"Ano ang bilin mo sa akin kanina? Hindi ba sinabi mong sa kotse lang ako?" Hindi ako nakakibo dahil kasalanan ko naman talaga. Bigla kong naalala si Hyo-Ji, kaya napahinto ako. "Blom, ang aking nobya baka nasa loob pa siya, balikan natin dahil may sugat iyon." "Halika na, sir. Wala ka ng babalikan doon dahil nakita ko siyang paalis at sakay ng taxi." "Ganoon ba? Nag-alala kasi ako sa kaniya." "Ang bilis mo namang sinagot, sir. Pero iyon nga lang baka natakot na iyon at hiwalayan ka na bukas." "Alam kong mahal niya ako. Dahil kung hindi niya ako mahal ay hindi sana niya ako pinoprotektahan sa nagtaka ng buhay ko." "Tama ka, sir. Sigurado mahal ka niya kaya lang takot na iyon." "Hindi naman siguro," malungkot kong tugon, dahil nag-alala ako na baka tama si Blom. Hanggang sa nakaali