Security System

2002 Words
Halos gabi-gabi ang ginagawang pag-akyat ni Henry sa kuwarto ni Lynnette. Nasanay na rin si Lynnette, sa ginagawa nila ng kasintahan at hinihintay na rin niya ang binata gabi-gabi sa pagdating nito. Gabi-gabi rin natatakot si Mang Bentong, dahil sa kanyang mga naririnig na yapak at ungol na parang umiiyak. Alam ng matanda na mayroong kababalaghang nangyayari sa kanyang paligid. Yari lamang sa light materials ang kanyang kuwarto sa likod ng Mansion, kaya dinig niya ang bawat kaluskos sa paligid. Halos hindi na rin siya nakakatulog dahil sa malakas na ungol na yun na parang nahihirapan at minsan ay talagang sumisigaw pa ito. Kaya isang bagay ang nabuo sa isip ng lalaki. Kailangan na niyang umalis sa kanyang trabaho at magpaka layo. Ngunit kahit anong gawin niyang paglayo ay lagi parin siyang sinusundan ng mga aswang at tiktik. Ngayon ay may kasama na ring kapre ang mga ito. Baka bukas makalawa ay meron na rin duwende sa paligid. Katabi rin ng matanda ang isang bottle na asin at mga bawang. Pati ang pala at piko na ginagamit niya sa garden ay nasa ilalim na rin ng kanyang higaan. Kina umagahan ay kina usap ni Mang Bentong ang kanyang mga amo na sina Atty. Fuentes, upang mag paalam na sa kanyang trabaho. Balak niyang pumunta na lang sa isa niyang kakilala sa Batangas at doon na lang siya maghanap ng kanyang bagong trabaho. "Mang Bentong, baka naman po ibon lang ang naririnig ninyo. Paanong magkakaroon ng aswang dito sa bakuran ng bahay ko?!" wika ni Atty. Fuentes. Hinilot din niya ang kanyang ulo dahil bigla na lamang siyang sinakitan ng ulo, dahil sa kanilang Hardenero na mahilig maniwala sa mga maligno. "Atty. Totoo po ang sinasabi ko. Narinig ko talaga na boses ng aswang. Hindi ako pweding magkamali, nasa bubungan po ng bahay ninyo ang aswang. Parang dyan siya nakatira. At yung kapre naman ay sa puno ng mangga nakatira." sabi pa ni Mang Bentong, bakas din sa mukha ng lalaki ang matinding takot. "Mang Bentong, kung ipapatanggal ko ba ang puno ng mangga sa harden ay hindi kana aalis?" tanong ni Atty. Fuentes sa lalaki. Nanghinayang din kasi siya sa serbisyo ng lalaki, dahil napaka sipag nito at matagal na rin itong naninilbihan sa kanila. "Sige po Atty. Basta ipatanggal ninyo ang puno at palagyan ng ilaw sa likod, dahil doon dumadaan ang kapre." sabi ni Mang Bentong. "Oh, siya! Sige, ipapatanggal ko ang puno. Tutal ay hindi naman nakakain lahat ang bunga niyan at naglalaglagan lang sa bakuran." wika ni Atty. Fuentes. Nagpapa-alam na kasi si Mang Bentong, dahil sa takot niya sa huni daw ng aswang gabi-gabi na kanyang naririnig. Naniniwala kasi si Mang Bentong sa aswang, dahil simula pagkabata niya ay laging aswang ang bukambibig ng kanyang mga magulang at hanggang sa lumaki na siya at nagka-isip ay aswang parin ang number one na kinakatakutan ng mga tao sa lugar nila. "Attorney, pwede po ba ninyo akong pabilhan ng maraming asin at bawang? Samahan na rin po ninyo ng bagong itak o gulok para may panguntra ako sa aswang at kapre." wika ni Mang Bentong, kaya napa buntong hininga na naman si Atty. Fuentes. "Sige Mang Bentong, magpapabili ako kay Naty. Pero yung itak at gulok na sinasabi mo, ikaw na lang ang bumili. Bibigyan na lang kita ng pambili mo." sagot ni Atty. Fuentes, saka naglabas ng pera sa kanyang wallet at ibinigay sa hardenero. Agad naman na tinanggap ng lalaki ang pera at nagpaalam na ito na lalabas, upang bumili ng kanyang itak. Agad din na tinawagan ni Atty. Fuentes ang kakilala niyang nagpuputol ng kahoy, upang ipatanggal ang malaking puno ng mangga sa kanyang bakuran. Agad naman na dumating ang mga magpuputol, kaya agad na sinimulan na putulin ang mga sanga nito, saka ibinuwal ang malaking puno. Mabilis din nilang nilinis at inayos ang bakuran, upang maganda itong tingnan. KINAGABIHAN ay nagulat si Henry, dahil wala na ang puno ng mangga na kanyang inaakyatan, patungo sa bintana ng kuwarto ni Lynnette. Hindi rin siya maka lapit sa bakuran dahil maliwanag na ang buong paligid. Pinalagyan na rin ng mga ilaw ang harden at pati sa likod ay mayroon din ilaw. Laglag ang balikat ni Henry, habang pabalik sa kanilang bahay. Parang bigla din siyang nagka problema, dahil hindi na niya makakasama ang kanyang kasintahan gabi-gabi. Pati si Lynnette ay naiinis sa biglang pagpapatanggal sa malaking puno ng mangga sa kanilang bakuran. Hindi na tuloy siya mapuntahan ni Henry, dahil hindi na nito maaakyat ang bintana ng kanyang kuwarto. Naging maiinitin na rin ang kanyang ulo magmula noong hindi na sila nagkita ni Henry. Hanggang sa tawag at text na lamang sila nagkakausap na dalawa. Ilang araw na rin na hindi nagkikita ang magkasintahan. Sabik na sabik na si Lynnette sa kanyang boyfriend at tila mababaliw siya na hindi na nadiligan ang kanyang bulaklak. Nanggigigil siya sa kanyang ama na nagpatanggal sa puno ng mangga sa kanilang bakuran. Inis na inis talaga siya, kaya ang ginawa ni Lynnette ay nag cutting classes siya at umuwi ng maaga. Ngunit hindi siya umuwi sa kanilang bahay, kundi pinuntahan niya si Henry sa bahay nito. Para siyang masisiraan ng bait kung hindi niya makita ang kanyang kasintahan ngayon. Tumigil ang taxi na sinasakyan ni Lynnette sa tapat ng Gate ng mga Alonzo. Agad niyang binayaran ang driver, saka mabilis na bumaba ng taxi at patakbong nagtungo sa Gate nila Henry. Hindi naman naka lock ang Gate, kaya pumasok na lang si Lynnette sa loob ng bakuran at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay nina Henry. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid kung may tao, ngunit wala naman siyang nakita kahit isa. Kaya mabilis siyang umakyat sa ikalawang palapag, upang puntahan ang kanyang kasintahan sa kuwarto nito. PAG DATING ni Lynnette sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Henry ay marahan niya itong kinatok. Kilala na din ni Lynnette ang kanyang kasintahan. Ayaw na ayaw nito na may ibang taong pumapasok sa loob ng kanyang kuwarto. Kaya minabuti na lang niyang kumatok muna, upang ang binata mismo ang mag bukas ng pinto para papasukin siya. Naka ilang katok pa si Lynnette bago buksan ni Henry ang kanyang pinto. Naka tapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok. Halatang katatapos lamang nitong mag shower. Napalunok naman si Lynnette, dahil sa nabungaran niyang hitsura ni Henry. Tinitigan din ng dalaga ang matipunong dibdib ng kasintahan, saka kinagat pa ang kanyang labi. Isang pilyong ngiti naman ang itinugon sa kanya ni Henry. Itinaas pa ng lalaki ang kanyang kanang kamay at humawak ito sa gilid ng pinto, saka hinawakam ang baba ni Lynnette. "Miss me already Mahal?" mapang akit na tanong ni Henry, saka niya dinampian ng halik ang labi ni Lynnette. Agad namang yumakap si Lynnette sa katawan ng binata, saka tinugon ang halik sa kanya ni Henry. Mabilis din na hinila ni Henry ang dalaga, papasok sa loob ng kuwarto nito, saka niya ginamit ang kanyang paa, upang isara ang pinto. Mabilis din na pinindot ni Henry ang kanyang door knob, upang mag lock ito. Hinayaan na rin ni Lynnette ang kanyang mga gamit na magkanda hulog sa sahig. Pati ang kanyang bag ay hinayaan na rin niyang matanggal mula sa kanyang balikat at mahulog sa sahig. Basta ang tanging hangad ng dalaga ay maibsan ang kanyang pangungulila sa kasintahan. Mahigpit na magkayakap ang dalawa, habang nagkakainan ng lips. Walang may gusto na mag patalo sa kanila at talagang madiin ang pagkakalapat ng kanilang mga labi at halos hindi na rin sila humihinga na dalawa. Habang naghahalikan silang dalawa ay umupo naman si Henry sa kanyang swivel chair, saka niya kinandong si Lennette. Parang bata naman na nagpakandong ang dalaga, saka mabilis na ipinulupot ang kanyang mga kamay sa leeg ni Henry. Patuloy lang silang naghalikan na dalawa, hanggang maibsan ang pagka sabik nila sa isa't-isa. Hingal na hingal pa silang pareho ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Tinitigan naman ni Henry ang dalaga, dahil nagtataka siya kung ano ang ginagawa nito sa kanyang kuwarto. Dapat ay nasa