"Boss lasing na ako. Hindi ka pa ba uuwi?" taboy ni Aron sa amo na kainuman. 'Hindi pa ako inaantaok samahan mo muna ako." napatingin si Aron sa mga bote ng sato na naubos nila. May 7 bote na ang naroon kanina parang tubig lang nilang iniinom ang alak ng boss n'ya pero ngayon ang linaw na ng paningin n'ya. Ang tingin n'ya sa mga puno sa labas ng bahay nila ay parang mga nag sasayaw na. Hindi n'ya alam kung gawa sa hangin o dahil sa tama ng alak sa kanila. Halata rin naman lasing na ang amo pero pinipilit lang nitong labanan ang pag taob dahil kanina pa rin ito umuuga. "Boss! Ang dami nating trabaho bukas. Awat na muna baka parehas na tayong hindi magising bukas." "Ayoko pang matulog. Ayoko pang ipikit ang mga mata ko kapag kasi nakapikit ang mata ko baka mapagod ang mahal kong si Barba