Present

1522 Words
Present... “Ano ba naman Barbie halos mag 1-year na tayong nag tuturuan ang tigas pa rin ng dila mo. Mahuhuli tayo n’yan,“ reklamo ni Klary habang tinuturuan na mag tagalog ng maayos ni Barbie. “Do I have to spoke tagalog of all times” reklamo ni Barbie, tuwid naman na s'yang mag tagalog pero may mga pagkakataon na nabubulol s'ya. “Hindi pero s’yempre, tagalog ang main language ko kaya kailangan fluent ka saka hindi ko ugaling mag english kapag nasa Pilipinas ako, mapapagalitan kami ni Mama." napa buga naman ng hangin si barbie habang naka tingin s'ya kay Klary na tinuturuan s'yang mag basa ng tagalog. Para s'yang nanalamin habang naka harap kay Klary. Bakit dahil iisa ang mukha nilang dalawa at iyon ay dahil sa magaling na plastic surgeon na suitors ni Klary na pumayag na gayahin ang mukha nito para itago s'ya. She is Barbara Villareal the missing heiress na matagal ng pinag hahanap ng mga pulis. Noon hinahanap s'ya dahil ipinahahanap s'ya ng parents n'ya. Ngayon hinahanap s'ya dahil ibinibintang sa kanya ang pag kamatay ng parents n'ya ng mismong kapatid ng ina n'ya. Agad s'yang pinatakas ng lola n'ya ina ng Mommy n'ya at nag bilin na wag na wag s'yang mag papakita sa kanila hanggat hindi ito ang mismong nag-utos. Nung unang beses s'yang nawala galing s'ya sa isang tour pauwi na s'ya ng may humampas sa ulo n'ya at wala na s'yang na alala hanggang sa na napag tanto n'ya nakarating s'ya ng Pilipinas ng 'di n'ya maalala kung paano. Agad s'yang tumawag sa Lola at parents n'ya kaya agad s'yang pinapunta sa isang hotel kung saan s'ya raw kakaunin ng Papa n'ya na dumating naman. Naging maayos ang buhay n'ya sa lumipas na mga taon, ilang beses s'yang tinanong kung paano s'ya nakarating ng Pilipinas pero wala s'yang maalala. Bukod sa alala na may humampas sa ulo n'ya wala na s'yang ma alala, 8 months s'yang nawala at wala s'yang maalala sa nangyari sa kanya sa loob ng 8 months. At dahil wala s'yang ma alala sa nangyari sa kanya na pilita ng i-case close ang kasong pag kawala n'ya. Years past naging maayos na ulit ang lahat nakatapos na s'ya ng pag-aaral at s'ya na ang namamahala ng farm nila. Then bigla nag kasunog sa ancentral house ng family n'ya saktong pauwi pa lang s'ya ng gabing iyon. S'ya ang itinuro ng lalaking nahuli kaya bago s'ya damputin ng mga pulis pinatakas s'ya ng Lola n'ya. Na ngako ito na aayusin nito ang lahat at ibabalik s'ya sa dati n'yang kinalalagyan. Wala s'yang choice dahil ayon sa napanood n'ya sa balita na ini-interview ang tita n'ya. Pinalabas nito na galit s'ya sa parents n'ya dahil sa hatian ng lupang mamanahin n'ya na ang gusto daw n'ya buong mapapunta sa kanya ang lupain. Malinaw na gusto s'yang idiniin ng tita n'ya para makulong, ilang beses s'yang muntik na mahuli pero nagagawa n'yang makatakas. Wala s'yang pera hindi s'ya maka gawa ng transaction sa banko dahil naka freeze ang bank account n'ya. Noon naman n'ya nakilala si Klary Montenegro na nag tatago sa pamilya nito dahil sa isang secreto na hindi rin n'ya alam kung bakit at hindi rin naman nito sinasabi sa kanya. Basta ang gusto nitong mangyari mag panggap s'yang ito at umuwi ng Pilipinas. Kung paano iyon ay kung papayag s'yang mag undergo ng plastic surgery para gayahin ang mukha nito. Hindi na s'ya nag isip pa ng matagal kailangan talaga n'yang mag tago gaya ng bilin ng lola n'ya. Agad s'yang pumayag na mag undergo ng surgery at ngayon nga iisa na ang mukha nilang dalawa ni Klary. S'ya ang uuwi ng Pilipinas bilang Klary at ito maiiwan sa New York para panatilihin ang lihim nitong wag mabunyag. Ngunit bago s'ya umuwi ng Pilipinas kailangan muna n'yang ma master ang lahat ng kilos, mannerism at pananalita para hindi mahalata na ibang tao s'ya. Halos 1-year na s'yang nag papractice at nag kukulong sa loob ng condo nito, sinubuka na din n'yag umattend ng party bilang si Klary at nag tagumpay sila walang naka halata na ibang tao n'ya. Marami beses nilang sinubukan, humarap na rin s'ya sa pamilya ni Klary thru Vcal para ipaalala na kailangan nitong umuwi sa 70th birthday ng Papa nito. Ilang weeks na lang kaya puspusan na si Klary sa pag tuturo sa kanya. There is no room for mistake daw wala daw naman s'yang pakikisamahan sa bahay ng mga ito kundi ang parents nito at ang kapatid na si Megan at asawa nitong si Railey. Inisa-isa na rin nitong ipinakilala ang lahat ng member ng family tree nito at ganun din ang mga asa-asawa ng mga kapatid. Kailangan daw hindi s'ya mag kakamali at so far naman wala na s'yang problema sa family tree ng mga ito. Dila na lang talaga n'ya ang may problema dahil na babaluktot pa rin pag minsan na which is puwede naman na daw since halos matagal na din itong sa New York naka tira sapol ng mag-aral ng law pero hindi ito makapasa-pasa sa bar kaya retake ito ng retake. "Bumili ako ng bituka ng butiki sa botika, Bumili ako ng bituka ng butiki sa botika, Bumili ako ng bituka ng butiki sa botika." paulit-ulit n'yang winika gaya ng utos ni Klary ng sa wakas na deretso din n'ya ng walang mali. "Nice. Yung isa pa." tumikhim naman si Barbie. "Menikaniko ni Moniko ang manika ni Monica, Menikaniko ni Moniko ang manika ni Monica, Menikaniko ni Moniko ang manika ni Monica." napa high five silang dalawa. "Nice to meet you Klary Montenegro." bati ni Klary sa kanya. Simula na ng pagsabak n'ya sa bagong chapter ng buhay n'ya, pansamantala muna n'ya kalilimutan si Barbara Villareal at s'ya na muna si Klary Montenegro habang hindi pa na aayos ng lola n'ya ang ginawang gulo ng isa pa nitong anak. - - - - - - -- - Arrival... Habang tulak ni Barbie ang trolley n'ya na may laman na maraming mga bagahe na usually mga damit ni Klary na ipinadala nito sa kanya lahat. Pasensya na daw mga luma ang damit nito hindi na daw kasi nito magawang maka pag shopping pero mas makakatulong daw sa pag papanggap n'ya na makikilala ng Mama nito ang mga lumang damit at wala naman problema sa kanya kung luma basta maayos. Puro pang sosyal na bestida ang mga damit ni Klary malayo sa mga taste n'ya pero nag susuot rin naman s'ya ng mga floral dress gaya ng mga damit ni Klary. Buti na lang din iisa ang built ng katawan nila ni Klary kaya hindi talaga s'ya ma hihirapan na mag-aapply. "Klary." agad s'yang ngumiti ng makita si Gabriel Montenegro ang kuya ni Klary na s'yang kakaon sa kanya. Grabe guwapo na sa picture ang kuya ni Klary pero nakaka pamura pala sa personal ang kaguwapuhan nito. "Anong hitsura yan nag pa breast enhancement ka ba?" tanong pa ng kapatid ng makalapit na s'ya at hubarin n'ya ang suot na shades at ilagay sa may ulo na hndi na pinansin ang sinabi ni Gab. "It's so hot na pala ng sobra dito sa philippines nakaka stress naman.' maarteng wika n'ya. "Wala kang kupas sa kaartehan. Yes, it's so hot here in the Philippines kaya let's go na." "Damon, let's go!" tinapik naman ni Gab ang lalaking katabi nito na akala ni Barbara hindi ito kasama ng Kuya n'ya at may ibang iniintay. Gustong tumaas ang kilay ni Barbie ng lumapit ito sa kanya at kunin sa kanya ang Trolley. "Ayoko sa babae yung retokada." bulong pa ni Damon na ikina-alarma ni Barbie nahalata ba nito na hindi s'ya si Klary. "Hindi ako nag pa retoke ha." defensive na sagot ni Barbie na mabilis na sumunod sa lalaking nag ngangalang Damon. "Hindi ka nga nag paretoke ng mukha pero yang dibdib mo halata. Hndi naman ganyan kalaki ang dibdib mo noon." wika naman ni Gab. "Aba! Anong ini-expection? ilang years na ang lumipas natural lalaki to." umiling naman si Gab na sumakay na sa driver seat. "Wag ko lang malaman na may ibang dume** d'yan patay ka sa akin." bulong naman ni Damon na ikina-awang ng bibig n'ya. Ano daw dumede? Sino abnoy ang pa dedehin n'ya. Ano s'ya sira-ulo at bakit ganun ito makapag salita. Boyfriend ba ito ni Klary at nalimutan sabihin sa kanya. Kaya hindi na lang s'ya nag komento dahil baka mag kamali s'ya, kailangan muna n'yang maka-usap si Klary. Muli s'yang isinuot ang shade ng makasakay sa backseat habang nasa unahan ang dalawang lalaki, pasimple n'yang pinag-aralan si Damon na nag alis na ng shades na suot ng pumasok na sa kotse. Nag uusap si Gab at ito tungkol sa isang negosyo na hindi n'ya alam kung ano. Pasimple n'yang pinag-aralan ang kilos at galaw ng bibig ni Damon. At hindi n'ya matiyak parang nakita na n'ya ang mukhang yun hindi lang n'ya maalala kung saan pati boses nito parang narinig na n'ya kung saan hindi n'ya maaalala. Ano kaya ito ni Klary. Kailangan n'ya talagang malaman bago pa s'ya mapahamak dahil sa isang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD