siya napadpad sa Manila at doon nagpatuloy ng pag-aaral. Nasa ika-apat na taon na siya ng kolehiyo ngayong taon at isang taon na lang ang titiisin niya para makapagtapos.
"Ang malas ko naman yata ngayon. Papano na ako ngayon last year ko na nga sa kolehiyo hindi pa pagbigyan. Lord, help me please.." naluluha at parang baliw na saad niya at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa may mabunggo siyang isang ginang..
"Sorry po, ma'am. Hindi ko po sinasadya.. Pasensya na po talaga, " hinging paumanhin niya dito kahit na hindi pa niya tinitingnan ang mukha ng ginang.
" It's okay, hija.. Alam ko namang hindi mo sinasadya at parang wala ka sa iyong sarili, ah. May problema ka ba? " malumanay na tugon ng ginang
Pagtingin niya sa mukha ng ginang ay napanganga na lang siya sa ayos nito. Halatang mayaman dahil sa suot nito at magandang pananayo at ayos nito. Nakapustura ang sabi nga..
"Sorry po talaga, medyo may iniisip lang po ako ngayon. Hindi ko po kasi alam kung saan pa ako maghahanap ng trabaho. Malapit na po kasi ang pasukan kaya po malaki ang problema ko ngayon, " mahabang paliwanag niya sa ginang.
"Ah ganun ba, hija? I think matutulungan kita. This is my calling card and my address, puntahan mo 'yan at sahihin mo pinapupunta kita. And'yan na rin ang pangalan ko. I'm sorry but I have to go, hija. Mag-iingat ka," nakangiting wika sa kanya ng ginang bago ito umalis at sumakay sa mamahaling sasakyan
Laking panghihinayang niya dahil hindi man lang siya nakapagpasalamat sa ginang.
"Next time na lang ako magpapasalamat sa kanya.." bulong niya.
May ngiti sa labing bumalik na siya sa inuupahang kwarto at excited na siyang lumipas ang maghapon nang makapunta na agad sa bahay ng butihing ginang.
Kinabukasan...
"Hello po, manong guard!" nakangiting bati niya sa gwardya ng isang mansyon.
"Hello din po, ma'am. Ano pong sad'ya niyo?" ganting bati naman ng gwardya.
"Pinapupunta po ako dito ni Mrs. Valiente. Ako po 'yong nag-aapply na kasambahay," paliwanag niya.
"Kayo po ba 'yon, ma'am? Pasok na po kayo, naghihintay na po si madam sa loob."
"Salamat po, manong guard."
Pumasok na siya sa loob at napanganga na lang siya dahil sa ganda ng paligid. Napakagandang hardin ang sumalubong sa kanya at medyo may kahabaang pathway ang kanyang lalakadin para marating pa ang mansyon.
"Wow! Ang lawak naman ng garden dito, napakafresh pa.. " manghang puri nya sa nakikita.
Sinimulan na niyang lakadin ang medyo may kahabaang pathway hanggang sa marating na niya ang harap ng mansyon.
"Hello po, manang, " bati niya sa naglilinis ng swimming pool. Isang napakalaking swimming pool..
"Oh, hija.. Ikaw ba 'yong hinihintay ni Mrs. Valiente? Pasok ka sa loob, " nakangiting wika ng matanda sa kanya bago siya iginiya papasok.
"Ako nga po 'yon, manang." sabay sunod sa matanda papasok sa loob ng mansion.
"Ma'am, andito na po ang hinihintay niyo."
"Oh, hija, I'm glad na pumunta ka. Take a seat," nakangiting wika ng ginang.
"Salamat po," nahihiyang sagot niya.
"Kailan ka pwedeng magsimula, hija?" panimula ng ginang.
"Kung kailan niyo po gusto, ma'am," magalang na sagot niya.
"Ganun ba. Bukas pwede ka nang magsimula. Total naman hindi pa nagsisimula ang pasukan kaya dito ka muna sa bahay at sa anak nga pala kita naka-assign. Pagpasensyahan mo na lang ang ugali niya at medyo masungit 'yon kaya walang tumagal sa kanyang katulong," wika ng ginang kaya't kinabahan siya. Oh my.. Masungit pala ang aalagaan niya.
"Ayos lang po, ma'am. Kaya ko po 'yon. Pero napasok din po kasi ako, maam. Pwede po ba—"
"Tamang-tama, hija. Napasok din ang anak ko. Ii-scholar na lang kita sa pinapasukan ng anak ko para kasama ka rin niya at para mabantayan mo siya kahit sa school," pagpapatuloy ng ginang na ikinalaki ng kanyang mata.
"Salamat po, ma'am. Marami pong salamat. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob," naluluhang wika niya sa ginang sa taglay nitong kabaitan.
"Oh sige, hija. Maayos na ang usapan natin, huh. Dito ka na rin mamamalagi, kunin mo na lang ang iba mong gamit sa tinitirhan mo at dalhin mo dito. Fifty thousand every month ang sweldo mo dahil sa anak kita naka-assign," halos manlaki ang mata niya sa narinig na magiging sweldo niya. Scholarship plus fifty thousand? Oh god!
"Naku, ma'am. Masyado naman pong malaki ang sweldo ko. Ibawas niyo na lang po 'yong magagastos ko sa school," nahihiyang sambit niya.
"Ikaw ang bahala basta itatabi ko ang iba mong sweldo at magsabi ka lang kung mangangailangan ka ng pera."
"Sige po, ma'am. Marami pong salamat." Lumabas na siya sa mansyon at masayang naglakad palabas hanggang sa makarating siya sa kanyang tinutuluyan. Inihanda niya lahat ng gamit niyang dadalhin bukas sa mansyon kung saan siya pinalad na magkaroon ng trabaho.