Chapter 19: Confused

2315 Words

NAGISING si Asia sa hindi pamilyar na lugar kaya napaupo siya. Agad niyang inilinga ang mata para alamin kung nasaan ba talaga siya. Napaawang siya ng labi nang makita ang lalaking natutulog sa may upuan na gawa sa kawayan. Nasaan siya? Bakit nandito si Ismael? Sa kabilang banda, natutuwa siya sa nakita. Para kay Asia, kulang ang oras nila sa coffee shop na iyon kaya nakaramdam siya ng excitement habang nakatunghay sa gwapong mukha nito. Ang akala ni Asia bumalik na ito ng Maynila. Hindi niya akalaing magkikita pa sila ngayon. Ang usapan nila, mag-uusap sila pagbalik niya. Talagang susulitin niya ang bakasyon sana dito kasama ang mga kaibigan. Supposedly, pambabaeng lakad lang nga ito, pero nagulat siya nang sabihin ni Laura na nagsunuran ang mga ito. Bago pa man pumasok sa isipan niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD