Nagwawalis ako sa terrace nang dumaan si Ate Aubrey. “Ate Bey!” sigaw ko rito. Lumingon ito at lumapit sa akin. “Mon, umuwi ka pala. Ang tagal mo hindi umuwi ah. Busy-ing busy ba kay Ethan?” biro nito. Isinandal ko sa wall ang walis na hawak ko. “Hindi naman. Pumapasok din kase ako minsan kapag Saturday. Sa'n ka pupunta?” tanong ko nang mapansin na nakapanglakad ito. Itinaas nito ang isang kamay at iwinagayway ang mga daliri. Kumunot ang noo ko at tinitigan ang kamay niya. Saka ko lang napansin ang singsing sa daliri nito na may kumikinang na maliit na bato sa ibabaw. I widened my eyes and covered my mouth. “Wow, congrats! So, totoo talaga na nag-proposed na sa'yo si Kuya Bobby? Akala ko niloloko lang ako nun nang huli kaming mag-usap.” “Yup, uuwi siya next month para mamamanhikan. F