CHAPTER 14 "Puwede ka ba maimbitahan ng dinner?" masuyo niyang pag-aanyaya. "Ngayon na?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung sasama ako kasi naalangan ako sa suot kong jogging pants, rubber shoes, sandong puti na pinatungan ko ng varsity jacket. Nahalata niyang naalangan ako sa suot ko. "Magbabayad naman tayo saka presentable ka naman sa suot mo. Hindi naman sa mga class na restaurant tayo kakain kaya puwede na 'yan. Kahit anong suot mo, guwapo ka parin kaya huwag ka masyadong balidoso." Nang kumakain kami ay hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin. Nagsimula sa kinakain namin hanggang sa buhay sa Dubai at katahimikan uli. "Napag-isipan mo na ba yung sinasabi ko sa'yo?" pamamasag niya sa katahimikan. "Oo" sagot ko. Mabuti, siya na din lang ang nagbukas dahil sa pagkakataong iyon,