University ito at nag-aaral. "Hindi kaba pumasok ngayon?" nagtatakang tanong ni Henry sa kasintahan. Hindi kasi ugali ni Lynnette na lumiban sa class nito kaya ganon na lamang ang pagtataka niya. "Nag skip ako, hindi rin kasi ako makapag concentrate sa class, dahil ikaw ang naiisip ko. Kaya tumakas na lang ako at umuwi dito." sagot ni Lynnette sa kasintahan. "Baka mamaya mapagalitan kana naman ng parents mo dahil hindi ka pumasok sa subject mo." wika ni Henry, saka nito hinila ang ilong ni Lynnette. "Aray! Ang sakit nun ah!" reklamo naman ng dalaga, saka niya hinilot ang kanyang ilong na nasaktan. Bumaba din siya mula sa kandungan ni Henry, saka hinila ang tuwalya sa beywang ng binata. "Amin na ang tuwalya, maliligo lang ako." sabi ni Lynnette, habang hawak nito ng mahigpit ang tuwalya sa beywang ng binata. Hinayaan lang din ni Henry na maalis ang tuwalya sa kanyang beywang. Bahagya pa siyang tumayo, upang mahila ito ng tuloyan ni Lynnette. Napailing na lang si Henry, dahil sa kasintahan. Mabuti na lang at may suot siyang brief, kaya hindi tuloyang lumitaw ang kanyang sandata. Muling hinarap ni Henry ang kanyang Computer at ipinag patuloy ang ginagawa niya kanina. May mga code siyang hinahanap at gagamitin niya iyon sa isang site na gusto niyang subukang pasukin. Patuloy lang ang kanyang kamay na may pinipindot sa mouse at ang mga mata naman niya ay nakatingin sa monitor. Mga numbers at Letters lang naman ang mga makikita sa screen, ngunit para kay Henry ay hindi ito pangkaraniwang mga letters at numbers lamang. Dahil oras na makuha niya ang tamang combination ng code na kanyang hinahanap ay pwede na siyang tawaging Legendary. Hanggang sa bigla na lamang tumunog ang kanyang Computer at pumasok ang Code na nakuha niya. "Access Granted!" maririnig na boses ng babae, mula sa kanyang Computer. Hanggang sa mag flash na sa kanyang mga monitor ang Buong Control Secrurity System ng Pilipinas. Napatayo pa si Henry, dahil hindi siya maka paniwalang napaka dali niyang na hacked ang Security System ng bansa. Itinaas pa niya ang dalawang kamay, saka niya ginulo ang kanyang buhok. "Ano ang mga yan?!" nagtatakang tanong ni Lynnette, habang naka tingin siya sa mga Computers ni Henry. Kalalabas lamang niya sa banyo at tumutulo pa ang tubig sa kanyang buhok. Ilang monitor din ang nasa loob ng kuwarto ng binata, ngunit iisa ang makikitang naka lagay sa screen. Ito ay ang Logo ng Pilipinas ang siyang naka paskil sa screen. "Guess what Mahal? Nagawa ko ng pasukin ang Security system ng Pilipinas. Ako na ang may Control sa kanilang Cyber Security System ngayon! Woooooh!..." pagmamalaki ni Henry sa kanyang kasintahan. "Mahal, bawal yang ginagawa mo! Pwede kang makulong dyan!... Alam mo bang napaka tagal ang aabutin sa kulungan ng mga taong nahuhuli na may kaugnayan sa Cyber Crime." sagot ni Lynnette, habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Alam niyang malaking kaparusahan ang naghihintay sa kanyang kasintahan, kapag nahuli ito ng mga pulis o NBI. "Hindi yan Mahal, dahil hindi ko pa naman nabuksan yan at hindi ko rin napaki alaman ang kanilang mga files. Sinubukan ko lang naman kung hanggang saan ang kaya kung gawin." baliwalang sagot ni Henry, saka niya hinawakan ang beywang ng kasintahan. Bagong ligo lang si Lynnette at naka tapis lang siya ng tuwalya na lumabas ng banyo. "Ibalik mo na yan, bago pa malaman ng mga kinauukolan na nahacked na ang kanilang Security System." sabi ni Lynnette, ngunit sinusihan lamang ni Henry ng halik ang kanyang labi, saka siya binuhat at dinala sa ibabaw ng kama. PHILIPPINE INTELLIGENCE GROUP COMMAND CENTER. MALAKAS na alarm ang gumulantang sa mga tauhan sa Agency. Lahat ng kanilang Computer ay makikita na may WARNING!!! sa screen. Kaya nagkagulo ang mga tao sa loob at mabilis nilang hinanap ang dahilan ng kanilang pagka Attack. "Tawagin ninyo si General dito! Kailangan niyang malaman na may naka pasok na Virus sa System natin!." sigaw ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD