Tahimik akong bumalik sa dining table bitbit ang chuckie at isang biscuit na nakuha ko sa paghahalungkat sa kitchen cabinet. Mamaya pa naman siguro gigising si Ethan, magpapa-deliver na lang ako ng pagkain. Maingat akong umupo dahil masakit pa rin ang baba ko. Nakakailang kagat pa lang ako sa biscuit na hawak nang may kumatok sa pinto. Dali-dali kong binuksan ito na bitbit pa rin ang pagkain. “Baks, kanina pa ko naghihintay ng chat mo. 'Di ba magkikita tayo?” nakasimangot na salubong ni Noemi pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Napangiwi ako. “Noems, sorry nakalimutan ko.” Iniharang ko ang katawan para hindi siya makapasok. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Bakit mukang kagigising mo lang pero muka kang pagod?” nakakunot ang noong tanong nito. “Ha?... Ano ka ba? Kung ano-ano an