Chapter 13 Jas HINDI KO MAIWASANG hindi manlumo habang papasok ng room. Parang ngayon ko pa lang napagtatanto ang mga nangyayari. Dapat pala ay hindi ko na sinabi kay Mama! Pati tuloy si Papa ay sinermonan pa ako kagabi. Minsan ko na nga lang siya makita tapos ganito pa! Isipin ko pa lang na iiwasan ko pati si Eiji ay sumisikip na ang dibdib ko. Ano ba ang ginawa ko para mangyari sa 'kin 'to? Parusa na ba 'to sa mga pinaggagawa ko sa buhay? Ito na ba ang kapalit ng mga pranks na ginawa ko? Mukhang mas ayos pa na mahuli ako ng teachers kaysa ganito! Pagdating ng break ay hindi ako pumunta sa rooftop. Tiyak na naroon si Eiji ngayon. Sa likod ng building na lang ako kumain, mag-isa. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Magdadahilan na lang ako sa susunod na busy ako. Kailangan ko na