SA opisina ni Callen siya dumiretso nang araw na iyon. Dumating na ang order niya. Nang tawagan siya ni Callen kanina na nasa kamay na nito ang parcel niya ay agad niyang tinapos ang meeting niya sa subbordinate niya. Takot siyang baka buksan ng binata. Takot siyang ma-judge dahil sa curiosity. Naupo siya saglit sa waiting area habang hinihintay ang parcel niya. Hindi naman siya magtatagal dito dahil may trabaho siyang naiwan sa opisina. Hindi pa siya matagal na nakaupo sa waiting area nang marinig ang usapan ng dalawang employee. “Iba talaga ang may kapit, ano? Akalain mo ‘yon, Assistant Manager agad si Miss Inés?” ani ng isa. Napakunot siya ng noo nang marinig ang pangalan. Dito nagtatrabaho si Inés? Nakaramdam nang inis si Asia sa isiping iisa lang ang environment na ginagalawan