Chapter 15 Tyrone Davis "Pasok ka muna, Iho," yaya sa 'kin ng nanay ni Jah-Jah. Kagagaling lang namin sa palasyo at hinatid si Jah-Jah pauwi. Wala naman sana akong balak na mag-stay at magpakita sa parents niya ngayon pero mukhang inaabangan nito ang pagdating namin kanina. "Naku, hindi na po! Mauna na po ako," sabi ko pero mapilit siya. Sa huli, wala na rin akong nagawa kung hindi ang pumasok. Tiningnan naman ako ni Jah-Jah na parang humihingi ng dispensa dahil sa mama niya. Nginitian ko lang siya. "Kain na muna kayo mga anak. Nagluto ako ng masarap para sa dinner natin. Sakto namang nandito itong kaibigan mo," sabi ng mama niya. "Bihis lang po ako," ani Jah-Jah. Ngumiti lang siya at umalis. Naiwan naman ako rito na tinutulungan ang mama niyang maghain. Nakakahiya naman kung