“T-TULONG…” Napalinga si Asia nang marinig ang boses. Inulit pa niyang ilinga ang sarili para makhanap ang nagsasalita. Tatalikod na sana siya nang muling marinig ang boses. “Tulungan mo ako…” Nanlaki ang mata ni Asia nang makita sa halamanan ang duguang nakahandusay. Hawak nito ang tiyan na may saksak kaya napaawang siya ng labi. Marami ring dugo. “God! A-ano po ang nangyari sa inyo?” aniya rito na nauutal. “T-tulungan mo ako. A-ayoko pang mamatay,” pakiusap nito. Natataranta si Asia ng mga sandaling iyon. Pero tinatagan niya ang sarili dahil sa nakakaawang kalagayan ng lalaki. Talagang nilapitan niya ito kaya lalo siyang nakaramdam nang awa. “S-sandali hihingi ako nang tulong.” Akmang aalis siya nang pigilan nito. “H-hindi ako pwedeng makita ng iba na ganito. K-kailangang makab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books