Chapter 11 Jas Suarez SA TINGIN KO ay nagiging boring nga talaga ang araw-araw ko dahil 'di ko na nakakasama si Ron-Ron. Kaya naman napagpasyahan ko na mag-isang gumawa ng prank. Hindi kasi mahilig sina Kimmey at Gelo sa mga ganitong kalokohan. Kaya lang sila napasama sa section namin ay dahil nagrerebelde sila. Ayaw kasi ng parents nila sa relasyon nilang dalawa. Nakatingin ako sa kabuoan ng canteen. Narito ako sa likod ng halamanan para hindi ako masyadong kita ng mga estudyante. Mula rin kasi rito ay kita ko ang buong silid, kita ko ang bawat galaw ng mga estudyante. Naglagay ako ng ipis sa ilalim ng isa sa mga lamesa bilang prank at hinihintay ko na lang na may umupo roon. Hindi ako mapakali sa puwesto ko nang makita ang kumpol ng kababaihan na papunta sa nilagyan ko. Mabuti na lan