Trespassing

1577 Words
College Days... "Lisa, pwede mo ba akong ihatid sa amin? baka kasi pagalitan na naman ako ni Daddy. Alam mo naman yun, sobrang paranoid kapag ginagabi ako ng uwi." paki usap ni Lynnette sa kaibigan niyang si Lisa. Classmates sila ni Lisa, magmula pa Elementary sila, hanggang nag High School sila at ngayong Collage ay magka klase parin silang dalawa. Pareho silang kumukuha ng Law, dahil na rin sa kagustuhan ng kani-kanilang mga magulang. Galing sa angkan ng mga Abogado si Lynnette. Samantalang si Lisa naman ay anak ng Judge sa kanilang lugar. "Sige na nga, pero hanggang sa Gate lang ninyo ako, ha! Baka makita pa ako ng Daddy mo at pati ako ay madamay sa galit niya sayo. Ewan ko ba naman sa Daddy mo, bakit wala siyang tiwala sayo? Lagi kana lang pinagbibintangan ng kung anu-ano." sagot ni Lisa sa kaibigan. Magkasama silang naglalakad patungo sa kotse ng isa pa nilang kababata na si Patrick. Sa iisang Village sila nakatira kaya madalas ay sinasabay na sila ni Patrick sa pagpasok at pag-uwi. Pagdating nila sa Village ay hinatid pa si Lynnette ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi naman kalayuan ang bahay nina Lynnette, dahil nasa kabilang kanto lamang ito, mula sa street nina Lisa at Patrick. Hapon na rin noon at medyo madilim na sa paligid. Tanging liwanag na lamang ng mga ilaw sa mga poste ang nagsisilbing liwanag sa kapaligiran. Masayang nag-uusap sina Lynnette at Lisa, habang naglalakad patungo sa bahay nina Lynnette. Hanggang sa makarating sila sa may Gate. Hindi na rin tumuloy sa loob si Lisa, dahil sa takot nito sa ama ni Lynnette. Naka abang naman sa may Gate ang ina ni Lynnette, kaya ito na lang ang binati ni Lisa, saka nagpaalam na uuwi na. Wala naman naging problema sa Mommy ni Lynnette. Masaya din niyang sinalubong ang magkaibigan na dumating at nagpasalamat pa ang Ginang kay Lisa. "Ginabi kana naman, siguradong pagagalitan kana naman ng Daddy mo." pabulong na wika ni Gloria sa kanyang anak. "May tinapos pa kasi kami sa University Mommy, kaya ako ginabi. Buti nga at hinintay kami ni Kuya Patrick, kaya nakisakay na naman kami ni Lisa sa kotse niya." sagot ni Lynnette sa ina. "Hala, pasok na sa loob ng bahay! Kanina kapa hinihintay ng Daddy mo. Baka pagalitan kana naman nun." wika ng Ginang, saka niya hinila ang kamay ni Lynnette, patungo sa loob ng kanilang bahay. Pag pasok ng mag-inang Lynnette at Gloria ay naka salubong naman nila ang ama ni Lynnette. Kabababa lamang nito ng hagdan at balak sana niyang magtungo sa kanyang Library. Napahinto ang ama ni Lynnette at seryosong tumingin ito sa dalaga. "Bakit ngayon ka lang?! Oras pa ba 'to ng uwi ng isang matinong babae?!" pasigaw na tanong ng lalaki sa kanyang anak. "Sorry Daddy, may tinapos po kasi kami sa University kanina, kaya po gabi na ako naka uwi." agad naman na sagot ni Lynnette sa ama. Napaka lakas din ng kaba sa kanyang dibdib, dahil sa matinding takot. "Lagi na lang yan ang katwiran mo! Ito ang tatandaan mo Lynnette! Oras na malaman kong nakikipag Date ka, kaya ka ginagabi ay hindi ako magdadalawang isip na ikulong ka sa kuwarto mo! Maliwanag?!" wika ng lalaki, habang nakaturo ang kanyang daliri sa mukha ng kanyang anak. "Yes Daddy." malumanay na sagot ni Lynnette sa kanyang ama, hindi rin siya maka tingin ng deretso sa ama, dahil sa matinding takot niya dito. Kahit na nagpupuyos na sa galit ang puso ni Lynnette, ay hindi parin niya kayang sagutin ang kanyang ama. Malaki parin ang respeto niya dito at mahal na mahal din niya ito kahit napaka higpit nito sa kanya. Nag paalam na lang si Lynnette sa kanyang ama na magbibihis, upang maka iwas na siya sa mga pagtatanong ng ama. Dahil pakiramdam ni Lynnette ay para siyang inuusig sa hukoman sa salang hindi naman niya ginawa. Pag pasok ni Lynnette sa kanyang kuwarto ay agad niyang isinara ang kanyang kuwarto, saka siya mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Doon siya umiyak at inilabas ang lahat ng kanyang sama ng loob sa kanyang ama. Nang mahimasmasan na siya ay saka pa lamang siya naligo at nagbihis ng pambahay. Muli din siyang bumaba upang maka kain ng hapunan. Mag isang kumain si Lynnette, dahil laging nauuna na kumain ang kanyang mga magulang. Hindi nila naka ugalian na hintayin ang bawat isa, bago sila kakain. Kung sino ang naunang dumating ay siyang mauunang kumain. Tatatlo na lamang sila ng kanyang mga magulang na nakatira sa kanilang napaka laking Bahay. May mga sariling bahay na kasi ang kanyang mga nakakatandang kapatid na sina kuya Renz at Ate Mayette. Bunso si Lynnette, kaya siya na lamang ang wala pang asawa. Garduating na rin siya sa kanyang Law Course at ilang buwan na lang ay magiging ganap na siyang Abogado. Nang matapos siyang kumain ay muli na naman siyang umakyat sa itaas ng bahay at nagtungo sa kanyang kuwarto. Nagbasa na lamang siya ng kanyang mga Books, upang maka review siya para sa nalalapit nilang Board Exam. Hanggang sa magulat na lang si Lynnette, dahil sa biglang pagbukas ng bintana ng kanyang kuwarto, kaya napatayo siya'ng bigla sa kanyang kinauupuan, dahil sa matinding pagkagulat. Kitang-kita rin niya kung paano mabilis na nakapasok ang tao, mula sa kanyang bintana. Nagtataka rin siya kung paano ito naka akyat doon, dahil napaka taas ng kanilang bahay. "Henry! Anong ginagawa mo dito?!" pabulong na tanong ni Lynnette sa lalaki na bigla na lamang pumasok sa kanyang kuwarto. Hindi rin siya maaring magsalita ng malakas, dahil nag-aalala siya na baka marinig siya ng kanyang mga magulang. Si Henry ay kanyang kasintahan, ngunit lihim lamang ang kanilang relasyon, dahil napaka higpit ng mga magulang ni Lynnette. Kabilin-bilinan ng kanyang ama na bawal siyang makipag Boyfriend, hangga't hindi siya nakakatapis ng kanyang pag-aaral at lagi din sinasabi sa kanya ng kanyang ama na bawal siyang makipag mabutihan sa hindi Abogado. Dahil ang Tradition ng kanilang Pamilya ay kailangan mag-asawa lamang sila ng kapwa nila Abogado rin. Ngunit hindi sinunod ni Lynnette ang bilin ng kanyang ama, dahil ang tanging gusto niya ay ang kanyang kababata at kapitbahay na si Henry Alonzo. May isang bahay lang ang kanilang pagitan, kaya madali para kay Henry ang puntahan siya sa kanilang bahay. "Dinadalaw ka, Mahal. Bakit ayaw mo ba akong makita?!" pabulong din na sagot ni Henry, saka ito mabilis na yumakap sa kanyang katawan at ginawaran din siya ng maalab na halik sa labi. "Paano ka naka pasok sa gate? At paano mo naakyat itong bintana ng kuwarto ko? Napaka taas na nito, para akyatin. Baka mamaya mahulog ka sa baba at mapilayan. Mahuli kapa ni Daddy at Mommy, Naku naman!..." nagtatakang tanong ni Lynnette kay Henry. Natatakot din siya sa maaring mangyari sa kanyang kasintahan kung sakaling magkamali ito sa ginawa niyang pag-akyat. "Wala naman nangyari sa akin, tingnan mo nga ako oh, walang kagalos-galos na nakarating dito sa kuwarto mo." sagot sa kanya ni Henry na may kasamang pagmamalaki dahil sa matagumpay niyang pag trespassing sa bahay nila Lynnette. "Pasaway ka talaga! Paano pala kung may nakakita sayo? Halla! Baka makita ka ni Daddy sa CCTV, lagi pa naman yun naka tingin sa kuha ng mga CCTV namin." biglang natakot si Lynnette, dahil sa naalala. Siguradong patay siya sa kanyang ama, kapag nakita nito si Henry na pumasok sa kanilang bakuran at umakyat pa sa kanyang kuwarto. "Don't worry Mahal, dahil nagawan ko na ng paraan ang mga CCTV ninyo. Hindi ako makikita ng tatay mo na pumasok sa Garden ninyo at umakyat dito." nakangising sagot ni Henry sa kasintahan. "Anong paraan ang ginawa mo?" nagtatakang tanong ni Lynnette sa kasintahan, hanggang sa biglang manlaki ang mga mata ng dalaga, dahil sa kanyang naalala. "Hinacked mo ang mga CCTV namin ano?" bulalas ni Lynnette, saka tinakpan ang kanyang bibig, upang hindi lumabas ang kanyang malakas na boses. Parang gusto rin niyang sigawan ng malakas ang kasintahan, ngunit hindi naman niya iyon pweding gawin dahil natitiyak niyang maririnig siya ng kanyang mga magulang. "Ngayon lang Mahal, ibabalik ko rin mamaya 'pag uwi ko sa bahay." nakangising sagot ni Henry, saka muling hinalikan ang labi ng dalaga. "Flowers for my beautiful girlfriend!" sabi pa niya, saka kinuha ang bulaklak na naka sukbit sa kanyang likod. "Orchids! Halla ka Mahal, kinuha mo ito sa tanim ni Mommy ano?!" nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong ni Lynnette na tanong sa kasintahan. Kilala niya ang mga bulaklak ng mga tanim ng kanyang ina, kaya hindi siya maaring magkamali. Sa kanilang Garden galing ang dalawang tangkay na bulaklak ng Orchids. "Oo, nakita ko kasi kanina pagdaan ko, kaya pinitas ko na lang para ibigay sayo." sagot ni Henry. "Naku Mahal, siguradong magdadadakdak na naman si Mommy bukas, kapag nakita niyang nawawala ang kanyang mga bulaklak. Lagot tayo nito, saan ko kaya ito itatago na walang makakakita?" wika ni Lynnette, saka naghalungkat ng pwede niyang malagyan sa bulaklak. "Mamaya mo na itago yan Mahal, mag quicky muna tayo para maka uwi na ako." wika ni Henry, saka hinila si Lynnette sa kanyang kama. "Hoy! Mahiya ka naman! Yun lang ba ang ipinunta mo dito? Pwede naman tayo mag Hotel bukas, huwag dito! Baka marinig tayo nina Mommy at Daddy. Sagot ni Lynnette, saka tinulak ang kasintahan. "Sandali lang ito Mahal, five minutes lang!." hirit pa ni Henry, saka siya lumapit sa pinto ng kuwarto ni Lynnette at sinigurado na naka locked ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD