Four years later… -- “Lola!” Humahangos na takbo si Blake kay Tita Suzette paglabas pa lang nito sa arrival ng airport. “Blake, careful. Baka madapa ka!" sigaw ko at patakbo ko siyang sinundan at hinawakan sa kamay. Malalaki ang hakbang na sinalubong ni Tita Suzette si Blake. Yumuko ito at binuhat ang anak ko pagkatapos ay pinaghahalikan ito sa pisngi. “Oh, I miss you so much my little boy. Did you miss your Lola, too?” “Yes po, miss you Lola. Ang tagal mo umuwi.” Nakayakap ang isang braso nito sa leeg ng nakalakihan niyang Lola. Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang mga ito. Kung hindi mo sila kilala ay mapagkakamalan mo na totoong magkadugo ang dalawa. At hindi ko akalain na ang isang mayaman at magaling na negosyante na si Tita Suzette Villafuerte ay mapapalapit at aariing p