Pakiramdam ko'y bato ang puso nito, subalit ay gagawin ko ang lahat. Mapalambot ko lang ang kaniyang puso. "Sige, Hyo-Ji, magpahinga ka muna. Dito lang ako at babantayan kita. SAMANTALA ay nakarating naman ang dalawa kong kaubigan sa hospital at agad dumiretso sa ICU. Sapagkat ay nandoon ang kaniyang asawa na naghihingalo. "My loves, nandito na ako," sabi ni Shash sa kaniyang asawa. Naka-oxygen ito at nakapikit ang mga mata. "My love," halos pabulong nitong boses. "Yes, my love." "Pagod na pagod na ako, gusto ko kahit wala na ako ay ituloy mo pa rin ang buhay mong masaya. G-gusto kong makahanap ka agad ng kapalit sa akin. A-ayaw kong magluksa ka... mahal na mahal kita...mahal na mahal," pahayag ng kaniyang asawa at sabay patak ng kaniyang huling luha. "My loves! My loves!" paulit-u