PIZZA. That's what I want for dinner. Since I moved out of my parents' house, I haven't been eating right. I love to cook but I like it better when someone else is making my food. Kahit anong ulam, kahit prito — basta hindi ako ang nagluto. And tonight, I am craving for pizza. So here I am at Gusto's. They serve the best pizza in town. I was busy picking toppings that I didn't notice a guy was approaching me until he talked.
"Hi," nakangiting sabi n'ya sa akin.
Oh f*ck. Of all people — s'ya talaga ang makakasalamuha ko dito sa tindahan ng pizza? Pinaghahandaan ko pa lang nag pagkikita namin bukas at base sa itsura n'ya ngayon, mukhang interesado s'ya sa akin. I am not going to lie, I have been dreaming about this since I was in high school. Pero iba pa rin pala talaga kapag kaharap mo na at nangyayari na ang panaginip mo sa totoong buhay.
"Hi."
I quickly said to him before looking at the menu on the wall. Damn it! Now the toppings don't make sense to me. Nakalimutan ko na rin ang ibang pinili ko kanina bukod sa extra cheese. Relax, Jamie. It's just River.
"Have I met you before? You look really familiar."
Saglit ko s'yang tiningnan. "That is the worst pick up line ever."
Napakamot ito sa leeg n'ya. "It's not a pick up line. Talagang familiar ka sa akin."
Hindi man lang s'ya nagpatinag sa sarcasm ko. Ni hindi n'ya ako maalala. Sabagay, nasa huling taon na s'ya nang high school noon. Tatlong taon kasi ang tanda n'ya sa akin. The next thing I know, he went to Harvard. Nag-aral s'ya ng business. I wanted to go there too but my father persuaded me to attend McGill in Montreal. Doon kasi nag graduate si Mommy. My younger sister went to the same school too.
"May kamukha lang siguro ako," sabi ko na lang sa kanya.
Hindi pa rin s'ya umaalis sa gilid ko at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Pinilit kong kalmahin ang patuloy na pagkalabog ng puso ko. His nearness is sending my heart into a frenzy. Mabuti na lang ay may lumapit na batang lalake.
"Hi, pretty. Can I borrow my Uncle Ri? I need to use the washroom," nakangiting sabi n'ya sa akin. Ang cute ng batang ito.
"Sure, he's all yours."
Hinarap ako ni River. "I will be right back. Don't go anywhere, please?"
Hindi ko s'ya sinagot at nagmamadali s'yang inakay ang bata na mukhang ihing ihi na. Dali-dali akong lumapit sa counter at nag-order ng Hawaiian pizza. I can't stay long at baka pag bumalik si River ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pinadeliver ko na lang ang order ko at bumalik sa condo. I have been always been admired for my pretty face and amazing body. Sabi nga nila ay maiihalintulad nila ako sa isang beauty queen. Bakit hindi? Prinsesa naman talaga ang aking ina -- if she didn't marry my father.
But as much as I like being admired for being beautiful, I want to be loved for simply being me. Beauty fades, but humor and kindness never goes out of style. Lalo na sa panahon ng social media, lahat lang ng maganda ang pinapakita at ang mga hindi kagandahan ay madalas nasa sidelines.
DAMN IT! Where the hell is she? Sinabi kong huwag aalis ay nilayasan pa rin ako. I didn't even get her name. Si Cole ay bumalik na sa pagkain ng pizza n'ya at nanood sa tablet. I went to the counter and asked the staff.
"Excuse me, do you know where the girl in red went?"
Saglit na tumigil sa pag-aayos ng cups ang staff at hinarap ako. "Matangkad po ba na mahaba ang buhok?"
"Yes, that girl."
"Ah, si Miss Liz po 'yon. Regular customer namin s'ya."
"Liz. Is she coming back for her order?"
"Ay, pinadeliver na lang po n'ya ang pizza kanina. Nagmamadali pong umalis, baka may emergency. Usually po, dito s'ya kumakain at bihirang magpadeliver."
"By any chance, would you be able to give me her address or phone number?"
Bahagyang napangiwi ang staff. "Naku, sorry po. Hindi po ako pwedeng mag-bigay ng information. Confidential po eh, mawawalan ako ng trabaho."
Tumango ako at ngumiti. "I understand. Thanks."
Liz. It's a beautiful name for a beautiful woman. When I was talking or chatting with Jamie, it's how I envisioned her. Kaya akala ko si Jamie na ang babaeng nakita ko kanina. Too bad, I don't think she likes me.
"Uncle Ri, I'm done eating. Can we play when we get home?"
"Yes, bud. We'll play but only until seven forty five. Your mother said you have to be in bed by eight or she won't let you stay in my place anymore."
Bahagya pa itong napasimangot. "But I don't have school tomorrow, it's Satuday."
"I know but what your mother says goes. Do you want her mad?"
Paulit ulit itong umiling. "Fine. Let's go na so we can play a lot."
Napakabibo ng pamangkin ko kaya maaga itong natanggap sa school. And he is right, Sabado nga bukas at wala s'yang pasok pero ayaw ni Ate ng nagpupuyat ang bubwit na ito kaya susundin ko na lang kaysa naman madamay pa ako sa kasungitan n'ya. Kapit ko s'ya sa kamay habang naglalakad kami papunta sa kotse ko.
"Uncle Ri, did you get the pretty lady's name?"
Napatawa ako. Ang bata bata pa pero marunong ng kumilatis ng maganda. "Liz."
"I like her. She is prettty like my Mommy. Where did she go?"
"Home probably."
"Did you scare her," pasulimpat pa akong tiningnan nito na lalo kong ikinatawa.
"Of course not, silly boy," ginulo ko pa ang buhok n'ya at na ikinasimangot nito.
"Don't gulo my hair, Uncle Ri," nakasimangot na sabi nito. Konti lang ang alam n'yang Tagalog at mas madami ang Russian at English kaya inuutay naming turuan sa bahay.
Nang makarating kami sa bahay agad s'yang pumunta sa harap ng tv at binuksan ang console.
"Hep! Brush your teeth and changed into your pyjamas before you play."
Tatakbo agad ito at kinuha ang pamalit n'ya sa bag pati toothbrush. Mahirap kasing abutin ng antok ito kaya ngayon pa lang pinagawa ko na ang routine n'ya. Mayamaya lang ay nakabalik na ulit at nagsimula ng maglaro. I checked the front door and ensure that it is locked. Nagpunta ako sa kwarto at nagshower. Nagtutuyo ako ng buhok ng maisipan kong tawagan si Jamie. Ilang ring lang at sinagot naman nito.
"Hey."
Narinig ko ang pagkain n'ya. "Are you eating dinner?"
"Yep, pizza."
Napaamang ako. Pizza? What a coincidence! I cleared my throat. "Pizza. I had the same thing for dinner at Gusto's."
Narinig ko ang pagtamik n'ya at mayamaya ay narinig ko ang pag-inom n'ya ng tubig. "Masarap ang pizza doon. I had it a few times."
"Really? Where did you get your pizza that you're eating now?"
"I made it."
Napataas ang kilay ko. "You cook?"
"S'yempre. Hindi naman ako helpless sa kusina. Besides, ayaw kong magutom."
"Sige nga, ipagluto mo ako minsan."
"Para 'yon lang? Sisiw! Ikaw ba, marunong ka magluto?"
"Masarap akong magluto."
"Talaga?"
"Oo, sa sobrang sarap -- kapag nagpropose ako, yes agad ang sagot mo at hindi na pinag-iisipan pa."
I heard her chuckle. "Talaga ba, River Sanz?"
"Talagang talaga."
"O sige, aantayin ko 'yan. Tingnan natin kung mapapa-oo nga ako."